Chapter 21: Consequence

83 2 0
                                    

POV ni Paris

The saying goes, if you love someone, let them go.

Pero ako? Kung mahal ko, ipaglalaban ko. Kaya ko nga sya mahal di ba? Para ipaglaban, hindi para isuko. Naniniwala kase ako na, love is not about how you let go. It's about how you hold on.

Mahal na mahal ko si Tristan. It feels like I've been in love with him since forever. Nawala na sya sakin noon. Hindi na ko papayag na maulit pa yon.

"Paris, kakain na tayo." Paglingon ko, si Ate Sha. Nasa may pinto.

"Sige ate. Susunod na ko."

Oo, andito kami sa Pampanga. Nasabi na rin sakin ni Tristan ang dahilan ng pagpunta namin dito.

Kagabi ng alas onse kami dumating dito.

Gusto nyang palabasin na nagtanan kami para tumigil na si Tita Yvonne sa pagpipilit na paglayuin kami.

Sobrang nalulungkot ako na ganito yung nangyayari samin ngayon. At the same time, may tuwa sa puso ko kapag naiisip ko kung pano nya ko pinaglalaban.

"Babe, breakfast is ready." Si Tristan naman ang tumawag sakin. I jus nodded at sabay na kaming lumabas ng kwarto para kumain.

Habang kumakain, nagsalita si Tristan.

"Babe, nakausap ko na yung may ari ng boarding house sa kabilang bayan. Dun tayo titigil. Lilipat na tayo mamaya para di naman nakakahiya kay ate." he said bago sumubo.

"Ay nako! Mas gusto ko pa ngang dito na lang kayo e! Kami lang naman ni nanay dito. Madalas pa syang sa kapatid nya umuuwi." Ate Sha said.

"Naku ate. Hindi na. Ang laking tulong na ng pagtigil namin dito kagabi. Nakakahiya na." I said.

She held my hand and say, "Basta pag may problema, andito lang ako a?"

We continued eating. Pagtapos kumain, tinulungan ko si ate magligpit ng kinainan.

"Ate, alis na kami. Salamat ha?" nasa may gate na kawayan na kami ng bahay nila.

"Anytime. Kayo pa. Sige na. Magiingat kayo ha." I just nodded then Tristan held my hand as we got in the car.

"Babe, okay ka lang?" He asked.

I held his cheeks and say, "Basta nasa tabi kita. Okay ako."

He just smiled.

Habang nasa byahe, nagtext ako kay mama na wag magaalala sakin. Sinabi ko na may inaasikaso lang kaming school matters. Kumbaga parang tour. I know it was a lie, but still, i don't want her worrying.

"We're here." Hindi naman pala malayo. Mga 5 minutes drive lang. He said as he parked in front of a little bungalow house. It was painted with yellow at ang daming ligaw na bulaklak sa paligid ng bakuran.

Kinuha ni Tristan yung mga gamit namin sa kotse at pumasok na.

Umupo ako sa mini sofa habang pinapasok nya sa kwarto yung mga gamit.

Maliit lang yung bahay.

May mini living room, divider na patungan ng tv ang naghahati sa sala at maliit na kusina. Isang pinto na tingin ko ay cr. At isang kwarto. Tama lang para sa dalawang tao.

Paglabas ni Tristan, naupo sya sa tabi ko at inakbayan ako. He kissed my temple and say, "Mahal na mahal kita Paris. Di ko kayang mawala ka sakin. Hindi ko hahayaang mawala ka sakin."

I smiled and I felt a tear fell from my eye.

I hugged him and say, "Mahal na mahal din kita. Sobra."

****

POV ni Tristan

A week passed at naging maayos naman kami ni Paris.

Masaya kaming nabuhay ng payapa. The only thing is, mom cut my credit cards. Good thing may cash pa ko. I'm just afraid it won't last long.

Kaya eto ako ngayon, naghahanap ng pwedeng pagkakitaan. Iniwan ko si Paris kina ate Sha para di sya mainip. Alas nuebe pa lang ng umaga.

Sinama ako ni Mang Cardo sa palengke. Pwede daw akong magbuhat ng mga sako ng gulay don.

"Sigurado ka ba anak na kaya mo? Aba'y mukha kang mayaman at hindi sanay sa trabaho."

I just smiled at him and say, "Kaya ko po."

Inumpisahan kong buhatin yung mga sako ng gulay papunta sa mga tindahan.

Halos magaalasdos na ng hapon ng matapos ako. Inabutan ako ng 300 nung may ari ng mga gulay.

Fuck. 300? Ang dami kong naging sugat tapos, 300?

Naalala ko naman na nagrequest si Paris ng Chocolate cake kaya dumaan muna ko sa bakery bago dumiretso sa kotse ko.

"Shit!" tuluyan na kong napamura ng malakas nang makita ko yung kotse ko. Mukhang pinagkakitaan ng mga magbabakal to a. Wala na yung side mirror at yung mga casing sa harap at likod. Pati gulong! Kulang ng isa. "Fuck this!" sinipa ko yung gulong pero napaaray ako agad. Naalala kong may sugat nga pala ko.sa paa. Badtrip! Badtrip na buhay to!

I guess this is the consequence of running away.

----

AN: Di ko na nareread to. Sorry sa typos and flaws. :)

Loving my ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon