Chapter 19: Twinning

2K 55 7
                                    

ANYA's POV

The news about me and Quino has spread like wildfire. They were some who shipped for us and even called us as "AnQuin" couple. While some loathed me more for taking their king away from them. And some just don't care at all. But I can say the percentage of liking us is considerably higher than hating this news.

And I just don't give a damn actually if they hated me even more. I wasn't born to please them. Pero naloloka ako sa mga fans ni Quino na OA makapagreact katulad na lang ni Lou.

Hinatid ulit ako ni Quino kasama ang tatlo sa classroom ko nang makasalubong namin si Lou. And guess what? Pagkakita samin bigla na lang nagngangawa saka nag-walk out. Me and Quino was left dumbfounded habang ang tatlo ay humagalpak nang tawa. She cried as if her favorite toy has been stolen from her. Naloka ako sa totoo lang lalo na nang patakbo etong umalis. Akala ko magsisipagbagsakan ang ceiling eh!

Tapos habang papunta sa room ay may mga estudyanteng akala mo nagrarally, may mga hawak pang placard na Anya love Quino; Quino and Anya forever; The AnQuin Fans club. Jusme! Hindi ko akalain na mas marami palang mga jologs sa Les Asgard, mas nakakaloka!

Pagkadating namin sa harap ng classroom, Quino lowered his face like last time muntik na tuloy akong napaurong. "Bye for now Beauty. Sunduin ulit kita maya." Wika nito at tanging tango lang ang nasagot ko dahil pakiramdam ko ay sasabog ako sa sobrang kilig. He lift his head and planted a kiss on my forehead. The result? Nagsitilian lang naman ang mga estudyante sa paligid. Goodness! Para tuloy kameng mga artista na may shoot at sila ang mga fans.

"Hanep!" Sigaw naman nang tatlo habang mga nakangisi. Hindi ko tuloy mapigilan ang ngiting gustong sumilay sa mga labi ko at halos takpan ko ang namumula kong mukha. Pero ang mas lalong nagpakilig sa 'kin ay nang ngitian ako nito na mala boy-next-door ang datingan. Shems! Gusto ko na lang tuloy siyang iposas sa tabi ko para hindi na lang umalis.

At nakaalis na sila lahat-lahat pero nakatayo pa rin ako sa kinatatayuan ko habang hawak-hawak ang dibdib ko. Grabe sa bilis eto at kilig na kilig ang bwisit.

"Hey there Beauty!" Tukso naman ni Antheia sabay angkla sa 'kin. "Sarap mainlove noh?" Ngisi nito. Naiiling na lang ako habang natatawa sabay hila na sa kanya papasok sa classroom.

"Nga pala Bru, nag-aaya mag-Baguio si Quino sa Wednesday. Game ka?" Tanong ko rito pagkaupo namin.

"Wednesday? Till when?"

"Hanggang Sunday ata. Pwede ka ba non? Gusto mo bang ako magpaalam kila Tita at Tito?"

"I guess pwede naman. Wala sa bansa sila Papa at Mama so papayagan naman siguro ako. Sabihin ko na lang na kasama ka at si Andrei at hindi na magtatanong pa ang mga yon."

"Okay, it's settled then." At kung anong kakaibang excitement ang bigla ko na lang naramdaman.

-----
Matapos nga ang exam namin sa huling araw ay convoy kameng umuwi sa mansion ni Quino. Lahat ay dala-dala na ang gamit nila. Napagkasunduan kasi na ang coach ni Quino ang gagamitin tutal siya naman ang nag-aya pa-Baguio. Kaya eto kame ngayon at nasa entrance ng mansion habang hinihintay matapos ang mga bodyguards sa pagsasakay ng mga gamit.

"Mag-iingat kayo don. And please call me asap pag may problema okay?" Paalala naman ni Tita Camilla at isa-isa kameng hinalikan sa pisngi.

"Magpapadala ako ng ilang bodyguards at wag ka nang tumanggi Quino." Dagdag pa nito. Nakangiting tumango na lang si Quino at hindi na kinontra si Tita

"And you three, behave! Ako ang mananagot sa mga parents niyo pag nagkataon." Paalala pa niya sa tatlong mokong. Napapakamot naman sa batok na tumango na lang din ang tatlo.

The Bodyguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon