Chapter 37: Happiness

77 1 0
                                    

POV ni Paris

Alas dos na ng madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog ng maayos. Ilang araw na kong ganito mula ng malaman ni Tristan ang tungkol kay Lucas. Palagi ko syang iniiwasan pag nasa trabaho, and he, on the other side didn't bother to talk to me though.

I decided to call Mica. Baka natutulog na sya pero kailangan ko talaga ng kausap.

"Hello?" she answered on the third ring. Her voice, sleepy.

"Mica, I'm really sorry to disturb you. But I badly need someone to talk to right now."

"Wait, are you crying? What happened?" Parang nagising yung boses nya ng marinig ang paghikbi ko.

"Please, let's meet."

----

"Paris, what's wrong?" Mica asked right when she saw me at a table near the glass wall. Andito kami ngayon sa McDo. Good thing it's open 24 hours.

"He knew about Lucas." I told her. I slipped my hands inside the pockets of my sweater.

"Oh. So, what did he say? Tanggap ba nya na may anak ka sa iba?" she sipped the coffee in front of her. I ordered that in advance.

Right. Mica doesn't know about the truth. It's only me and mama who knows.

"Oo. Tanggap nya. In fact, he willed himself to be his father."

She looked at me, frowning.

"E bakit mukhang namumroblema ka pa?"

Ang hirap. Ang hirap ng may tinatago. Ng may kinikimkim. "The problem is, HE is his REAL father."

"What!?" she shouted. Buti nlng konti lang ang tao dito.

"Oo Mica. Sya ang ama ni Lucas."

"Hindi ko na tatanungin kung pano ha? Sa inyo nlng yon. Pero bakit hindi mo sabihin sa kanya. Ayaw mo ba ng buong pamilya?"

"Sino bang ayaw ng buong pamilya? Alam mo Mica, palagi kong iniisip na masaya siguro kung mabubuo kami. Si Lucas, gusto kong maramdaman nyang walang kulang sa kanya. Pero natatakot ako. Ang daming pwedeng mangyari pag nalaman nya." tears started rolling down my face. She held my hand.

"Takot. Paris, takot kasi yung pinapairal mo e. Naiinitindihan kita, pero kasi dapat pagbigyan mo pa rin yung sarili mo. Kilala kita, alam ko kung gano mong minahal si Tristan. At alam kong dyan, sa kasuluksulukan ng puso mo, mahal mo pa rin sya. Paris, try to forget the fear and start paying attention to the urge of being happy. Para sa inyong dalawa ni Lucas. Para din kay Tristan. Para sa pamilya nyo."

Pamilya. Gusto ko ng masayang pamilya. Susubukan ko. Sana maging masaya na kaming lahat.

"Salamat, Mica. Salamat."

****

Kinabukasan, o kinaumagahan rather, kahit antok na antok pa ko, nagpasya kong pumasok ng mas maaga at hintayin si Tristan sa office nya.

My breathing becomes heavier as the clock ticks. I stood up when I heard the door knob opens.

I was expecting to see him in his coat and tie but what I saw made my jaw fell, no, it made my heart fell.

"Paris? Anong ginagawa mo dito?" he asked smiling. Mukha syang lasing. Mukhang stressed na stressed. Ngayon ko lang ulit sya nakita ng malapitan dahil lagi ko nga syang iniiwasan. He has stubbles on his face. His eyes shows the sleepless nights he had been through. "Hinihintay ko ba ko ha?"

"Babe? Who is she?" asked the girl wearing a black tube mini dress on his arms.

"Oh, she's Paris. Paris, this is Myra. Nakilala ko sya kagabi sa bar." he chuckled.

"It's Mary babe." the girl rolled her eyes.

"Kahit ano pa yan, basta may M. Hahaha--ouch! Bat mo ko sinampal?" Para syang nagising mula sa pagkalasing dahil sa pagsampal ko sa kanya.

"I hate you!" I stormed out of the room.

Shit! Nagawa pa nyang mambabae? Akala ko ba mahal nya ko? Kung mahal nya ko, hindi na sya maghahanap.pa ng iba! Gago sya! Bakit ganito? Kung kelan namang handa na kong harapin ang lahat. Kung kelang gusto ko na talagang magsimula ng panibago. Wala ba kong karapatang maging masaya? Tuwing sinusubukan ko, palagi na lang may nangyayaring hindi maganda. It's as if happiness always turns it's way opposite from me. Putangina naman!

I run and run and run. My eyes were blurry with tears but I didn't mind.

Nakalabas na ko ng building at derederetsong tumawid ng kalsada.

I heard everyone screamed.

"Paris!" I heard him, too. "NOOO!"

Then everything went black.

----

AN: sobrang busy ko sa school. Exams here, baking there, activities here, research there. Kaya ang tagal ng update ko. Sa dami ng ginagawa ko, natatabunan na sa isip ko lahat ng update na naiisip ko. Sarreh. Mukhang magiging slow tong story na to. Pero pipilitin ko pa din na hindi. :)) nobelang AN na to. Hanggang dito nlng. Xie xie nin. :*

Loving my ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon