ANYA'S POV
Sunod-sunod na katok ang narinig ko sa kwartong tinutulugan ko.
Nagmamadali kong inayos muna ang buhok ko saka sinuot ang eyeglasses na bigay ni Andrei.
"Yes?" Tanong ko pagkabukas ko ng pinto. Tumambad naman sa 'kin si Eduard na kuntodo ang ngiti.
"Hi Anya. Sabi ni Boss, bihis ka raw, may pupuntahan tayo." Masayang wika nito. Nginitian ko lamang siya at tinanguan bago muling sinara ang pinto.
Saan na naman kaya kame pupunta ngayon? Lagi na lang silang gumagalang magkakaibigan at panay sa bar ang punta. Nakakaimbiyerna ang usok at amoy ng alak don.
Binuksan ko ang closet ko at naghanap nang masusuot. Lecheng Andrei wala man lang matinong damit ang pinadala sa 'kin. Tsk!
Sa huli isang longsleeves na puti ang kinuha ko at binagayan ng maluwang na pantalon. Badtrip ang ganitong outfit! Tsk!
Isang pares ng ankle boots with heels ang napili kong isuot. I know na hindi pa rin siya bagay sa outfit ko pero what can I do kung puro ganito ang damit ko. Kung sa ibang pagkakataon, siguradong fitted jeans and cropped top ang suot ko.
Hinarap ko naman ang salamin at inayos ang pagkakapusod ng buhok ko. Pati buhok ko na kawawa na sa lecheng Andrei na yun. Maghintay lang talaga ang gunggong na yun at babawian ko rin siya.
Naglagay lang ako ng baby powder sa mukha ko at lip balm matte para sa lips ko. I'm not into make up thing kaya ganito lang talaga lagi ang ayos ng face ko. Isinuot ko na ang pekeng eyeglasses ko at naglakad na ko palabas ng kwarto.
Nadatnan ko si Quino at Eduard na nasa sala na. Pareho naman silang napatingin sa 'kin sabay iling nila.
"Are you not tired of that bored outfit?" Sita nitong si Quino agad sa 'kin.
"Well pakiusapan niyo po si Andrei Sir. Dahil malapit ko nang hiramin ang baril ni Eduard para iambush siya!" Naiiritang sagot ko. Narinig ko namang natawa si Eduard habang si Quino ay tinalikuran ako at naglakad na palabas.
"Magaling ka rin sa shooting, Anya?" Tanong sa 'kin ni Eduard habang sinusundan namin palabas si Quino.
"Yup! And I miss doing it." Nakangusong saad ko. Hinimas naman nito ang ulo ko kaya sinamaan ko siya nang tingin. Ano ako aso?!
Natatawa naman siyang inalis iyon at mabilis na naglakad palapit kay Quino.
--------
Hindi nga ako nagkamali kung san kame pupunta. Isang sikat na bar sa lungsod, the Heimdallr. Halos lahat ng anak ng mayayaman ay makikita sa lugar na eto. This place is more decent compare to those bars we've been."Loving the place?" Sigaw na tanong sa 'kin ni Andrei. Dahil sa lakas ng tugtog kaya kailangan sumigaw.
Instead of answering him, I gave him a death stare. I'm frustrated now because of what I am wearing idagdag pa na bawat mapatingin sa 'kin ay pinagtatawanan ako. Akala nila may naligaw na Ms. Minchin! Kainis talaga!
"What's with the stare?" Maang na tanong sa 'kin ni Andrei. I looked at him intently giving him the warning sign that I might kill him right here pag hindi siya tumigil sa pagtatanong.
Mukhang nakuha naman niya ang gusto ko kaya napapailing siyang nagtaas ng kamay. Inirapan ko lang siya at tumingin sa ibang direksyon.
Silang apat ay nakaupo sa isang half circle na sofa habang ako ay nakatayo malapit sa kanila. Pilit nila kong pinapaupo at pinapainom pero tinatanggihan ko lang. Kahit noon naman hindi ko hilig ang magpunta sa mga ganitong lugar, lalo na ang uminom at manigarilyo.
BINABASA MO ANG
The Bodyguard (COMPLETED)
RomanceAnya Sadie Dominguez - a woman who only wanted to be loved by her parents but ended up arranging her to marry someone she hasn't met before. And because she decline the offer, she was thrown-out from her palace. Joaquin "Quino" Ezekiel Reed - a woma...