Chapter 3: Canteen

16 0 0
                                    

Nang makarating na ako sa bahay , dali dali akong pumunta sa kuwarto ko para matulog dahil pagod na pagod ako.Nang lumipas ang ilang oras ay ginising ako ni manang.

*Tok tok tok tok ~

'Mam nandito na po ang mommy at daddy niyo,inaantay na po kayo'sigaw ni manang sa labas ng kuwarto ko

'Opo manang,palabas na po ako'sagot ko kay manang sa labas

Nang nakabangon na ako mula sa aking kama bigla kong binuksan ang cellphone ko.

'Magaalas nuebe na pala at hindi pa pala kami nakakapaghapunan'sabi ko sa akig sarili

Ilang minuto ang makalipas lumabas na ako sa kuwarto ko at pumunta agad sa sala para makakain na kami ng hapunan.

'Anak,kamusta first day of school mo?'tanong ni daddy sa kalagitnaan ng pagkain

'Hhmm..,okay naman po'sagot ko sa tanong ni daddy

Nang matapos na kaming kumain , pumunta agad ako sa kuwarto ko para ichat ang mga kaibigan ko (VIDEBAMA).

'Hi guys,musta first day of school niyo?',chat ko sa kanilang lahat

'Hhhmmm..,ok lng naman', sagot ni Cath

'Keri naman', sagot ni Dhenn

'Ayos naman', sagot ni Annika

'Ikaw kamusta first day of school mo?hahahah', tanong nilang tatlo sa akin

'Ok lang,medyo nakakainis kasi natapunan ako ng spaghetti,first day of school pa naman:(', sagot ko sa kanila

'Ok lang yan,hahahah'sagot nila ulit sa akin

'Sige na,matutulog na ako kita kita nalang tayo bukas sa food court', chat ko sa kanila para magpaalam

'Okieee,Bye',huling chat nila

Nang matapos na ang pagchachat namin sinet ko na agad ang alarm clock ko ng 5:30 a.m. at bumalik na ako sa kama para matulog dahil bitin ang tulog ko kanina.

*Kringgg kringgg~(tunog ng alarm clock)

Nang tumunog na ang alarm clock bumangon agad ako para maligo at magbihis, nang matapos na akong gawin iyo ay bumaba na ako para pumunta sa sala at kumain ng umagahan.Hindi ko na naabutan si mommy at daddy dahil maaga silang umaalis para pumubta sa kompanya.Nang matapos na akong kumain ,kinuha ko na ang lahat ng gamit ko at nagpahatid kay Manong Ivan(driver namin).

Pagkarating ko sa school dumiretso ako sa canteen para bumili ng tubig dahil nauuhaw ako,pagkabigay sakin nung tindera nung tubig agad ko itong binuksan, habang nainom ako nakita ko yung lalaking nakatapon sa akin ng spaghetti na kaklase ko

'Wtf*~ sabi ko at napabuga ng tubig

Kasama niya ulit yung dalawang lalaki.Yung isa sa kanan at yung isa ay sa kaliwa.Nang nabuga ko yung tubig na iniinom ko umalis na agad ako papunta sa room namin at buti nalang nakalayo na ako sa canteen dahil ayokong maalala yung natapunan ako ng spaghetti sa damit.

Nang makarating na ako sa room, umupo na agad ako sa aking upuan buti nalang at hindi ako na late,habang inaantay namin yung professor namin kumuha ako ng ballpen at papel para magdrawing nabobored kasi ako eh.Ilang sandali lang ang makalipas pumasok na ang professor namin.

"Her One Sided Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon