POV ni Paris
Friday. May event ngayon sa School.
Ewan ko ba kung anong event yon.
Mehehe. Galing kong estudyante no? Sa ibang course naman kase yon kaya wapakels lang ako.
Julie- Pariiiiiissss!
Ako- Ay Kabayong kalbo! Ano ba Julie! kung makasigaw! Kakalbuhin kita e!
Julie- Hindi ka ba lalabas para panuorin yung live band na guest ng school natin ngayon?
Ako- Bakit pa ko lalabas e, for sure dinig naman dito yung pagkanta nila?
Binalik ko sa sinusulat kong essay para sa English yung tingin ko.
Julie- Ay ewan ko ba sayo! Ikaw lang magisa dito sa Room. Ok ka lang? Lahat ng students andon.
Ako- Yun na nga e. Lahat ng students andon. Wala akong panahong makipagsiksikan sa isang damukal na amoy don no!
Julie- hmp! KJ! Dyan kna nga!
Tapos umalis na sya. E totoo naman e. Di ako makikipagsiksikan don kung dinig naman dito sa room yung banda na yon. Dito nlng ako. Solo ko ang mundo. BWAHAHAHA. BWAHAHAHA. HAHAHA. HAHA--ack. Aherm. Aherm. HEHEHE. =___= Kei. Muntanga na me. >_<
Epekto ata to ng pagkecrave ko sa Ice Cream. Yung Specialty sa isang place sa Pampanga. Ewan ko ba kung anong lugar yon. Basta don.
Maya maya narinig ko nang nagintro si Ateng vocalist ng banda.
Na di ko naman naintindihan kase ang iingay ng mga estudyanteng andon. Kung makasigaw kala mo sabay sabay ginagahasa. WAHAHAH. >:D Me is so mean. Wahaha. XD
Napatigil ako bigla nung narinig ko yung kantang tinutugtog nila. Ang ganda ng boses ni ate. Pati yung. . . .kanta.
Nagulat ako nung bigla na lang may pumasok sa pintuan. Nasa may bandang dulo ako e. Nagtama ang mga mata namin. He smiled. At umupo sa seat nya.
*Kung may taong dapat na mahalin ay walang iba kundi ikaw wala nang ibang makakapigil pa sa akin*
Habang kinakanta ni ateng Vocalist yon, dko mapigilang mapatitig sa likod nya. Hays. Sa dami naman kase ng kanta e. Bakit yung Team song pa namin. >_<
Right. Si Tristan nga. The mighty EX.
*Binuhay mong muli ang takbo at tibok ng puso sa iyong pagmamahal ang buhay ko'y biglang nagiba napuno ng saya*
Nakita kong napayuko sya tapos tumingin sa bintana. Sa taas. Sa langit.
Malungkot din kaya sya? Kagaya ko? Namimiss nya din kaya ako? Naiisip nya din kaya ako? Di din kaya ako mawala sa isip nya? Umaasa pa din kaya syang magiging maayos pa ang lahat?
(may pinaghuhugutan ka Author, aminin! -.-)
*sa lahat, hindi maari, hindi maaring iwan wala nang makakapigil kahit na bagyo man pano kung ikaw na mismong kusang lilisan pano ba?*
Hay potek! bakit ba ganto? ang tagal tagal na e. kung maapektuhan ako, parang kahapon lang. Aish!
Nakakainis naman o!
*kung mawalay ka sa buhay ko kung pagibig mo ay maglaho pano na kaya ang mundo kung sa oras di ka makita kung ika'y napakalayo na, may buhay pa kaya tong puso? Yun lang ang maaari nating sadyang matatanggap habang ako'y may buhay*
Naiinis ako! kaasaaaaaar! bigla kong nahampas yung armchair dahil sa inis. Dahilan para mapatingin sya saken.
*Mahal na mahal kita.. Higit pa sa iniisip mo. . . . .*
Nakatingin lang sya saken ng What's-Wrong Look.
Medyo nasa right side ako at medyo left naman sya kaya nakakatingin sya sakin ng maayos.
Ako- Ah-eh? Hehe. May ano kase, May ano. Lamok. Oo. May lamok kase sa armchair. Dito ata nakikitambay. Hehe.
Sabi ko habang pilit na pilit na ngumingiti.
Nagsmile na den sya.
Tristan- Namiss ko talagang kakulitan mo.
Parang may binulong sya. pero di ko naintindihan.
Ako- h-ha!? May sinabi ka ba?
Tristan- Walang ulitan sa bingi. ^____^V
Aba't! Aish. I pouted. >3< andaya! Hmp.
Tristan- Don't do that!
Ako- Don't do what!?
wala naman akong ginagawa e. aish.
Tristan- Don't pout. I might kiss you.
Ako- Edi ikis--WHAT!? O//////O
Tristan- Wahaha! Look at your face! You're red as Mars!
What the--!? Pinagtitripan ako neto a! Kala mo ha! May oras ka den saken.
Ako- What's so funny Tolentino!?
Tapos binigyan ko sya ng serious glare. With matching pasingkit pa ng mata ko para mukang galit. Tapos natigilan sya. Mehehe. I can smell Victory. ^-^
Tristan- Ah? Ano. Uhm. Ano. Kase. Aish! Sorry na! Joke lang e. Di ka na majoke! v.v
Wahaha. Kung alam nyo lang yung muka nya. Mukang batang pinagalitan ng nanay. XD
Ako- Joke your face! Walang sorry sorry! Hmp. *insert irap*
Tristan- Eto naman. That was just for fun.
Ako- Ah fun!? So muka ba kong clown!?
Tristan- Ok. sorry na. What do you want me to do for you to forgive me?
WAHAHA. Sabi na e! Kala mo a! ayan. ano ka ngayon!? Hihihi. I'm such an intelligent girl. >:)
Ako- Samahan mo kong bumili ng Ice cream.
Tristan- Yun lang pal---O___O
Di ko pinatapos yung sasabihin nya at nakita kong nanlaki yung mga mata nya at bumagsak ang panga nya sa sunod kong sinabi.
Ako- Sa Pampanga. >:)
----
Alas dos na ng madaling araw pero di pa din ako makatulog. ewan ko ba naeexcite ako para bukas.
Pupunta kaming Pampanga bukas. Alas otso ng umaga. Para bumili ng Ice cream. Pffft. XD
Hays. Alam ko, iniisip nyo, ang OA naman. Dahil lang sa pinagtripan nya ko, pupunta kaming Pampanga!? Like hello? nasa Cavite po kami.
Pero di naman sya umangal e. in fact after nya makarecover sa shock, biglang lumapad yung ngiti nya at pumayag agad agad.
Pero teka. Makakasama ko sya bukas. How should I act? Nasanay akong kasama sya palagi noon bilang girlfriend nya. Pano na ngayon? As his. . . . . .
EX!?
****
a/n: Anluh! takte. nabalewala na talaga ng tuluyan yung first draft ko. >_< Kung ano.o2 kase naiisip ko e. Gusto ko ng Ice creaaaaaaam! :( Aish. Sino kayang magbibigay saken? :( Btw, a single Vote and comment will be highly appreciated. >:)
BINABASA MO ANG
Loving my Ex
Teen FictionHere's a story na hindi nagumpisa sa strangers to lovers. It's about an ex couple. let's see if a second chance will change their lives. Be Bitter? Or Better? Meet Paris Mae Fajardo and Tristan Marius Tolentino. Ang isa sa mga tangang magEx sa balat...