JOAQUIN'S POV
"Eduard, to the nearest hospital I've said. Where are you going?!" Banas na banas na sigaw ko sa bodyguard ko na hindi ko alam kung naintindihan ba ko o ano.
"Boss, sabi po ni Anya aalamin natin yung dumukot sa inyo eh!" Sagot nito habang nakatingin sa daan dahil sa siya ang nagmamaneho.
"Damn you! Anya is bleeding tas yun pa talaga ang uunahin mo?!"
"Eh Boss, malayo naman po yan sa bituka." Sagot nito na hindi ko alam kung namimilosopo o ano.
"I don't fucking care! Turn the car!" Sigaw ko na naman. Dammit! Kulang na lang mahigh-blood na ko sa pagsigaw ko.
Huminto naman siya at akmang iikot na niya nang biglang nagsalita ang nasa tabi ko.
"Diretso tayo Eduard." Anya said habang hawak-hawak niya ang brasong nadaplisan ng bala.
"What?!" Sigaw ko rito at kita ko ang pagkaasar sa mukha niya dahil siguro sa lakas ng sigaw ko.
"Fuck Quino! Stop shouting!" She hissed at me. Ngunit napangiwi siya matapos niyang gawin iyon.
"Let me see!" Pagpipilit ko sa kanya. Saka dahan-dahang tiningnan ang kaliwang braso niya na nadaplisan. "Shit! See this?! It's fucking bleeding Anya. Bakit ba mas pinipilit mong unahin ang letseng nagpadukot na yan kesa sa sarili mo?!" Sobrang nawawalan na talaga ako nang pasensiya sa totoo lang.
"Pwede ba Quino, calm down. Dugo lang yan at malayo sa bituka." Sagot naman nito na tila ba hindi siya nasasaktan sa tinamo niyang sugat. "Sinong nagpadukot kay Quino?" Bigla ay tanong nito sa babaeng nakaupo sa front seat.
Oo babae. Yung nakalaban pala ni Eduard kanina ay babae at hindi lalake. Pareho silang babae.
Ngunit hindi eto kumibo at tila walang narinig. Nakita ko ang pagkaasar agad sa mukha ni Anya at mabilis na itinutok ang baril dito. San ba niya galing ang hawak niyang baril?
"Huwag mong hayaang mawalan ako ng pasensiya sa'yo dahil hindi ako mangingiming pasabugin ang utak mo, Yumi! And you know that I can do that!" May halong gigil na saad nito.
"Can you calm down?" Hila ko rito at isinandal siya sa upuan. "And put down that gun." Utos ko sa kanya. Masamang tingin muna ang pinukol nito sa 'kin bago siya sumunod.
"Malayo pa ba tayo Eduard?" Tanong nito kapagkuwan kay Eduard.
"I guess malapit na."
"At nasaan na ang ibang bodyguards at pulis?" Tanong na naman niya.
"Nasa location na at hinihintay na lang tayong makarating."
"Good then. I guess may ideya na ko kung sinong pupuntahan natin." Ngisi nitong si Anya. Nangunot-noo naman ako sa tinukoy niya.
"Anong ibig mong sabihin? Saka bakit pala kilala mo ang mga yan?" Di ko na mapigilang itanong. Nagtataka kasi ako kung bakit kilala niya ang mga 'to.
Kanina kasi matapos siyang mabaril, ay nilapitan niya yung bumaril sa kanya saka niya sinipa kaya ayun nakatulog. Tapos nilapitan pa niya yung hinampas ni Treviño at bakas sa mukha niya ang gulat nang makita ang mukha nito. Kahit ako ay nagulat dahil babae pala ang mga eto at yun nga, Yumi daw ang pangalan.
"They are Matthew's bodguard." Maiksing sagot niya. Matthew Matthew? San ko nga ba narinig ang pangalan na yun? Ah yeah! Sa art gallery.
"You mean yung gay?" Pagkokompirma ko na tinanguan niya. "Then bakit niya uutusan ang mga bodyguard niya na dukutin ako?" Nalilitong tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Bodyguard (COMPLETED)
RomanceAnya Sadie Dominguez - a woman who only wanted to be loved by her parents but ended up arranging her to marry someone she hasn't met before. And because she decline the offer, she was thrown-out from her palace. Joaquin "Quino" Ezekiel Reed - a woma...