Epilogue

1.6K 57 0
                                    

ANYA's POV

"You look gorgeous!" Biglang bulalas ni Antheia pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto kung saan ako inaayusan.

I automatically smiled at her. "Thanks Bru. You look stunning as well." Puri ko din pabalik sa kanya. Bumagay sa kanya ang suot niyang tube gown na royal blue. Na lalong nagpatingkad sa kulay gatas niyang kutis. Idagdag pa ang tila nakapusod niyang buhok na lalong nagpalabas sa angkin niyang ganda.

"Nah! You look more beautiful! Look at you." Pagpupumilit naman nito. Natawa tuloy ako na pinagmasdan ang sarili ko sa salamin.

My hair is in an updo that is slightly undone giving an impression of a more relax look. I like how they made it kinda messy as I don't like to look so uptight. I also love these small white blooms that were spreading neatly on my hair. They added a touch of romance, I must say. And they were really cute. Bumagay sila sa suot ko.

My make up was done in the most natural look as possible. But I told my stylist to add more a bit of a blush since I don't want to look pale when excitement and nervousness consume me. Baka pagkamalan pa nila kong may sakit at napilitan lamang.

"Ganda natin couz ah!" Dinig kong wika ni Andrei. Napatingin tuloy ako sa kanya at kitang-kita ko ang lapad nang pagkakangiti niya.

"Gwapo natin couz ah!" Pabalik na biro ko naman dito na nakapagpatawa sa aming tatlo.

"Syempre!" Sagot pa muna nito bago nilingkisan ang bewang ni Antheia. Masaya akong tiningnan sila mula sa salamin dahil kitang-kita kung gaano sila kabagay sa isa't isa. At totoo nga na magmula nang maging gilfriend ni Andrei si Antheia, ay tumino na eto at itinigil ang pagiging playboy. Kaya nasisiguro kong mahal na mahal ni Andrei si Antheia. Ganon din naman ang bestfriend ko sa kanya.

"Ready ka na ba, couz?" Nakangiting wika nito. Pero bigla akong nakaramdaman nang kakaibang kaba sa tanong niyang iyon. Napahawak tuloy ako sa may bandang dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog nito sabay tingin sa kanila mula sa salamin.

Kababakasan ang mukha ko nang di maipaliwanag na kaba at tuluyan nang nawala ang mga ngiti sa labi ko. Gumuhit naman ang pag-aalala sa mga mukha nila.

Sa ganoong ayos naman ako nadatnan ng aking ama. Kumunot tuloy ang noo nito habang palapit sa akin.

"What's wrong hija?" Nag-aalalang wika nito.

Marahan naman akong umiling habang nakatingin sa kanya "I don't know Dad. I can't explain." Yung kabang hindi mo alam kung may masama bang mangyayari o ano.

"Relax hija. Baka masyado ka lang excited." Natatawang wika naman ni Dad. Pero hindi ko magawang mangiti sa tinuran nito. Sana nga Dad, impit na usal ko.

"Sisiputin naman siguro ako ni Quino, right Dad?" Tila pagkukumbinsi ko sa kanila. At lalo lang akong kinabahan sa naisip ko.

"Of course hija! Gusto ba niyang maambush nang tuluyan?" Pagbibirong sagot naman ni Dad. Nangiti na lang tuloy ako at pilit na pinapalis sa isip ko ang tungkol doon.

"Everything will going to be alright, hija." Saka ako marahang dinampian nang halik sa ulo. "Look how beautiful you are. You shouldn't waste that in worrying for nothing. Smile Sadie." Malumanay na wika nito. I smiled at Dad and whisper thank you to him. He patted my shoulder and smile warmly at me.

"Baka yan na yung tinatawag nilang cold feet, couz." Pabirong wika naman ni Andrei. "Ano tawagan ko na ba si Quino na aayaw ka na?" Hirit pa nito.

Nabato ko tuloy sa kanya ang nadampot kong suklay at sinabihan siyang sira. Tatawa-tawa naman etong umilag at nagpeace sign pa.

" I guess it's time?" Kapagkuwa'y wika ni Dad. I take a deep breath muna bago ako tumango at ngitian si Dad. Pagkatapos ay dahan dahan akong tumayo habang sila naman ay nakaalalay sa akin. Inayos ko pa muna ang damit ko bago tingnan ulit ang sarili ko sa salamin.

The Bodyguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon