POV ni Tristan
"Po? Bakit naman po? Maayos ko naman pong ginagawa yung trabaho ko a!"
Sabi ko dun sa mayari ng mga gulay na dinedeliver ko.
Pinapaalis na kasi nya ako e. Biglang bigla naman yata. Halos 2 weeks na kong nandito e.
Magiisang buwan na kaming nagsasama ni Paris.
"Kailangan ko kasing magbawas ng trabahador. Mahina ang supply ng gulay ngayon." sabi nya habang nagbibilang ng pera.
"Pero wag naman ho sana ako. Kailangang kailangan ko ho kasi ng trabaho." I begged.
"Pwede ba? Hindi ko na problema yon! Alis!"
Wala na kong nagawa kundi umalis.
Leche. Bakit naman ngayon pa? Nakakainis.
Maghapon akong nagikot sa bayan para maghanap ng trabaho.
Pagod na pagod akong umuwi sa bahay. Paguwi ko, nasa labas ng bahay si Paris. Mukang alalang alala.
"Babe!" she called.
"O, anong problema? Bakit andito ka sa labas?"
"Babe, kasi pinapaalis na tayo ni Mang Wilfredo dito." she answered.
"Ha bakit daw?" tanong ko. Nagulat naman ako.
"E kailangan daw kasi ng matitirahan ng anak nya e. Kaya kailangan na yung bahay." she answered while picking up the bags na nasa gilid ng bakod.
"Natext ko naman na si ate Sha. Dun muna daw tayo." nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi nya.
Dahil wala na kong sasakyan, naglakad na lang kami hanggang dun. Halos 15 minutes din naming nilakad yon. Pagod na pagod na kasi ako sa paghahanap ng trabaho kanina at ang dami ko pang dala ngayon.
"Pasok kayo. Pasok." Sabi ni ate Sha na hinihintay kami sa gate.
Nahihiya man kami pareho na makituloy, wala naman kaming magagawa. Wala kaming choice.
Nakaupo lang kami sa sofa at nakikipagusap kay ate Sha ng lumabas mula sa kwarto yung nanay nya.
"Magandang hapon po." bati namin.
"Sino sila?" baling nya kay ate Sha. Di man lang kami pinansin.
"Ah, sina Paris at Tristan po 'nay. Dito po muna sila pansamantala habang naghahanap ng mauupahan." she explained.
"Ano ba yan Sha! Nagdala ka pa talaga dito ng palamunin? Pampasikip sa bahay."
Then she walked out.
"Naku pagpasensyahan nyo na si nanay. Mainit lang talaga ulo non. Pero mabait yon."
Tipid lang na ngumiti si Paris. Ako naman ay nagiisip na kailangan ko talagang makagawa ng paraan para makaalis dito.
Pagdating ng gabi, naligo muna ko bago naghanda sa pagtulog. Nauna nang magayos si Paris kaya ang akala ko nakahiga na sya. Pero nagtaka ako nang wala sya sa higaan sa sala.
Nakita ko syang nakaupo sa labas. Nakatingala sa langit. Mukhang napapagod na sya.
Alam kong nahihirapan na rin sya sa nangyayari samin.
Ngumiti sya ng makita ako. Tinapik nya yung space sa tabi nya para paupuin ako. Inakbayan ko naman sya at inihiga ang ulo nya sa balikat ko.
"Lalaban naman tayo di ba? Kaya oa naman natin di ba?" Biglang sabi nya. Her voice broke.
Hindi ako nakasagot. Somehow, nakukunsensya na ko sa mga ginagawa ko. Nahihirapan lang sya dahil sakin. Pero hindi ibig sabihin non na sumusuko na ko. Hindi ko susukuan yung taong mahal na mahal ko.
I just hugged her, assuring her that everything will be fine.
****
AN: Typos? Sorry. :)
BINABASA MO ANG
Loving my Ex
Teen FictionHere's a story na hindi nagumpisa sa strangers to lovers. It's about an ex couple. let's see if a second chance will change their lives. Be Bitter? Or Better? Meet Paris Mae Fajardo and Tristan Marius Tolentino. Ang isa sa mga tangang magEx sa balat...