Chapter 12: Lunchbox

1.8K 103 6
                                    

ANYA's POV

Hindi ako mapakali sa upuan ko ngayon dahil sa sinabi ni Quino. Sa kanya galing yung pagkain? Pero bakit?

"Hey Bru!" Untag ni Antheia sa 'kin. Nilingon ko siya at hinintay kung anuman ang sasabihin niya. "Bakit para kang di mapaanak na pusa d'yan?"

"Pano mo naman nalaman itsura ng 'di mapaanak na pusa?" Balik na tanong ko sa kanya. Sa pagkakaalam ko kasi wala naman silang pusa.

"Ahmm..hindi pa ko nakakita. But Manang always say that phrase pag mukha akong di mapakali. So ano na, bakit di ka mapakali d'yan?"

"I think I'm falling Bru." Amin ko rito. I saw her eyebrows creased and then she was about to scream kaya mabilis kong natakpan ang bibig niya. Ganito kasi 'to pag nabibigla at nae-excite, bigla-biglang tumitili.

Nang mapagtanto kong kumalma na siya saka ko pa lang tinanggal ang kamay ko.

"Grabe ka Bru! May balak ka bang patayin ako?" Exaggerated na wika nito kaya inikutan ko lang siya ng mata. Madalas talaga may pag ka OA 'tong bestfriend ko na 'to eh.

"With Quino?" She asked. Nangunot-noo tuloy ako kung bakit si Quino ang una niyang binanggit. "Alangan naman kay KD. He's not your type. Pwede ring si Gavin, pero hindi pa rin. Yeah, right si Seb. Kaso bakit nga ba si Quino una kong nasabi?" I don't know if she's talking to me or to herself.

"Pero kay Quino, right?" Alanganin naman akong napatango. "Oh my gosh Bru! Why?" Hindi rin kasi boto si Antheia kay Quino because she also knew his past.

"I don't know. Can you choose the one you fall for?" Helpless na sagot ko. Kasi kung nagagawa yun wala na sanang broken hearted sa mundo.

"But Anya, masasaktan ka lang."

"I know. But what can I do? It just happened!" Frustrated na bulalas ko sabay buntong-hininga na lang.

Tila na stress din naman siya at nakisabay pang nagbuntong-hininga sa 'kin. "What will you do now?" Bigla ay tanong nito.

"I don't know. I resigned actually, but he wanted me to finish this sem first then I'm free."

"Pero bakit mukhang hindi ka masaya sa ideya na hanggang this sem ka na lang niya bodyguard?" Tanong nito na nakataas kilay pa.

"Do I sound like that?" Tinanguan naman niya ko ng sunod-sunod. Hindi nga ba ako masaya sa ideyang after this sem ay lilipat na ko ng bahay at mawawalan na ko ng koneksyon kay Quino?

I heaved another deep sigh saka mataman siyang tinitigan.

"Margaux is back." Wika ko rito.

"Who's Margaux?" Litong tanong nito.

"His ex." Maiksing turan ko. Nanlaki tuloy ang mata ni Antheia pati na ang bibig niya sa gulat.

"How'd you know? Have you met her? Is she beautiful?" Sunod-sunod na tanong niya at halos irapan ko siya sa huling tanong niya.

Kinwento ko rito ang nangyari last saturday pati na rin ang naging reaksyon ni Quino at paglalasing niya sa nakaraang dalawang gabi.

"Oh my gosh Bru! He hasn't moved on yet!" And what she said is true. I guess kaya siya naglalasing ay dahil kay Margaux.

"Pero bakit niya ko binigyan ng pagkain kanina?" Clueless na tanong ko sa kanya.

"Pagkain? Anong pagkain?" Tanong nito at maya-maya pa nanlaki na naman ang mga mata niya. "You mean, siya yung nagbigay ng pagkain sa'yo kanina? How'd you know?"

The Bodyguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon