Chapter 3: He's the Boss

2.3K 158 25
                                    

ANYA'S POV

"What?!" Sigaw ko sa tinuran ni Andrei. Ako? Bodyguard? Is he serious?!

"Akala ko ba naghahanap ka nang work?" Tanong nito sa 'kin habang busy sa pagbubuklat ng magazine.

"Oo nga, pero hindi naman bilang bodyguard!" Naiinis na sigaw ko. Ano bang akala nito sa 'kin?!

"Anya, makinig ka nga. It's the best job you can ever have." Wika nito pero inirapan ko lamang siya. "I'm serious here couz. Quino needs a female bodyguard."

"Who's Quino?" Kunot-noong tanong ko.

"One of the guys who came here yesterday." Pero lalo lamang nangunot ang noo koo. Parang wala naman akong maalalang may Quinong pangalan sa mga yun.

"Okay okay. Si Joaquin. Quino ang nickname niya. Pero mabalik tayo sa topic, ayun na nga, kailangan niya ng bodyguard."

"I don't understand, Andrei. Ang laki niyang tao, bakit kakailanganin niya ng babaeng bodyguard?" Naguguluhang tanong ko and it doesn't make sense.
Who would want a female bodyguard, right?

Bumuntong-hininga muna eto saka inihagis sa coffee table ang hawak na magazine. Maigi muna akong pinagmasdan nito bago nagsimulang magkwento tungkol don sa Quino na yon.

"So ano, payag ka na ba?" Tanong nito.

"Ganon kabaliw ang mga babaeng may gusto sa kanya?" Di makapaniwalang tanong ko. Sunud-sunod naman na tango ang sinagot nito.

Gosh! I can't believe na may ganong klase ng tao. This Jessica girl he mentioned, she even fake her own death para lang makipaglamay sa kanya si Joaquin tas bigla na lang daw tumayo sa kabaong nang makalapit eto rito. Creepy!

Then the other girl name Ashley, nag eskandalo sa school at sinasabing buntis daw siya at kailangan panagutan ni Joaquin. She even did a fake scandal para lang mapaniwala ang lahat at mapikot eto. How desperate!

"Ano naman mapapala ko pag pumayag ako?" Taas-kilay na tanong ko rito. Hindi kaya tsugihin ako ng mga obsessed fans niya?

"Well Quino said you can demand anything. Yun ang sabi. So I thought of you. Since magaling ka sa self defense, karate, taekwando, muay thai and even boxing, this job would be an easy peasy for you." Malapad na ngiti nito.

"Akala ko ba overprotective ka sa 'kin?" Tumango naman eto bilang tugon at tila naguluhan pa.

"Eh bakit nilalapit mo ko sa lalakeng yun? Sabi mo playboy mga kaibigan mo di ba?"

"Well, ibahin mo si Quino. He's a woman-hater."

"What?!" Kaya naman pala di man lang ako pinansin kahapon.

"Yup. He hates women. Iniwan kasi siya ng Mommy niya when he was still a kid. Then, yung kaisa isang bestfriend niya na naging girlfriend niya ay niloko lang siya at pinagpalit sa ibang lalake. So from then on, cold na siya sa lahat ng babae. Kaya alam ko safe ka pag kasama mo yun."

"How sure are you na hindi siya magigiba ng alindog ko?" Tanong ko rito habang nagpopose sa harap niya.

"Tsk! Di ka nga pinansin kahapon di ba?" Basag niya sa trip ko. Buset! Binato ko nga ng throw pillow. Panira eh!

"Hoy hoy hoy Anya! Wag mong sabihin sa 'kin na may gusto ka kay Quino?" Nakasalubong na kilay na tanong nito.

I just rolled my eyes on him!

"Better not Anya. Ikaw lang ang masasaktan. Kaya ngayon palang pinaaalalahanan na kita, okay?" Seryosong wika nito.

"Eh pano kung siya ang magkagusto sa ganda ko?" Taas-kilay na tanong ko.

The Bodyguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon