Chapter 7: Tomato Sauce

1.8K 135 21
                                    

ANYA'S POV

Mabilis na kumalat sa school ang pagiging bodyguard ko ni Quino. Kung may video lang nang pagkakasabi ko non, baka umabot na yun ng thousand views by now.

Kinabukasan after kong ipaalam kung ano ako ni Quino, saka pa lang parang nag-start talaga ang nature ng work ko. Pano ba naman, papasok pa lang ang mga sasakyan ng apat na 'to ay may nakaabang na agad sa kanila sa main building. Tipong may concert ang datingan.

At hindi ka man pwedeng mag-iba ng route, dahil ang main building ang lagusan papasok ng main campus. Eto ang admin building nila. Para etong sinadyang gawin para mamonitor ang lahat ng estudyanteng pumapasok at lumalabas ng school.

At sa tuwing maglalakad na si Quino papasok ng building, nagsisimula na rin akong magtrabaho. Nauuna ako sa kanya at ako ang humahawi sa mga babaeng gustong makalapit sa kanya. Nakakairita actually lalo na ang tilian nila. Kaso hindi don natatapos yun, ang iba ay sadyang itinutulak pa ko para masaktan malamang. And they even say nasty words towards me. No choice naman ako dahil eto ang trabaho ko.

Nakakahinga lang ako nang maluwag pag nakakarating na si Quino sa school building nila. Business Administration building ang kanila at halos malapit lang sa main building. Sabi sa 'kin hindi na kailangan pang i-protect si Quino don dahil sanay naman na raw ang mga babae ron na makita sila. Actually Quino can protects himself, ayaw lang daw niyang makapanakit ng babae kapag hinahawakan siya.

And for a week, I always ran para lang di malate sa first subject ko. Medyo malayo kasi ang art building sa building nila Quino. Sabi nga ni Antheia, I'm a buzzer beater.

"So how was it?" Tanong sa 'kin ni Antheia habang hinihintay namin ang next subject namin before lunchtime. Napakunot-noo tuloy ako na napatingin sa kanya.

"The bodyguard thingy." Maiksing sagot niya.

"Tiring, I guess. Nagkakapasa na rin ako sa tuwing itutulak at hihilahin ako." Dismayadong sagot ko.

"Tsk tsk! You've asked for it." May pagkamalditang sagot niya kaya napangalumbaba na lang tuloy ako.

"Buti nga at wala pang naghahamon nang away sayo ulit at wala pang masyadong nambubully." Sarcastic na pagkakasabi nito.

"I got it, Bru. No need to be sarcastic." Buntong-hiningang wika ko rito.

"Sorry, just can't help it." Hinging-paumanhin naman nito. I just smiled at her dahil alam kong nag-aalala lamang siya.

"Okay class. The 1 week deadline is almost over. Yung mga binigyan ko ng chance na makasali sa mga clubs, may update na ba?" That's Ms. Amanda Bailen, ang adviser prof ng section namin. Napaupo kame nang maayos ni Antheia pagkarinig namin sa boses niya.

Shoot! Wala pa pala kong nasalihan. Pano sa mga club na pinuntahan ko especially ang archery club, ay puro pampupula lamang ang inabot ko. It was so degrading sa totoo lang na physical appearance ang unang tinitingnan kesa sa ability ng applicant.

"Ms. Dominguez, any update?" Tawag nito sa 'kin.

"None, Miss." Maiksing sagot ko rito. Naningkit naman ang mga mata niyang tiningnan ako.

"Okay, I am giving you until tomorrow, kapag wala pa rin, alam mo na, ako ang pipili sa club na sasalihan mo." May pagkamataray na wika nito.

"Understand, Miss." Agaran na sagot ko at nanghihinang naupo ulit.

"Pano na yan Bru?" Bulong sa 'kin ni Antheia pero iling lang ang sinagot ko. Pano na nga ba? Ayokong masali sa bookworm club, hindi ako palabasa eh.

The Bodyguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon