Chapter 15: Heart Beat

1.9K 90 4
                                    

ANYA'S POV

"So kamusta naman na and'yan stepmom ni Quino?" Antheia asked. Andito kame sa lilim ng puno habang nag-aantay ng next class namin.

"Ayos lang naman. I envy Quino, actually. Kahit wala ang mommy niya, may bagong mommy naman siya na sobrang bait at sobrang cool."

"Meron ka namang Auntie Mel, right? Para mo na rin siyang mommy." Well may tama rin naman si Antheia, kaso iba lang talaga si Tita Camilla. Si Auntie Mel kasi may pagka-strict eh!

"Maiba ako Bru. Kamusta naman na kayo ni Quino?"

"What do you mean kamusta?" I asked her while frowning. Sa pagkakaalam ko wala namang naiba samin ni Quino.

"Duh! Wag ako Bru!" Nag-iinarteng sabi nito.

"I don't get it Bru. Wala namang nabago ah! I mean, ganon pa rin naman. Though napapansin ko na parang bumabait na siya sa'kin, hindi na ganon ka-snob. Nakikipag-usap na rin pag nasa mood. Aside d'yan, wala na kong maisip." Mahabang paliwanag ko.

"Wala ka bang napapansing kakaiba sa kanya?" She asked again.

"Kakaiba? Hmm..it just made me wonder kung bakit cold siya kay Margaux. I mean, pinayagan niyang tumira don, it only means he wants her around. But I don't know why I see the opposite of it." Napapaisip na turan ko.

"Baka naman kasi ayaw na ni Quino sa kanya."

"I don't know."

"Eh ikaw naman, kamusta yang puso mo?"

"Lumalala, I guess." Amin ko sa kanya. Lumalala to the point na ayoko nang dumating ang katapusan ng sem na 'to.

"Tsk tsk! Mahirap yan Bru." Nag-aalalang tingin nito sa 'kin.

"I know." Mahinang usal ko at napatingin na lng sa langit.

"What do you think of Seb, then?" She asked again.

"Huh?" Tanong ko rito. Pano napasok sa usapan si Seb?

"Don't you like him?" She asked again. Reporter na ba tong si Antheia? Bakit ang dami niyang tanong.

"Nope." Diretsong sagot ko. "I like him as a friend, no more no less."

"Aw! Kawawang Seb."

"Bakit naman?" Curious na tanong ko.

"Tsk! Manhid ka talaga Anya. Don't you know that Sebastian likes you?"

"Hindi! At kanino mo naman nalaman yan?" I said while eyeing her.

Pero nagkibit-balikat lamang siya at di man ako sinagot. Hindi ko na siya kinulit kasi hindi rin naman ako interesado. Kung sasabihin pa niyang si Quino ang may gusto sa 'kin ay baka di ko na siya tinigilan. Tsk! I'm getting hopeless, I know!

"Bru." Tawag na naman nito kaya napatingin ako sa kanya. "Any news from Uncle?" she asked. Umiling lang ako bilang tugon. Mula nang pinalayas niya ko, wala man akong narinig na kahit ano mula sa kanya. My birthday passed pero hindi man niya ko inalala. What should I expect di ba?

"Wala ka bang balak na makibalita?" She asked again. Tsk! Nakakarindi ka na rin Antheia.

"Wala. Sabi nila hindi matitiis ng magulang ang anak, then I guess that phrase is totally wrong." May himig tampong turan ko. Tama naman di ba?

"I guess Quino's stepmom was right Bru. I guess uncle has really a good reason why he wanted you to marry someone he has chosen." Wika nito. Nakwento ko kasi sa kanya yung sinabi ni Tita Camilla.

The Bodyguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon