Nang dumating na ang professor namin nagsimula na siyang magturo.
*Tok tok tok tok~(tunong ng pinto sa labas ng room)
Tumigil ang professor namins a pagtuturo at tumingin sa labas.
'Bakit ngayon ka lang Mr.Kevin Ramos?'tanong ng professor namin sa kanya
'Kevin Ramos pala ang kanyang pangalan sa wakas at nalaman ko na ,maistalk nga siya mamaya sa facebook'bulong ko sa sarili ko sabay tawa
'I'm sorry ,Mr. Reyes,kumuha pa po kasi ako ng gamit sa locker' sagot niya sa professor namin
'O sige na umupo ka na sa upuan mo' huling salita sa kanya ng professor namin bago ipagpatuloy ang itinuturo niya.
Pagkatapos ng ilang oras pagtuturo ni Mr.Reyes (professor)pinagdismiss niya na rin kami
'Sa wakas',bulong ko sa sarili ko
Lumabas na rin ako agad ng matapos kong ayusin ang mga gamit ko at nagmadaling pumunta sa food courd baka kasi mamaya magalit nanaman sa akin ang (VIDEBAMA) kinuha ko ang cellphone kosa bag ko para itext sila
Me:
Malapit na ko sa food court.
Cath:
Okay.
Dhenn:
Okieee :)
Annika:
Ok.
Nang nakarating na ako sa table nila, tumayo na rin sila at sabay sabay kaming bumili ng lunch.Buti nalang napaaga ako ng dating sa food court dahil ang daming nakapila sa likod namin.Marami kasing nagaaral sa school na ito dahil sila ang pinakamagaling pagdating sa pagtuturo.Nang matapos na kaming makakaindumeretso kami sa bleachers para magkuwentuhan at manood ng nagsosoccer habang may dalawang oras pa kaming natitira bago pumunta sa klase.
'Bes,tahimik ka ata ngayon?'tanong sa akin ni Dhenn
'May gusto ka bang pagkain?'tanong naman sa akin ni Annika
'Bes hindi mahilig kumain yan,hahahah'biro sa akin ni Cath
'Hindi , may naisip lang ako bigla,ahhaha',sagot ko naman sa kanilang lahat habang nakangiti
Nang makalipas ang dalaqang oras naghiwalay na kaming apat para pumunta sa sarili naming room.Nagmamadali akong maglakad kasi sa 3rd floor pa ang room ko at malayo iyon sa food court.Habang nagmamadali ako may nabunggo akong isang lalaki ,kaya bigla akong napaupo.Nang tinignan ko siya agad
nagsalita ako.'I'm sorry',mahinahong sinabi sa lalaki
'It's okay,tumingin ka nalang sa dinadaanan mo para hindi ka na makabubggo',sagot niya sa akin ng nakangiti at kumindat bigla
Tumayo agad ako para pumunta sa room namin,pawis na pawis ako ng makarating ako doon at buti nalang hindi ako nalate.Baka sa susunod malate ako at mapagalitan ng professor namin.Umupo na agad ako kung nasaan ang iba kong gamit.Dumating narin ang Professor namin halos magkasabay lang kami pero hindi niya ito napansin.Wala naman kaming masyadong ginawa nagsulat lang at konting discussion.Medyo lutang ang isip ko non pero naiintindihan ko naman lahat ng itinuturo sa amin. Nang matapos na ang pagtuturo ng professor namin pinauwi na rin kami agad hindi ko na pinuntahan ang (VIDEBAMA) tinext ko nalang sila na uuwi na ako dahil may mahalaga akong gagawin,actually wala naman talaga ii-istalk ko lang yung nakatapon ng spaghetti sa akin si Kevin Ramos.Tiwagan ko si manang para magpasundo.
'Manang , pasundo mo naman po ako kay Manong Ivan?'sabi ko sa cellphone
'Ok po mam, antayin niyo nalang daw po siya sa labas ng gate',sagot sa akin ni manang
'Ok po,salamat',sagot ko bago ibaba ang cellphone ko
Ilang minuto ang lumipas ay sinundo na ako ni Manong Ivan sa labas ng gate.At agad naman akong sumakay sa back seat.
BINABASA MO ANG
"Her One Sided Love"
FanfictionMay mahal ka ngunit nawala rin yon lumipas ang ilang buwan at nang mawala ang pagmamahal mo sa kanya ay siya naman ang tuluyang nahulog sa iyo. Mas pipiliin mo pa rin ba siya kahit may iba ka ng minamahal??Ang akala natin ay hindo nila tayo napapans...