ANYA'S POV
"Where are you going?" Dinig kong tinig na dahilan para kabahan ako. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko nang di inaasahan sabay napahinto sa pagbaba at nilingon ko eto na kinukubli ang kaba.
"It's Saturday. So it's my off if I'm not mistaken." Sagot ko rito at mataman din siyang tiningnan.
"With that outfit?" Napakunot-noo tuloy ako. Para kasing siya si Andrei sa way nang pagtatanong niya.
"What's wrong with my outfit Sir?" Tanong ko pabalik rito at tiningnan ko pa ang sarili ko. Nakasuot ako ng tattered fitted jeans and a white sleeveless hanging blouse.
"Masyadong malaswa." Diretso nitong sabi.
"Wow! At pano naging malaswa ang suot ko?" Hindi ko mapigilang di itanong sa kanya na may halong pagkainis. Never in my life na may nagsabing malaswa akong magdamit!
Pero hindi man eto sumagot at nakahalukipkip lang na nakaharap sa 'kin.
"Whatever!" Naiinis na sabi ko at pinagpatuloy ang pagbaba ng hagdan. Letse siya! Kung makapanlait wala na kong ginawang tama.
Mula nang mabunyag ang tunay kong anyo, araw-araw na lang pinupuna niya ang suot ko. Kesyo bakit daw ang iksi, bakit daw hapit sa katawan, andami niyang bakit. Pero potek! Saktong haba lang ang skirt ko, above the knee at sobrang lapit pa. Tapos hapit? Eh sakto lang din naman.
Pati buhok ko pinapakialaman, bakit hindi ko na lang daw itali o kaya ipusod ulit kesa hinahayaang nakalugay. Minsan parang gusto ko nang maniwalang may gusto siya sa akin eh. Pero wag na lang, mahirap umasa sa katulad niya.
Tas ngayon, pupulaan na naman niya ang suot ko? Jusme! Dinaig pa niya si Daddy!
"Anya, wait!" Dinig kong sigaw nito. Hindi ko na siya nilingon dahil ayokong marinig ang sasabihin pa niya.
"Anya! I need to go somewhere and I need you to come!" Sigaw nito. Napahinto ako sa huling tinuran niya. San naman eto pupunta at kailangan niya pa ako?
Humarap ako rito nang nakataas ang isang kilay. Di ko mapigilan eh at naghihintay nang paliwanag niya.
"I need to go in an Art Exhibit."
"Okay, then?" Still waiting for his further explanation.
"I need a date." Wika nito na titig na titig sa 'kin.
"I did not know that an Art Gallery is already a dating place." May pagka sarcastic na sagot ko sa kanya. Matapos niya kong lait-laitin tas magpapasama lang pala siya.
"Don't misinterpret what I have said Ms. Dominguez, nakalagay sa invitation ang Mr. Reed with partner, it's supposedly for my dad. At ayokong dumalo ron na mag-isa." Paliwanag naman nito.
Sinong nagsabing may malisya ang sinabi niya? Tsk! Explain pa more.
"I am sorry Sir but I can't. May usapan kame ni Andrei today." Sagot ko rito. Una ayoko talagang sumama, pangalawa totoong may lakad kame ni Andrei.
"Oh that! I already informed Andrei and he was willing to cancel your appointment with him." Confident na sagot nito sa 'kin.
-------
JOAQUIN'S POVSinusupil ko ang tawang gustong kumawala sa 'kin sa itsura ngayon ni Anya after kong sabihin na kinancel na ni Andrei ang lakad nila.
I crossed my arms and look at her while she's impatiently waiting for Andrei to answer the call. Hindi ko mapigilang mapahanga kung pano siya magdala ng damit. Actually hindi naman talaga malaswa, yun lang ang unang pumasok sa isip ko kanina. And I don't want her to know na affected ako sa lakas ng dating niya.
BINABASA MO ANG
The Bodyguard (COMPLETED)
RomanceAnya Sadie Dominguez - a woman who only wanted to be loved by her parents but ended up arranging her to marry someone she hasn't met before. And because she decline the offer, she was thrown-out from her palace. Joaquin "Quino" Ezekiel Reed - a woma...