Chapter 21: Isang Araw

1.5K 59 1
                                    

ANYA's POV

Memories of that night in the bar is flooding my mind. Pakiramdam ko ay totoong si Quino ang nakita at nakausap ko non. But when I asked Andrei about it, he denied it. I can't ask Seb kahit gustong-gusto kong gawin dahil ayokong isipin niya na si Quino ang iniisip ko while I was with him. Well that was true, I just can't be that brutal to him.

"Lady Sadie, breakfast is ready." I heard Lyka's voice. I just nodded while still sipping my cup of coffee in my verandah.

It's already 8 in the morning but you can't clearly see the view outside due to not so thick but not so thin fog. But I can clearly feel the coldness of the wind. At sa ganitong feel good na panahon, a jog in the morning will perhaps help me in my gloomy state.

Dumulog na ko sa hapag at sinabihan si Lyka na mag-iikot ako sa village. For the past five days, sobrang dalang ang mga taong nakakasalubong ko sa daan. I don't know if it's because maaga pa at masarap pa ang tulog nila o wala lang talaga gaanong tao sa village na to. Well, it's an advantage for me, ayokong makakita ng mga tao sa totoo lang.

Tomorrow is my last day of vacation here. Nasa tagaytay ako. At first ayoko, kasi ayokong iwan si Dad pero mapilit silang lahat kaya napa-oo na lang ako. And I'm glad I did, dahil dito nabigyan ako ng pagkakataon na asikasuhin ang nararamdaman ko. It's still painful at hindi ko alam kung hanggang kailan ko mararamdaman eto. For eternity perhaps?

Ipinilig ko na lang ang ulo ko nang maalala ko na naman si Quino at pinagtuunan ko na lang nang atensyon ang pagtakbo ko. The air smells great. Walang pollution. Everthing in this place makes me want to live here for life. Siguro after engagement at surgery ni Dad, magrerequest ako na dito na lang tumira at mag-aral. Walang nakakakilala sa 'kin so I can start a new life. Not really new though.

I was running on a slope down when I bumped into someone. Damn! Ang sakit non ah! Bakit kasi bigla-biglang may nasulpot dito sa kanto na 'to!

"Are you okay?" I freeze when I heard that voice. That voice! Hindi ako maaaring magkamali. Mabilis akong napatingala and my heart almost jumped out from my chest. It was Quino. He also looks surprise seeing me.

"Anya?" Gulat pa na wika nito. Dahan-dahan na lang akong tumayo kahit pakiramdam ko ay biglang nanginig ang tuhod ko. "Let me help you." Wika nito. I didn't answer but I just let him help me up.

"What are you doing here?" Tanong niya habang pinapagpagan ko ang sarili ko.

"Ikaw, anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ko?!" Pagtataray ko sa kanya. My only self-defense way para pigilan ang sarili kong yakapin siya.

Nangiti naman etong bigla sa sinabi ko. And I swear muntik ko na siyang yakapin dahil namiss ko ang ngiting iyon.

"Talagang naisip mo yun ah!" He said while smirking at me. Inirapan ko lamang siya saka na tinuloy ang pagtakbo ko. Bwisit na yun! Bakit kasi ganon pa ang nasabi ko eh!

"Hey! Hintay!" Dinig kong sigaw nito pero hindi ko siya pinansin at tinuloy ang pagtakbo. Maya-maya pa ay nasa tabi ko na eto at sumasabay na sa 'king tumakbo.

"What are you doing?!" Pagtataray ko pa rin sa kanya.

"Tumatakbo, hindi ba obvious?" Ngisi pa nito pero inirapan ko lamang siya ulit and made a sudden turned sa kantong nakita ko. Pero ang mokong ay nakasunod pa rin.

"So pwede ko na sigurong sabihin na sinusundan mo ko, right?!" He just chuckles.

"I guess you can say that." Wika nito habang natatawa.

Hindi ko na lamang siya ulit pinansin at tinuloy na lang ang pagtakbo. Hindi ko na lang din pinansin ang sarili ko lalong-lalo na ang puso ko na sobrang lakas ng kabog.

The Bodyguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon