Chapter 9: Joaquin Ezekiel Reed

2K 134 16
                                    

JOAQUIN'S POV

"Mom, please don't leave me." Iyak ng batang lalakeng halos maglambitin sa umaalis na ina.

"Quino baby, you listen to Mommy, okay?" Kahit umiiyak ay tumango eto at nakinig sa ina.

"I need to go baby. Babalikan naman kita at kukunin sa Daddy mo. But for now I need you to stay here." Paliwanag ng ina nito sa kanya.

"No. I'm coming with you Mom. Ayokong maiwan kay Dad." Iyak pa rin ng batang Quino habang pilit na lumalambitin sa ina.

"No baby, you can't. Babalikan kita promise. Kaya behave ka while I'm away okay?"

Pero tanging iling at iyak lamang ang ginawa ng bata at pilit pa rin sumasama sa ina.

Hanggang sa bitawan na siya nang tuluyan ng ina at naglakad eto palabas ng mansion na hindi na nalingon ang anak.

"Mommy!" Sigaw nang humahabol na bata hanggang sa madapa at tuluyan nang mawala sa paningin niya ang kanyang ina.

Napabalikwas ako nang bangon nang magising ako mula sa panaginip ko. I considered it nightmare actually. Sa nakaraang labing-tatlong taon, lagi kong napapanaginipan ang tagpong iyon.

Noong una ay iniiyakan ko pa eto hanggang sa masanay na at iniinuman na lang ng tubig ang panaginip kong iyon.

I was four years old when my Mom left me. Nangakong babalik pero hindi na natupad hanggang sa mabalitaan kong may pamilya na siyang iba sa New Zealand. I was 10 years old back then.

Galit na galit ako at masamang-masama ang loob noon na nagawa niyang magkapamilya sa iba samantalang iniwan niya ko. Hanggang sa mamanhid na lang din ako sa sakit at tila nawalan na nang pakialam.

My dad is living with my step-mom sa UK. Don niya pinapatakbo ang negosyo namin. Tulad ni Mama, iniwan lang din ako nito sa mayordoma namin. Mula kasi nang umalis si Mom, madalang na lang din umuwi si Dad hanggang sa one day hindi na.

Lumaki akong walang matatawag na magulang. Lumaking kasama ang mga bodygurds at maids sa bahay. At tanging si Manang Minda at ang asawa nitong si butler Tonyo ang tumayong magulang ko. Ngunit sa kasamaang palad namatay si butler Tonyo  dahil inatake sa puso. Siguro that was three years ago. Pakiramdam ko nawalan din ako ng ama ng mga panahong yon. Ang tanging amang nagmahal sa 'kin ay iniwan din ako.

Bago tumayo mula sa kama ay sinipat ko muna ang alarm na nasa bedside table ko and it says 2am. Sobrang aga pa pala. I wonder kung makakatulog pa ko nito.

I headed to the verandah at tumanaw sa kawalan. Napalingon ako sa katabing verandah ng akin at nakita kong bukas pa ang ilaw. Gising pa kaya si Anya o nakatulugan na naman niyang bukas ang ilaw niya?

The thought of her came rushing to my head at halos maipilig ko yun ng ilang ulit. Paano ang tagpo kanina ang pilit na pabalik-balik sa utak ko.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa 'kin kanina at pinuntahan ko si Anya para mag-apologize. I don't normally do that kaya malamang espiritu ng alak ang  nagtulak sa 'kin na gawin iyon.

Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit nang buksan nito ang pinto ay ibang Anya ang nakita ko. Napakaganda niya sa paningin ko. Tila kahawig niya ang babaeng madalas kong abangan kapag may laro kame ng soccer. Kaya di ko tuloy maiwasan na hindi siya titigan.

At ang muntik nang magpawala sa wisyo ko ay nang muntik ko na siyang halikan. Her face was just inches away from mine. Langhap na langhap ko ang pabangong gamit niya at lalong dumadagdag yun sa kagustuhan kong mahagkan siya. Kung hindi dahil sa nagvibrate ko na phone, baka pinagsisihan ko na ang ginawa ko. At hindi lang yon, baka pilay na rin ako at nakahiga sa hospital bed ngayon.

The Bodyguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon