Chapter 2: Cat Woman

2.5K 176 45
                                    

A/N: Quino - nickname for Joaquin. Pronounce as Kee•No

------------
ANYA'S POV

"Andrei.." seryosong tawag ko rito na naglalaro ng xbox sa sala.

"Yep?" Sagot naman nito na nakatingin pa rin sa nilalaro niya.

"I need a job." Ilang weeks na mula nang pinalayas ako ni Dad at nahihiya na ko kay Andrei at Auntie Mel sa suporta nila.

"What for?" Balik tanong nito na sa screen pa rin nakatutok ang mata.

"Dahil nakakahiya na." Yun naman kasi talaga ang nararamdaman ko ngayon.

"Don't be my dear couz!" Natatawang sagot naman sa 'kin ng loko. "Saka gusto namin ni Mama ang ginagawa namin. Para na kitang kapatid at para ka na ring anak ni Mama."

"Kahit na! Nakakahiya pa rin. Atsaka I need to prove to my Dad na kaya kong mabuhay sa sarili ko at 'di kailangan nang suporta ng iba." Frustrated na sagot ko.

Hininto naman ni Andrei ang ginagawa niya at nilapitan ako sa sofa.

"Ego?" Tanong nito na tinanguan ko lang. "Okay, so ano naman bang alam mong trabahuin?" Napapa-isip din ako kung ano bang kaya kong gawin.

"Anything, basta decent at magkakapera ako." Walang kakurap-kurap na sagot ko rito habang mataman din akong nakatingin sa kanya.

"Hmmm..how about modelling?" Suggestion nito. "Pwede ka ron." At sinipat-sipat pa ang katawan ko na tila iniimagine ba niya kung papasa ako. Binato ko nga ng throw pillow ang bwisit!

"Aray! Eto naman! Tinitingnan ko lang kung papasa ba yang statistics mo." Reklamong turan nito pero inirapan ko lamang siya.

"I hate those stuff, girly stuff!" I can't imagine myself posing and catwalking.

"Yun lang ang pinakamabilis na magkakapera ka, Anya!" May iritasyon na turan nito.

"But if I were you, pag-aaral na lang atupagin mo. Malapit na ang enrollment."

"Yun na nga, that's why I need a job. Dahil malapit na talaga ang enrollment at kailangan ko ng mag-enrol." Naiinis na naman ako.

"I've told you already, si Mama na nga ang bahala ron eh!" Naiinis na rin niyang sagot sa 'kin.

"You don't understand Andrei." Halukipkip ko sa kanya.

"Naiintindihan kita Sadie." Seryosong turan niya. When he calls me with my second name alam kong seryosong-seryoso na siya. "Gusto mong ipamukha kay Uncle na kaya mong mabuhay kahit wala ang luho na binibigay niya. Gusto mong ipakita na kaya mong tumayo sa mga sarili mong paa at suportahan ang sarili mo. Gusto mong ipakita na you don't need him para lang makapag-aral ka, makapagtapos ka, mamuhay nang maayos and so on and so forth. Pero couz, you're only 18. Sanay sa luho, sa marangyang buhay, ano bang kaya mong gawin para mabuhay ka? To tell you frankly, none! Because you are still young to even prove yourself to him. Kung gusto mo talagang ipamukha kay Uncle na kaya mo ng wala siya, then just accept our support. Yun lang. At pag nakapagtapos ka na, makakaya mo na kahit wala pa kame ni Mama. But please, for now, let Mama handles it, okay?" Mahabang litanya nito. Napakurap-kurap lang ako bilang sagot.

Tama si Andrei, ano nga bang magagawa ko sa ngayon kung pati pag-aaral di pa ko tapos?

"Okay, understand. Pero at least let me help kahit sa kumpanya niyo lang." Pagpupumilit ko na naman.

Napabuntong-hininga eto bago ako muling hinarap.

"Okay, I'll let Mama know about this para manahimik ka lang." Sukong wika nito kaya nayakap ko tuloy siya.

The Bodyguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon