A/N: Sadie = pronounce as Sai•dee
ANYA'S POV
"Get back here, Sadie!" Dinig kong sigaw ni Dad. Pero dire-diretso lang akong naglakad pababa ng hagdan.
"Don't you have any respect for me?!" Patuloy pa rin na sigaw niya. Huh! Respect daw!
"Bakit Dad, do you even know the word respect?!" Di ko mapigilang isumbat pabalik sa kanya.
"And please, stop calling me Sadie! It's Anya!!" Alam kong masamang sigawan ang magulang pero paulit-ulit na lang kame sa ganito. Ano bang akala niya sa anak niya, manika? Kung ano ang gusto niyang ipagawa, masusunod na lang, ganon?!
Isang malutong na sampal ang dumapo sa mukha ko pagkalapit sa 'kin ni Dad. At inaamin kong hindi lang physically ako nasaktan.
Isang masamang tingin ang pinukol ko sa kanya pero hindi ako umiyak.
"Napaka walang modo mo!" Patuloy na sigaw niya. "I did not raise you para lang sigawan ako o kaya sagutin!" Namumula na nang sabi ni Dad. "If I only knew, sana pala.."
"What Dad?! Sana what?! Na hindi mo na lang ako binuhay? Sana nga hindi na lang! Kung ganito lang din ang balak mo sa buhay ko!" Sigaw na ganti ko sa kanya.
Nakita ko namang tila natauhan si Dad sa huling tinuran ko.
"Sadie! Will you listen to me, para sa'yo lahat 'tong ginagawa ko. Para sa'yo lahat. Can't you understand that?!"
"Hindi ko naman hiningi to Dad! All I want is you and Mom. Nothing more and nothing less. I know you've been working hard for me, for this family. But it seems you have forgotten that you have a daughter who needs your hugs, your goodnights, your kisses! Gusto ko ikaw lang Dad. But now what?! Ipapakasal mo pa ko sa isang taong di ko pa nakilala? Ni hindi mo nga nagawang maging ama sa 'kin tas pangungunahan mo pa ko sa taong mamahalin ko?!"
Sobrang sama na talaga ng loob ko kay Daddy. I know everybody needs money, but everybody needs love of a dad as well. At yun ang hindi ko naramdaman.
Dad always decides for me. Sa mga sasalihan kong activities during childhood siya lagi ang nasusunod. Ballet, piano, violin, lahat ng pangmayamang pambabaeng activities, name it! Pero dahil gusto kong maging proud siya sa 'kin, kaya sinusunod ko na lang. But I was tired of being a puppet! Kaya without his permission, ginawa ko rin ang gusto ko. Nag-aral ako ng martial arts and shooting kasama ang pinsan kong si Andrei.
"You don't know what you are saying Sadie! Hindi mo alam kung gaano kahirap na buhayin kang mag-isa mula nang iniwan tayo ng Mommy mo." Wika nito na nagpabalik sa 'kin sa reyalidad.
"Eh di sana pala ibinigay niyo na lang ako sa kanya kung pahirap lang pala ako sa inyo!" May hinanakit nang sumbat ko sa kanya.
Tiningnan lamang ako nito ng puno ng hinanakit pero mabilis lang din niya iyong pinalis.
"My decision is final. You will marry that guy. Kung hindi ka susunod, then lumayas ka sa pamamahay ko, without bringing anything. Let's see if you can live without this so-called material things you don't need." May pagka aroganteng wika nito na lalong nagpainis sa 'kin and at the same time nagpahina sa loob ko.
"I thought I was your daughter, but seeing you now and listening to what you've said, I am only a business asset to you. I am done being your daughter Dad." Punung-puno nang hinanakit na turan ko at inihagis sa kanya ang susi ng kotse ko.
Kinuha ko rin ang wallet sa bag ko at kinalkal iyon. Kinuha ko lamang ang mga ID's ko at hinagis sa harap niya ang wallet ko kasama ang mga credit cards na bigay niya.
BINABASA MO ANG
The Bodyguard (COMPLETED)
RomanceAnya Sadie Dominguez - a woman who only wanted to be loved by her parents but ended up arranging her to marry someone she hasn't met before. And because she decline the offer, she was thrown-out from her palace. Joaquin "Quino" Ezekiel Reed - a woma...