Minsan ay maaga akong nauwi kasi wala naman akong ganang gumala ng gumala sa mall at paguwi ko ng bahay ay magpapahinga ako ng ilang oras at pagsapit ng 9:30 p.m laging nagtetext si Aaron sa akin
From Aaron:
Uyyy..
Nakauwi ka na ba?
Kumain kana para hindi ka magutom?
Etc......
Nireplayan ko siya dahil naiinis na ako sa pangungulit niya
To Aaron:
Oo,kumain na ako,matutulog na ko ngayon bye..
Hindi pa naman talaga ako matutulog sadyang ginawa ko lang dahilan yon para makakain ng ayos agad naman siyang nagreply sa text ko pero hindi ko na siya nireplayan pa.Nasa harapan ko sina Mommy at Daddy.Ilang minuto ang makalipas nagsalita si Mommy
'Riza hindi ka na susunduin ni Manong Ivan', ani ni Mommy
'Bakit naman po?', tanong ko habang nakain
'Lagi ka ng sasabay kay Aaron',tipid na sagot ni Mommy
'Pero Mommy',angal ko
'Mas mabuti ng fiance mo ang kasabay mong umuwi',tipid na namang sagot ni Mommy
'Fiance?'gulat kong tanong sa kanya
'Oo nagkaroon na kami ng deal ng parents ni Aaron',sagot ni mommy habang nakatingin sa akin
'Pero Mommy?'natataranta kong sagot
'4 months from now on bago ang kasal niyo, Nagkaroon kami ng deal para mapalakas pa lalo ang kita ng bussiness ng pamilya natin at nang pamilya',sagot ni Mommy ng parang wala lang
'Daddy?payag ka ba sa deal nila?',nagmamakaawang salita ko
Pero hindi nagsalita si Daddy.Pagkatapos kong kumain,tumayo agad ako at nagpunta sa kwarto gusto kong magmukmok at magmakaawa sa kanila na huwag ituloy ang deal.Ipinagkasundo kami para lamang lumakas ang kita ng bussiness ng parents namin.Pero mag na nighteen(19) palang ako sa darating na March 13.Ang araw ngayon ay January 5, 20**,ibig sabihin sa May na agad ang kasal namin.Marami pa akong gustong gawin sa buhay tulad ng magtayo ng sarili kong kompanya,magexplore sa iba't ibang bansa at marami pang iba.Hindi pa ako ready para sa kasal at may iba akong mahal,hindi ko kayang pilitin ang sarili ko sa taong di ko naman talaga gusto.
Same lang kami ng age ni Aaron.Halos lahat ng katangian na sa kanya niya pero hindi siya ang tipo ko,hindi ko parin talaga kayang pilitin ang ikasal ako sa kanya dahil iba pa rin talaga ang hinahanap ng puso ko.
Sa tingin ko kapag ako ang pinili niya hindi ako magiging worth it,hindi ako magiging sapat dahil pilit lang ang lahat,nagplano ang magulang namin at nagdesisyon na magkaroon ng fixed marriage.
Dahil sa kakaisip ko nakatulog ako at nalate ako ng gising kaya nagmamadali akong maligo,magbihis at kumain.Tila para bang wala akong katawan dahil napakatamlay ko lalo na't naiisip ko na nagkasundo ang pamilya namin at maging fiance ko si Aaron.Hindi ko maiwasang hindi umiyak dahil sa mga mangyayari.May mga luha na dumadapo sa aking pisngi ngunit agad ko itong pinupunasan.
Nang makarating na ako sa room umupo nalang ako at naglabas ng notebook.Halata sa aking mata ang pagpatak ng mga luha ko,Shit* naramdaman kong may pumunta sa harapan ko at nagabot ng panyo,laking gulat ko ng si Kevin iyon.
'Ok ka lang ba?',nagaalala niyang tanong
'Oo,ok lang ako',ani ko
Hindi ko tinanggap ang panyo na inalok sa akin ni Kevin,pinunasan ko nalang ang aking mukha gamit ang mga kamay ko.Ayokong makita niya akong umiiyak.At buti nalang dumating na ang professor namin.
'Good morning class',panimula ng aming professor
'Good morning Mr.Reyes',ani namin lahat
'Take your seat',huling salita ng professor namin
Umupo na agad ako at iba ko pang mga kaklase,inayos ko ang notebook ko sa aking harapan,ilang minuto lang ay nagsimula ng magsulat ang professor namin.Sa tingin ko ay halata parin ang pagiyak ko dahil sa mga mata ko.Wala akong ganang magsulat parang gusto ko lang matulog kaso bawal.
Maagang natapos ang kalahati ng klase namin,tinext ko ang mga kaibigan ko (VIDEBAMA) para maantay nila ako.
'Bes,asan kayo?',text ko kay Cath
'Nandito kami sa cafe',reply niya agad
'Sige papunta na ko',sabay lagay ng cellphone ko sa bulsa
Umalis agad ako at nagpunta na sa cafe kung saan nandon mga kaibigan ko.Pagdating ko roon,nakita ko sila at sumenyas ako na oorder na muna ako,dalawang minuto ang makalipas ng nakaorder ako.Mabilis lang naman akong nakaorder kasi wala namang pila,pagkakuha ko ng resibo ay pumunta na ako sa table ng mga kaibigan ko (VIDEBAMA) matamlay akong naglakad at umupo sa tabi ni Dhenn.Katapat ko naman si Cath at katapat naman ni Dhenn si Annika.
Nang makarating na ang order ko ay agad ko itong ininom para magising naman ako kahit papaano.Kanina pa sila nagkukwentuhan pero hindi ako masyadong naimik dahil wala akong gana dahil sa "fixed marriage" na nagana.Hindi pa rin iyon mawala sa isip ko.
Bumalik na rin kami sa school para pumunta sa klase.Nauna si Dhenn,Pangalawa si Cath,Pangatlo si Annika at ako ang pinakahuli sa lahat.Pumunta muna akong locker para kunin ang ibang mga gamit ko at may nakita akong isang sulat at hindi ko na pinagkaabalahang basahin iyon dahil wala akong gana.Maraming sulat ang natatanggap ko pero inilalagay ko lang iyon sa dulo ng locker ko.
Umalis narin ako ng makuha ko na yung mga gamit ko.Nakita ko si Kevin na naglalakad magisa papuntang 3rd floor kung saan nandon room namin,tinititigan ko siya habang naglalakad siya at mabuti nalang hindi siya tumitingin sa likod niya.Malapit na kami sa room ng bigla siyang umimik
'Riza?',aniya bigla
'Bakit?',parang wala lang ang tono ko
'Bakit mo ako iniiwasan,sabihin mo naman please',parang nagmamakaawang tono niya
'Hhmmm..busy kasi ako eh',parang engot kong sagot
'Gusto mo tulungan kita?',agad niyang tanong
'Ahh,wag na',sagot ko sa kanya agad
Pagkatapos ko magsalita ay saktong nasa room na kami.Nandon na halos lahat ng kaklase ko,tinignan ko ang relo ko sa aking kanang kamay at nakita kong 2:00 p.m. na buti nalang at wala pa ang professor namin.
Walang dumating na professor sa room namin kaya nag ingay nalang ang mga kaklase ko,habang ako naman ay tahimik lang.
BINABASA MO ANG
"Her One Sided Love"
FanfictionMay mahal ka ngunit nawala rin yon lumipas ang ilang buwan at nang mawala ang pagmamahal mo sa kanya ay siya naman ang tuluyang nahulog sa iyo. Mas pipiliin mo pa rin ba siya kahit may iba ka ng minamahal??Ang akala natin ay hindo nila tayo napapans...