Chapter 7: Birthday Surprise

12 0 0
                                    

Nang sumapit na ay Lunes,tuwang tuwa ako dahil bukas na ang birthday ni Dhenn. Walang ibang pinagtuunan ang isip ko kundi kay Dhenn lang ,hindi rin lumasok sa utak ko si Kevin. Marami kaming ginawa ngayong araw sa school kaya medyo napagod ako pero napawi ang pagod ko ng makita na ang mga kaibigan ko.Nagusap kami para sa meeting place namin bukas,bumalik agad ako sa room namin kahit medyo maaga pa nagantay ako ng ilang oras sa  room at dumating na rin ang professor namin wala namang ginawa nung pahapon na nagdiscuss lang ng konti at pinauwi na rin kami.

Nang pinauwi na kami dali dali kong nilagay ang gamit ko sa bag ko at hindi ko na ito inayos pa basta lagay nalang ako.Nagmadali akong lumabas ng school dahil nagpasundo ako kay Manong Ivan dahil pupunta ako ng mall para bumili ng ireregalo ko kay Dhenn para bukas.Nang makapasok ako sa mall inuna ko ng bumili ng stuff toy dahil baka paginuna ko yung pagbili ng cake ay baga mapiyaot at pagkatapos kong bumili ng stuff toy ay bumili agad ako ng cake.Madali lang akong nakabili dahil planado ko na ito noong nakaraang biyernes.Nang nabili ko na lahat ng kailangan ko ay sumakay na ako sa kotse at umupo sa back seat ingat na ingat ako kasi baka mapiyaot yung cake.

Pag kauwi ko galing mall,nilagay ko yung cake sa ref namin at inakyat ko na yung binili kong stuff toy.Hindi na ako makapaghibtay para bukas,ipapadala ko nalang ng tanghali kay Manong Ivan yung cake at stuff toy na para kay Dhenn,gumawa na rin ako ng napakahabang message para sa kanya sa sobrang excited ko ay nakatulog ako.

Ginising nalang ako ni Manang para kumain ng hapunan kasabay si Mommy at Daddy.Tuwing gabi ko lang sila nakikita at tanggap ko yun dahil para sa future ko rin naman yung ginagawa nila.

Malapit na rin ang anniversary nila kaya nagpaplano sila ng mag vacation sa ibang bansa.Okay lang naman sa akin dahil sanay na ako na minsan ay wala sila pero syempre nakakamiss din sila.Nang matapos na akong kumain ay pumunta na ako sa kwarto ko para magpahinga na habang naiwan pa si Mommy at Daddy sa sala.

Nang sumapit na ang umaga dali dali akong naligo,nagbihis at kumain para maagang pumasok.Pinaalala ko na rin kay Manong Ivan yung dadalhin niya mamayang tanghali.Habang naglalakad ako papuntang room  abot tenga ang ngiti ko dahil birthday ni Dhenn.Ang araw ngayon ay July 11,2017, nakangiti ako habang nagtuturo ang proffesor namin hindi na ako makapagantay ilang minuto nalang ay kukunin ko na kay Manong Ivan ang regalo ko para kay Dhenn.

Nang makuha ko na ang regalo ko ay patungo na ako sa meeting place naming apat.Nang malapit na ako sa kanila at buti nalang ay nakatalikod si Dhenn ,isang hakbang nalang ang agwat namin sa isa't isa

'Happy Birthday Dhenn' sigaw ko mula sa kanyang likod

Nasurpresa siya sa ginawa ko at bigla niya akong niyakap ,bigla ko rin siyang niyakap pabalik.At syempre hindi rin mawawalan ng regalo si Cath at Annika.

'Thank you,Riza,Cath and Annika',nangingitak ngiyak niyang sabi

At niyakap niya kaming tatlo sa sobrang saya niya ay may tumulong luha sa gilid ng mata niya at buti nalang may tissue akong dala.

'Enjoy your day,Dhenn', Ani ni Cath kay Dhenn

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay bakas ang ngiti sa mukha ni Dhenn.

"Her One Sided Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon