JOAQUIN'S POV
There, finally I said it. But I don't know if Anya heard it since she was a little bit unstable because of anesthesia. But I do hope she did.
I waited for her to fall asleep bago ko nilapitan at kintalan ulit siya ng halik sa noo. Damn! I am really loving this lady. This lady that took my sanity the moment I laid my eyes on her. Imagine? Travelling the whole state of Australia just to see her? I must be really out of my mind at that time. And now it started again. I don't know how far I can go for this love.
"Boss." Eduard said paglabas ko ng kwarto ni Anya. "Musta na po si Anya?"
"She's fine, I presume. Tulog na siya." Sagot ko sa kanya habang naglalakad ako patungo sa kwarto ko.
"Mabuti naman po kung ganon. Hindi niyo lang po alam kung paano nag-alala sa inyo yun. Imagine hinarang ang bmw sa carpark? Don pa sa blind spot Boss. Kala ko aatakihin ako sa puso eh! Buti huminto at di siya nabundol." Eduard is starting to get nosy again pero napakunot-noo ako sa kwento niya.
"What?! Hinarang ang sasakyan sa carpark ng school?"
"Oo boss! Pano wala po kameng masakyan eh! Buti na lang si Treviño po yun. Akala ko mang-aambush pa kame ng sasakyan eh!" Natatawang kwento pa nito.
"Eto pa Boss. Ginawang racing track yung Bragi St ni Anya papunta Vanir kung saan namin kayo natagpuan."
"Bragi St? Hindi ba yun yung haunted street na madami daw naaaksidente dahil sa kung anong meron don?"
"Yes Boss, yun nga. Kala ko nga mauuna pa kame sa inyo eh! Nakakatakot magdrive si Anya. Na-trauma nga ata si Treviño eh Boss." Natatawa na naman niyang kwento. Kaya pala galit na galit si Andrei nung sabihin ni Anya yung tungkol sa sasakyan ni Treviño.
"Tsk! At kinatuwa mo pa!" Poker face na sagot ko sa kanya. Pero as expected tumawa lang din siya ulit.
"Anyway, salamat din pala sa inyo." Sinserong wika ko.
"Wala yun Boss." Napapakamot pa sa ulo na wika nito. Tinapik ko na lamang siya sa balikat at tuluyan nang pumasok sa kwarto ko. I will really make that Luna pay.
-----
Kinabukasan ay maaga akong nagising at agad na nagpaluto ng agahan kay Manang para kay Anya. Hindi rin ako papasok ngayon dahil kakausapin ko ang lawyer ko sa gagawin namin kay Luna."Ayan hijo, luto na. Ke-aga aga ng gising eh baka nga tulog pa yung dadalhan mo ng agahan eh!" Natatawang sambit ni Manang sabay iwan na sa akin. Eh di hintayin ko na lang siya magising kung sakaling tulog pa. At least ako na naman ang makikita niya sa pagmulat ng mata niya, di ba?
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto ng kwarto niya. Pagpasok ko ay tila kagigising lang niya. At mukhang nagising lang sa katok ko.
"Morning!" Masiglang bati ko sa kanya habang bitbit ko ang tray ng pagkain niya.
"Oh my gosh Quino! Why so early?!" Panic mode na sabi niya. Natawa na lang tuloy ako na nilapitan siya matapos ilapag sa lamesita ang dala kong pagkain.
"Ni hindi pa nga ko nakakapaghilamos saka nakakapagtoothbrush eh!" Reklamo pa nito habang pinipilit bumangon. Mabilis ko naman siyang tinulungan dahil bakas sa mukha niya na kumikirot ang braso niya.
"Is it painful?" Tanong ko rito at naupo sa gilid ng kama.
"Yeah, a bit." Amin naman niya. "But wait!" Sigaw bigla nito at sobrang bilis na nakababa ng kama sabay diretso sa banyo. Ni hindi ko na nagawang makapagreact sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
The Bodyguard (COMPLETED)
RomanceAnya Sadie Dominguez - a woman who only wanted to be loved by her parents but ended up arranging her to marry someone she hasn't met before. And because she decline the offer, she was thrown-out from her palace. Joaquin "Quino" Ezekiel Reed - a woma...