ANYA'S POV
Dali-dali akong napatayo sa kinauupuan ko nang makarinig ako nang pagtigil nang sasakyan sa harap ng mansion. Sure akong si Quino na 'to.
"Hi Babe." Bati nito sa 'kin habang pababa ako ng hagdan pero simangot lang ang sinagot ko sa kanya.
"What took you so long?" Parang batang sumbat ko rito.
Natatawa naman siyang hinalikan agad ako sa noo habang masuyong inakbayan.
"Sorry na. Traffic kasi papunta dito." Hinging-paumanhin naman niya. Pero naiinis pa rin ako.
"Amuin mo yan Quino. Hindi pwedeng ganyan ang itsura niyan mamaya pag-akyat niya sa stage." Dinig kong wika ni Dad. I thought may business trip si Dad sa US ngayon, bakit andito siya?
"Yes Dad. Matampuhin lang talaga tong Babe ko." Natatawang sagot naman sa kanya ni Quino na lalo kong inismiran.
"I told you right? Na magkita na lang tayo sa school but you insisted to pick me up." Angil ko pa rin dito.
"Babe, we have talked about this already. Saka wag ka nang magalit. Sorry na. Hindi pa naman tayo late eh!"
"You know I hate chasing time." Sikmat ko sa kanya. Ewan ko ba, kapag nagkakatampuhan kame ni Quino at siya ang may kasalanan para akong tigre na hindi malapitan.
"I know. I know. I'm sorry." Wika na naman nito at masuyo akong niyakap. "Can we go now, para di tayo malate, hmmm?" Paglalambing pa nito. At kapag ganito na ang mga banat niya ay agad nang nawawala ang tampo ko. Kainis!
Isang buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago ako tumango sa kanya.
"Kayong dalawa d'yan, ano pang ginagawa niyo? Tara na at baka mahuli pa tayo." Wika ni Dad na kinagulat ko.
"You're coming, Dad?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya saka ako tinanguan. "But I thought you have your business trip today?"
"To hell to that business trip. It's my only daughter's graduation day today. I wouldn't miss this to the world." Natatawang wika nito. At dahil don ay napatakbo tuloy ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap.
"Thanks Dad." Masayang turan ko. Natatawa naman 'tong tinapik-tapik ang balikat ko.
It's been almost 2 years mula nang mai-announced ang engagement namin ni Quino. And I must say it has been the wonderful days of my life.
Nagkakatampuhan kame ni Quino, oo. Pero agad din naman etong naaayos. We both knew when to stop the argument para hindi na lumala. Ang lagi lang namin pinag-aawayan ni Quino ay ang pagiging seloso niya. Kulang na lang gawin na niya kong keychain para lang di mawala sa tabi niya. Kaloka siya! Sa gwapo niyang iyon, ang taas ng insecurity niya sa katawan.
As for Dad, successful ang operation niya a year ago kaya wala na kong mahihiling pa. Siya pa rin ang nagpapatakbo ng negosyo namin pero unti-unti na niyang pinapasa sa 'kin ang lahat.
Ganon din naman kay Quino, unti-unti na rin niyang pinag-aaralan ang negosyo nila. Chain of hotels ang negosyo nila. It's a big responsibility for him, pero alam kong kayang-kaya niyang i handle ang mga eto.
----
"Bru!" Takbo sa 'kin ni Antheia nang matapos na ang graduation ceremony saka ako mahigpit na niyakap. Mahigpit ko rin siyang niyakap at kinongratulate. Antheia is our summa cum laude."Congrats din Bru." Balik na bati naman nito. "Mamimiss kita." Wika nito pagkatapos. Alam kasi namin na after school, ay kanya-kanyang negosyo na ang haharapin namin. Antheia's family is into shipping business. Bagay na bagay sila ni Andrei. May common denominator sila.
BINABASA MO ANG
The Bodyguard (COMPLETED)
RomanceAnya Sadie Dominguez - a woman who only wanted to be loved by her parents but ended up arranging her to marry someone she hasn't met before. And because she decline the offer, she was thrown-out from her palace. Joaquin "Quino" Ezekiel Reed - a woma...