Chapter 38: Bad presence

69 1 0
                                    

POV ni Paris

"Ano ba talagang nangyari?" kalamadong nagsasalita si mama.

"Sorry po. Ako po ang nay kasalanan. Nagalit po sya sakin kaya sya tumakbo." boses ni Tristan yon.

"Tristan, hindi mo alam ang mga pinagdaanan ni Paris nang mawala ka. Kaya sana naman, wag mo na syang pahirapan pa ulit ngayon. Marami kang hindi alam. Si Paris lang ang pwedeng magsabi sayo ng lahat."

"Patawarin nyo po ako. Patawad po." narinig kong parang umiiyak sya.

At tuluyan na kong nakatulog ulit.

****

Unti unti akong dumilat. Nagaadjust pa ang mga mata ko sa liwanag. Ang sakit ng katawan ko. Parang umiikot ang paningin ko. Naramdaman kong may nakahawak sa kamay ko kaya unti unti ko itong nilingon. Si Tristan, natutulog habang nakaupo sa tabi ko at ang ulo ay nakasandig sa kama.

Bakit ako nandito? Ano bang nangyari? Ah. Naalala ko na.

"I hate you!" umiiyak na nagtatakbo ako palabas.

"Paris! Nooooo!"

Narinig ko ang sigaw nya. Lilingon pa lang sana ko nang makita ko ang isang sasakyan na papalapit sakin. Napatigil na ko ng tuluyan dahil sa gulat. Yun lang ang natatandaan ko.

"P-paris? Paris. Kamusta ka na? Anong masakit sayo? Anong nararamdaman mo?" nakatayo na sya ngayon sa tabi ko. Nakikita ko ang pagaalala sa mga mata nya.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig na tanong ko sa kanya. Hindi ko pa rin nalilimutan ang nangyari bago ang lahat ng to.

"Paris, please. I'm sorry. Magpagaling ka muna saka tayo magusap."

"Umalis ka na." Yun lang ang sinabi ko at pumikit ulit. "Ayaw kitang makita pag gising ko."

At tuluyan na kong nakatulog ulit.

****

POV ni Tristan

"Paris! Nooooo!"

Gaya ng dati, naramdaman ko na naman ang pakiramdam ng sobrang takot.

Agad ko syang binuhat at isinakay sa sasakyan kong nasa tapat pa ng building.

Isinakay ko sya sa likod. Habang nagmamaneho ay walang tigil ang pagdadasal ko.

Alam kong galit sya sakin. Ako ang may kasalanan ng lahat ng to. Kasalanan ko na naman kung bakit sya napahamak. Ang gago ko kasi!

Simula nang malaman ko yung tungkol sa naging anak nya, nalito na ko. Well, yes. I still love her. Walang makakapagbago non. But the thing is, may anak sya. For Pete's sake! Sa lalaking hindi nya kilala.

I've been stressed this past few weeks. I go bar hopping everynight, I drown myself in alcohol. At sa kamalas malasang pagkakataon, nang araw na yon pa ko may nabitbit na babae sa office. I was so drunk to hell na hindi ko na alam ang ginagawa ko.

I can still remember Paris' stare when I entered the door with this girl in my arms.

Her sounding slap made me back to reality.

Ang gago ko lang talaga.

"Tristan, bakit andito ka sa labas?" boses ng mama ni Paris ang nagpabalik sakin sa kasalukuyan.

"Ayaw po nya kong makita." Nakatungo kong sagot.

Bumuntong hininga lang sya saka tuluyang lumapit sa pinto. Pero bago sya pumasok ay nagsalita muna, "Umuwi ka na muna at magpahinga, hijo. Sana naiintindihan mo si Paris. Hindi na maganda ang naidudulot ng presensya mo sa kanya."

Sabay ng pagpasok nya sa kwarto ay ang pagpatak ng luha ko dahil sa mga huling salitang binitawan nya.

Loving my ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon