Chapter 14: Knock-knock

1.6K 95 5
                                    

ANYA's POV

"Tita Camilla?" I heard Quino's voice. Nakaupo kasi ako now sa hagdan ng entrance. Kinatok ako ni Manang at sinabing wala si Margaux at mukhang may overnight kung saan kaya malaya ako ulit nakagala sa mansion. At ngayon nga ay nakatambay kame sa may entrance ni Quino. Anong ginagawa namin dito? Ewan ko dito kung anong trip at lagi akong hinahabol nang tawag pag andito kame sa may hagdan. Tsk!

Isang magarang limo ang pumarada sa harapan namin. Nagtataka man ako kung sino ang maaaring dumating ay hindi ako nagkalakas-loob na itanong ito kay Quino.

Bumukas ang pinto and a woman of her 40's sa tantiya ko ang bumaba. When Quino called her, she turned to our direction and my jaw almost dropped. She's so gorgeous. Para akong nakakita ng artista. She looks like Lucy Torres ba yun? Her skin is white as milk and glowing. He has a long wavy hair and it was just loosely style. She's wearing a blue jumpsuit, so simple yet so elegant on her.

She automatically smile when she saw Quino and open her arms widely as if inviting Quino for a hug. Hindi naman siya nabigo dahil parang batang excited na tumakbo si Quino papunta rito. Nagyakap sila and I can see that they both missed each other. It's my first time seeing Quino this happy kaya hindi ko naiwasang 'di mangiti habang pinagmamasdan sila.

"Bakit nakangiti ka rin Anya?" Biglang tanong ni Eduard. Di ko namalayan na nasa tabi ko na pala eto.

"Anong ginagawa mo d'yan?" Tanong ko pabalik instead of answering him.

"Lagi naman akong nasa tabi-tabi lang. Bodyguard remember?" Natatawang sabi pa nito kaya napailing na lang tuloy ako.

"Ang saya ni Boss noh?" He said kaya napatingin tuloy ako ulit kila Quino na masayang nag-uusap.

"Yeah." Ang tangi kong naisagot. Sobrang saya nga niya. Haven't seen him this happy.

"Alam mo ba kung sino ang dumating?" Tanong na naman nito at iling lang ang sinagot ko. "Step mom ni Boss." Sabi nito ulit.

Ah kaya naman pala. So eto yung tinatanong ni Margaux. I didn't know na ganito pala kabata ang step mom ni Quino.

Napayukod naman ako bigla when both of them looked at my way. Damn! Bakit bigla na lang akong kinabahan?

They walked towards me and as if scrutinizing me dahil sa pagkakatingin sa 'kin. Tsk! Don't tell me another Margaux? But then she smiled warmly kaya napangiti rin ako sa kanya.

"And who is this beautiful young lady here?" She asked pagkalapit nila sa 'kin.

"She's Anya." Pagpapakilala naman ni Quino. I don't know how to greet her actually so I extended my hand to her.

"Oh! Your bodyguard?" At nakita kong tumango naman si Quino rito. "Well, she looks different from what you have described her. She's a goddess Quino. Pano siya naging manang niyan?" Sabi pa nito at natatawang tumingin ulit sa 'kin.

"Oh pardon me hija." She said saka ako biglang niyakap instead of shaking my hand. Nagulat tuloy ako. Sa totoo lang wala pang nakakayakap sa 'kin na babae maliban kay Antheia at Manang Tess. Kahit si Auntie Mel ay hindi ako nayakap nang ganito.

"Are you okay?" Tanong nito dahil marahil naramdaman niya ang pagkagulat ko.

"Yes Madam. I am sorry. I was just...surprised." ngiti ko nang alanganin sa kanya.

"Oh! Looks like you're not used to hugging." Wika nito na marahan kong tinanguan. "I see." Turan nito habang nakangiti. "And please call me Tita Camilla." And she smiled warmly again.

The Bodyguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon