Chapter 13: Pag-ibig na Kaya

1.7K 103 3
                                    

JOAQUIN'S POV

"Anong tinitingnan mo d'yan?" Dinig kong tanong ni Andrei pero hindi ko siya nilingon. Patuloy pa rin akong nakatanaw sa masayang nag-uusap na si Anya at Treviño. Tsk!

"Oh! Si Treviño yun ah! At kausap pala si Anya. History repeats itself?" Wika nito. Nilingon ko tuloy siya at sinamaan nang tingin pero ngumisi lang ang gago.

"Alam mo bang kabilang sa limang pinakamayaman na angkan si Treviño?" Bigla ay sabi nito. Pake ko naman.

"Kaya bagay sila ni Anya."

"At anong ibig mong sabihin?" May iritasyong tanong ko.

"What I'm saying is, hindi ako tututol kung ligawan ni Treviño si Anya. Besides, bagay naman sila." I looked at him at seryoso ang mukha nitong nakatingin din sa dalawa.

"Kaya if I were you, bilis bilisan mong mag-isip d'yan. Baka magising ka na lang one day, pareho na pala silang wala. The clock is ticking Quino, tik-tak-tik-tak." Hindi ko alam kung nang-aasar siya or what pero sa totoo lang ang sarap niyang sapakin habang sinasabi niya ang mga iyon.

Tiningnan ko na lang ulit ang dalawa. Nakaupo si Anya sa isang bench while Treviño is standing infront of her. Even if it's fucking irritating me, mukhang may tama si Andrei, they look good together. Damn!

"What are you looking out there, Dude?" I heard Gavin asked. Like Andrei, I did not answer him back.

"So totoo pala ang balita na may gusto si Treviño kay Anya." Agad akong napatingin kay Gavin sa sinabi niyang iyon at mukha siyang hindi nagbibiro.

"Why? Hindi ka naniniwala? Kanina mo pa sila pinagmamasdan pero hindi mo ba nakikita ang kaibahan? Treviño is just like you Dude. Suplado at walang pakialam sa mga babae. But look at him now, kung makangiti parang wala ng bukas. Well I can't blame him, maliban sa napakaganda ni Anya, kabilang din siya sa limang pinakamayamang angkan sa bansa. And I can't blame Anya either kung magkagusto siya kay Treviño, I mean what is not there to like about Treviño, right?" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay iniwan ako na tila ba nang-asar lang.

Wala akong pakialam kung may gusto si Treviño kay Anya o kahit ilang libong lalake pa ang magkagusto sa kanya. But fuck, the idea of Anya liking Treviño, ibang usapan na.

"Mr. Reed. You may want to take your seat." Wika ng prof ko. Tsk! Nakapasok na pala. Wala tuloy akong choice kundi maupo na lang. Kaasar! I can't see them mula dito sa kinauupuan ko. First time atang nainis ako sa lugar ko.

-----
ANYA'S POV

"So don't forget later, may practice tayo." Paalala na naman sakin ni Seb bago ako tuluyang iwanan dito sa kinauupuan ko. Nginitian ko na lamang siya at tinanguan. Ang kulit din niya sa totoo lang.

Hay! Nakakatamad mag-aral pag ganito kaganda ang sikat ng araw. Masarap mamasyal sa may beach at magtampisaw. Kung may sarili lang akong sasakyan baka nakatakas na ko pa-Batangas. Naisipan kong pumikit na lang tutal wala naman masyadong dumadaan dahil oras ng klase.

"Well well well!" Hindi ko na kailangang magmulat ng mata para malaman kung sino ang nagsalita.

Bored na nagmulat ako at tumingin sa nakatayong si Luna kasama ang mga lunatics niya.

Bored na tiningnan ko sila isa-isa. At halos mapahagalpak ako sa tawa nang isa-isa din nilang iwan si Luna.

"Bitches!" Sigaw niya sa mga kasama niya nang mapagtanto niyang mag-isa na lang siya ngayon.

"Now what?" Ngisi ko sa kanya. Sarap nitong asarin minsan eh!

"I'll get back at you. At sisiguraduhin kong you'll be dead by then." Ngising-aso nito. Tinaasan ko lamang siya ng kilay.

The Bodyguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon