Chapter 22: Without You

1.7K 66 2
                                    

ANYA'S POV

I was just sitting still infront of the mirror habang inaayusan ako ng mga stylists. I was looking lifeless if that's how you defined a face without emotion and dull eyes.

"Hey Bru! Ayusin mo naman itsura mo." Antheia said while looking at me.

"Ano bang masama sa itsura ko?" Tanong ko pabalik dito.

"Mukha ka kasing makikipaglamay sa itsura mong yan. Napakatamlay mo tas wala man lang kakinang-kinang yang mga mata mo." Sagot naman nito. Napatawa tuloy ako nang mapakla.

"What is there to be happy about, Faye?" Seryosong tanong ko rito. Calling her with her second name. At napakadalang ko lang gamitin iyon.

"I know Bru, I understand you. No need to call me that. Pero di ba pumayag ka naman sa kasunduang eto?"

"Yeah! But it doesn't mean I need to pretend as well. I can't Bru! It's killing me!" Naiiyak na naman na sabi ko. Nakita kong sinenyasan niya ang mga tao sa paligid na umalis at segundo nga lang ay kame na lang dalawa ang nasa loob ng kwarto ko.

"Bru, wala na tayong magagawa. Andito na eh! Ngayon na ang araw. Maybe kapag naoperahan na si Uncle baka pwede ka nang tumanggi sa kasal non."

"I don't think so. Gusto ni Dad maset ang kasal habang nasa US siya. Para pagbalik niya, maayos na ang lahat." At dahil don ay naramdaman ko na naman ang pagwawala ng puso ko.

"I'm sorry Bru. Kung may magagawa lang sana ako para sayo. But with this kind of situation, kahit madami pang pera, wala rin naman silbi."

"Yeah! I know." Saka ko na pinunasan ang mga luhang naglandas sa pisngi ko. "Tapusin na natin to, para matapos na." Saka ako ulit humarap sa salamin at hinintay ang pagpasok ng nag-aayos sa akin.

Ngayong araw na ia-anounce ang engagement namin ni Seb. Ngayong gabi to be exact. At eto ako, kahit anong pilit ko na tanggapin ang katotohanan ay hindi ko talaga magawa.

Sa isang buong linggong lumipas, lahat ay abala sa event na eto. Maliban lang ata sa 'kin na madalas nakaupo sa labas at nakatunganga. Madalas din naman akong dalawin ni Seb, halos araw-araw pa nga ata. Pero hindi siya ang gusto kong makita at makausap. Buti na lang at sobrang haba ng pasensiya niya at pilit akong kinakausap kahit madalas na sablay ang mga sagot ko.

Lagi rin naman akong dinadalaw ni Andrei at Antheia. Pero kahit sila ay walang magawa para mapagaan ang loob ko.

Lumipas din ang buong linggo na hindi man ako naalala ni Quino. No calls, no messages and I was dying to call him. Pero kapag isang pindot na lang ang kulang ay pinanghihinaan na ako ng loob para ituloy. Sa dahilang wala rin naman akong sasabihin kundi ang umiyak malamang.

"Couz." Dinig kong tawag sa 'kin. Paglingon ko ay nasa pintuan si Andrei at gwapong-gwapo eto sa suot na tuxedo.

"You look.." pagbibitin niya sa sinabi niya.

"Lifeless?" Walang emosyong sagot ko sa kanya. Marahang tango naman ang sinagot nito habang naglalakad palapit sa 'kin.

Napatingin tuloy ulit ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko. I am wearing a dark red off-shoulder long gown. Walang sequins walang design, I just wanted it simple. But it still made my skin glow against it. My hair was just pinned on one side, they said it's better this way since I have a gloomy face. They have also added some loosely curl on it.

As for my make-up, I have told them I just want a natural look so that's how they did it.

"Couz.." akbay sa 'kin ni Andrei. "Cheer up!" Ngiti nito pero buntong-hininga lang ang sinagot ko sa kanya. "Please look at the brighter side." Dagdag pa nito.

The Bodyguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon