a/n: ang tagal. sorry. :( btw, eto na. enjoy!
----
Pov ni Paris
Andito ako sa tapat ng pintuan ng simbahan ngayon.
Ang daming tao. Lahat sila mukang masayang nakatingin sa dalawang taong nasa altar na nasa harap ng isang pari.
Habang ako, eto. Umaasa na hindi sya maga-I do. Na hindi sya tuluyang magpapakasal sa babae na yon.
Umaasa akong ako ang pipiliin nya.
Hindi si Raine.
"Do you take, Raine as your lawfully wedded wife, in sickness and in health, for richer or for poorer, til death do you part?"
Please, wag kang mag-oo sa tanong ni Father. Please Tristan. No.
Lumingon sya sakin. I felt tears running down my cheeks.
"Sorry. But I can't marry you Raine."
Then he came running to me. He smiled and held my hand.
We ran away from the horrified looks of the crowd.
"Cuuuuuuuut!"
Nagulat pa ko sa biglang sigaw ni Troy. Andito kami ngayon sa may park malapit sa school.
Feel na feel ko pa yung pagarte e. Eto na yun oh! Yun na yun e!
"Ok naman na db? Di pa ba tayo kakain? gutom na gutom nko. May dalawang oras na tayong nagpapractice a!"
Natawa naman ako sa kanya. Para syang bata. Nakasuot pa sya ng malaking kwintas na may cross para daw feel yung pagiging pari nya sa practice. Nagbunutan kasi kami ng roles para fair.
"Hay nako Troy! Sige na. Siguro naman ok na yon? pede na tayong umuwi? Madilim na din naman o."
Sabi ko pagharap ko kay Raine at Tristan.
"Yeah. Sige, uwi na tayo. Ulitin nlng natin yung practice a day before the presentation."
sagot ni Tristan habang si Raine nakahawak na braso nya at nagpapagpag ng lamok sa binti nya.
"Yeah right. I think we better go, mukang nagkakadengue ako dito e!"
Ang arte nya talaga kahit kelan. Argh! Hays. Buti nlng maganda sya at kahit papano bagay sa kanya maginarte.
"Let's go?"
Tutal parepareho lang naman kami ng terminal na pupuntahan, sabay sabay na kami naglakad.
"Paris, kain muna tayo!"
Nakapout pa si Troy at nakahawak sa dulo ng blouse ko.
"Sa bahay nyo na ikaw kumain. Para deretso pahinga na."
"E pero gusto ko yun!"
Ngumuso sya para ituro yung gusto nya. Kwek kwek! Kyaaaaah! Gusto ko den non!
"Tara! Gusto ko din yon!"
Uh-oh. Spell AWKWARD? Sabay pa kami ni Tristan na sinabi yon. Favorite kasi namin yan noon e.
Aish! No. Di ko na nga pala dapat inaaalala yung mga yon.
Lumapit na kami kay kuya na nagtitinda.
"Eww. Kumakain kayo nyan? Like duh? Ang dirty kaya nyan!"
"Hoy Raine! Mas dirty ka pa nga dito e! Kung ayaw mo kumain, wag ka kumain. Wag kang maginarte dyan. Di ka naman pinipilit."
Natahimik naman si Raine sa sinabi ni Troy. Ayan kase, kaartehan. Hahaha.
BINABASA MO ANG
Loving my Ex
Teen FictionHere's a story na hindi nagumpisa sa strangers to lovers. It's about an ex couple. let's see if a second chance will change their lives. Be Bitter? Or Better? Meet Paris Mae Fajardo and Tristan Marius Tolentino. Ang isa sa mga tangang magEx sa balat...