Chapter 5: Asgard Gods Four

2.2K 142 19
                                    

A/N: Bru - sisterly endearment. Meaning bruha, bruhilda, brukashield, etc. Para hindi kayo ma-confuse at mabagabag 😂
--------------------

ANYA'S POV

Mula nang mapag-alaman kong hunyango ang gagong si Jake ay binlock ko na ang number niya sa contacts ko para di na niya ko matawagan. Bitter na kung bitter pero ayoko nang marinig ang boses non o kaya makita man siya.

Nasa unit ako ni Andrei ngayon, sabi ni Quino off ko raw ang Sunday. At pag may school na magiging weekend off na raw which I glady accepted. Aarte pa ba ako di ba?

"Hey couz! Lapit na school. Last week of vacation na 'to. Wala ka na bang magiging problema sa school niyan?" Tanong ni Andrei habang nanguya ng popcorn. We decided to do movie marathon. At underworld ang nakasalang ngayon.

"I guess everything is in order na." Buntong-hininga ko.

"What's with the sigh? Hindi ka ba masayang lilipat ka ng school?"

"Nope, I'm not. And aside from that, I'm gonna miss my bestfriend. Malapit na magpasukan pero hindi pa rin niya ko nirereplyan sa mga chats ko. I wonder kung nasaan na yun." Buntong-hininga ko na naman. Antheia is more than a bestfriend to me, I consider her as a sister from another mother.

"Don't worry couz, magiging masaya sa bago mong school. But I need to warn you, yung mga fangirls ni Quino mga lunatic yun kaya kailangan mong maghanda." Turan nito. Nagkibit-balikat lang ako. Basta ba di nila ko sasaktan physically, walang magiging problema. Kung parinig-parinig lang sila, that won't affect me.

"Just be careful, okay?" Sabi na naman nito.

"If you let me be myself, there wouldn't be a problem Andrei. But I don't understand why you won't let me!" Ayan naiinis na naman ako sa kanya.

"To protect you Anya." Wika nito na nagpakunot ng noo ko.

"Protecting from what? And protecting from who?" Sunud-sunod na tanong ko.

"I'm just protecting your heart, couz. Maiintindihan mo rin ako." Nakangiting wika niya pero inirapan ko lang. Kainis! Nagpapakamatalinghaga pa siya di naman bagay.

"Oh yeah by the way, I have your uniform with me." Wika nito habang papasok sa room niya. Paglabas niya ay may dala na siyang paperbag.

"Here!" Bigay nito. I felt the excitement nang sabihin niya yun. Agad-agad kong binuksan ang paper bag at kinuha ang laman nito.

Pero laking dismaya ko ng iangat ko to sa ere. Sobrang luwang!

"Andrei!" Sigaw ko agad sa kanya pero tumatawa lamang siya.

Maganda ang uniform nila. It's a two kind. The base uniform is a white longsleeve shirt and a dark navy pegged type skirt. Pwede siyang ternuhan ng bow tie and a vest. O kaya naman a necktie and a jacket. The color of the vest and necktie depend on your course. Mine is maroon because I'm a fine arts students.

Kaso pano ko ma-eenjoy suotin to kung mahaba ang skirt tas maluwang ang shirt. Badtrip talaga tong si Andrei. Sa ginagawa niya mabubully lang ako sa school na yun.

"It's as if you wanted me to be bullied, Andrei." Dismayadong saad ko.

Napatingin naman eto sa 'kin nang nalilito.

"Parang hindi mo naman alam ang takbo ng utak ng ibang rich kids. Kapag nakita nilang naiiba ka sa kanila they treat you as a trash. At hindi malabong gawin nila sa 'kin yun." Naiiling na lang ako na napapabuntong-hininga.

The Bodyguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon