Chapter 22: More than just a kiss

65 2 0
                                    

POV ni Paris

Alas sais na ng hapon. Naglalaba ko dito sa likod bahay. Ang dami na kasi naming damit na marumi e. Halos wala na kong masuot.

Grabe. Napapagod na ko. Mukha na rin akong katulong sa itsura ko.

Nakaclamp yung buhok ko ng mataas. Yung iba ngang buhok, bumabagsak na sa mukha ko e. Nakaloose shirt ako at pedal.

Grabe ang baho ko na! Pero dapat kong matapos to para wala na kong iisipin bukas.

"Babe." napangiti agad ako at napalingon nang marinig  ko si Tristan. Tumayo agad ako at kahjt puro bula yung kamay ko ay niyakap ko sya.

"Woah, chill babe!" sabi nya na natatawa tawa habang yakap ako.

"E, namiss kasi kita e. Ayaw mo ata kasi ang baho ko na." nagpout ako at tinalikuran sya. Bumalik ako sa pagkakaupo at naglaba.

Nagulat naman ako nung biglang niyakap nya ko from the back at nagsumiksik sa leeg ko.

"Ang bango bango mo kaya. Ang ganda ganda pa!"

"Hmml. Bola." I said smiling. "Ay oo nga pala, kamusta yung trabaho mo? Napagod ka ba? Kumain ka na ba? May binuksan akong de lata kanina, kumain ka na." I said while he was still hugging me.

"Okay naman yung trabaho. Nakakapagod, pero nung nakita kita, nawala lahat ng pagod ko." he said.

"Sus. Yabang. Sige na kumain ka na don, tatapusin ko lang to." kinikilig naman daw ako.

"Bukas mo na tapusin yan, samahan mo ko kumain."

"Hindi pwede! Dapat ko nang--Sabi ko nga tara na at kakain na tayo e! Tara na bilis!"

Ang bilis kong tumayo at pumasok sa loob. Pakitaan ba naman ako ng chocolate cake!? E nagcrave kasi talaga ko dun kahapon pa e!

Tawa naman sya ng tawang sumunod sakin papasok.

Ang saya lang. Para kaming magasawa. Hihi. :"> landi.

Masaya kaming kumain at nagtulungan kaming maghugas.

Pagdating ng gabi, magkatabi kaming nanuod ng tv sa sofa sandali bago ako pumasok sa kwarto para magpahinga. Sa sala kasi sya natutulog e.

Pagdating ng mga bandang alauna, nagising ako para uminom.

Nasa kusina ako at umiinom nang biglang may yumakap sakin mula sa likod.

"Fuck! Tristan, papatayin mo ba ko sa gulat?" I said, my hands on my chest.

"Sorry baby. Di ka ba makatulog?" he asked. Giving me kisses on the cheeks.

"No. Nagising lang ako sa uhaw." I answered.

Di na sya sumagot, instead, he kissed me. Palalim ng palalim.

Until it came to more than just a kiss.

****
AN: Bear with the typos please. :) natatamad ako magproofread.

Loving my ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon