Chapter 24: Hold on.

78 2 0
                                    

POV ni Paris

Naglalaba ako ulit ngayon. Nakakahiya kasi sa nanay ni Ate Sha kung di ako kikilos dito. Pati damit nila nilabhan ko na. Ayaw nga pumayag ni ate Sha kanina e. Pero nung umalis sya para pumunta sa store nya, naglaba na ko.

Napakadami kong nilalabhan at kanina pa ko hindi kumakain. Nahihilo na ko pero hindi ako pwedeng tumigil. Ano ba naman tong paglalaba? E si Tristan nga, kaninang umaga, maagang umalis para pumasok sa trabaho e. May napasukan na syang ibang trabaho. Bigas naman ang binubuhat.

Sa totoo lang, naaawa na ko sa kanya. Di naman sya sanay sa pagtatrabaho e. Pero eto kami, parehong nahihirapan. Pero kaya naman namin lahat di ba? Kayang kaya namin kasi magkasama kami.

Pumasok na ko sa loob dahil talagang masama na ang pakiramdam ko.

"Hoy! Paris, plantsahin mo nga yung blouse ko! Pupunta ko sa kumare ko. Maliligo na ko ngayon kaya bilisan mo!" sabi ng nanay ni ate Sha bago pumasok sa banyo.

Hay nako. Pagod na talaga ko e. Pero sige na nga. Pasalamat sya may utang na loob kami sa kanya.

Pumasok na ko sa kwarto para mamalantsa. Marunong naman ako.nito dahil ako naman ang namamalantsa ng mga uniform ko. Di ko na pinapagawa kay mama dahil maliit na bagay lang naman yon.

Hays. Namimiss ko tuloy si mama. Kamusta na kaya sya? Walang kasama yon sa bahay e. Ang sama sama kong anak.

Di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Tapos biglang umikot ang paningin ko.

"Sunog na yung damit kooooo!" tapos bigla nyang hinila ang buhok ko. "Walanghiya kang babae ka!"  yun ang huli kong narinig bago tuluyang nagdilim ang paligid.

****

POV ni Tristan

"Aling Susan! Bitawan nyo sya!" sigaw ko nang makita kong sinasabunutan ng nanay ni Ate Sha si Paris. "Anong ginagawa nyo!?" kinuha ko si Paris. Wala syang malay!

"Yang walangyang babae na yan! Sinunog ang damit ko!"

Shit! Mainit sya! Inaapoy ng lagnat si Paris!

"Nilalagnat sya!" dali dali ko syang binuhat bago inilabas ng pinto. Pero bago ko sya nilabas nagsalita ulit ako, "Pag may nangyaring masama kay Paris, pagbabayaran mo to!"

Dali dali kong tinawag yung kapitbahay namin na may tricycle at nagpadiretso sa ospital.

Habang nasa byahe, alalang alala ako dahil di pa din nagkakamalay si Paris.

Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa buong buhay ko. Tumutulo yung luha ko nang sinabi ko sakanyang, "Paris. Paris, gumising ka. Please Paris. Lalaban pa tayo ng magkasama di ba? Babe. Wag mo naman akong pagalalahin ng ganito. Di ko kakayanin pag may nangyaring masama sayo. Gagawin ko lahat wag lang may mangyari sayo."

Pagdating sa ospital, dineretso agad sya sa emergency room.

Fuck! Ang sakit makita yung taong mahal mo na nahihirapan. Lalo na nung nakita ko syang nakahiga sa hospital bed, shit lang. Akala ko OA lang yung mga nasa palabas na sobrang makaiyak. Pero ngayong ako yung nandito sa posisyon na to, wala na kong pakialam kahit pa pinagtitinginan ako dahil sa pagiyak ko.

Fuck them and their stares! Ang iniisip ko lang ngayon ay si Paris.

"Doc, kamusta po sya?" I asked as soon na makita kong lumabas yung doctor sa ER.

"Okay na sya. Natutulog na lang sya ngayon. Inilipat na rin sya sa room. And oh, by the way, hindi maitutuloy ang medication supplies nya kung di pa rin kayo makakapagdown kahit five thousand lang." then he smiled.

"Salamat po." umalis na sya. Ako naman ay naiwang wala sa sarili. Kinuha ko yung wallet ko sa bulsa at tinignan ang laman. Six hundred.

Sakto naman na biglang nagring ang phone ko.

I answered the call without even looking who the caller is.

"Ano Marius, nahihirapan ka naba?"

My fist balled as soon as I heard her voice. I didn' respond. I was just listening. "Sinabi ko naman sayo Marius, lalayo ka sa kanya, sa ayaw mo at sa gusto. You can't run away from me. Ang pagkakaalis mo sa trabaho at sa bahay, everything was part of the play. And oh, ikamusta mo na lang ako kay Susan. Please tell her she did a good job."

The call ended. Damn her! How can she be so fucking bad? All this time akala ko nakalayo na kami sa kanya. Pero ang totoo, sya pa rin pala ang nagpapahirap samin.

"Sir! Yung pasyente nyo po!"

Then I ran to her.

Please Paris. Hold on.

----

AN: Merry Christmas everyone! GBÜ

Loving my ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon