POV ni Paris
Later that night, nagayos na ko para sa dinner namin ni Tristan. This is the third time na magdidinner kami together since Palawan. To think na isang linggo pa lang ang nakakalipas non. Meaning, ang dalas na naming lumalabas. Hindi naman kami ulit. Nanliligaw sya, oo. Pero hindi ko pa sinasagot. At hindi ko alam kung sasagutin ko pa sya. Marami na kasi masyadong nangyari. Marami nang hadlang para maging kami pa ulit.
Isa na lang si Lucas, masaya nga sana kung makukumpleto ang pamilya namin. Pero paano kung hindi kami ulit magwork out? Tapos kunin nya yung anak ko? O kung hindi naman, pano ko ipapaliwanag sa anak ko na iniwan kami ng daddy nya, sa pangalawang pagkakataon?
Duwag na kung duwag pero ayoko na kasing sumugal e. Ilang beses na kong sumugal, at sa lahat ng yon, natalo ako. Paano kung ngayon matalo ulit ako?
Pano kung hindi pala? Pano mo malalaman kung di mo susubukan?
Pano kung pag sinubukan ko tapos ganun pa din? Edi nasaktan lang ako ulit?
Biglang nagvibrate ang phone ko kaya natigil ako sa pakikipagaway sa sarili ko. Ay, oo. Baliw na ko.
Will wait for you at the lobby. See you in ten minutes. - Tristan
I just replied a 'K.' then I fixed my things and went to the restroom to refresh myself.
With my handbag, I walked to the elevator. There are two guests inside when I entered.
"Grabe yung lalaki no! Ang gwapo!" said the first girl. They look like teenagers.
"Kaya nga e! Kaso mukhang taken. Ang laki ng dalang bouquet e." answered the second.
"Ang swerte ng girlfriend nya. Jackpot!"
I pretended not to be listening. Ang mga bata talaga, makakita lang ng gwapo e.
Pagdating ko sa lobby, nakita ko agad si Tristan. Dashing in his light blue long sleeves folded unto his elbows and slacks. He was holding a huge bouquet of pink roses.
Oh, sya siguro yung pinaguusapan nung dalawa kanina. Swerte ko ba? Jackpot daw sabi nila.
He smiled as soon as he saw me walking to him.
"Hi." he greeted and handed me the flowers.
"Thanks." I smiled.
"Let's go?"
I nodded.
Paglabas namin ng hotel, nasa harap na yung sasakyan nya.
He opened the door for me and let me in bago sya pumasok.
"Where do you want to eat?" he asked while starting the engine.
"Kahit san. Ikaw bahala. Ikaw nagaya e." I answrred while buckling my seatbelt.
"Jollibee, okay lang ba?"
Napatingin ako sa kanya. "Seryoso?"
"Yeah, craving for Jolly spaghetti, chicken joy, jolly hotdog, fries and---"
"Sundae." I added then smiled. "Sure, let's go."
Habang nasa byahe, he told me a lot about his life when he was in Italy.
I've learned that he also finished his studies there before taking responsibility of their company. Saka nya nabili ang Faith Hotel.
"The truth is, ikaw lang ang nasa isip ko nung mga panahon na yon. Sabi ko, dapat pag nakaharap ulit kita, may maipagmamalaki na dapat ako sayo." He said when he parked the car.
I smiled. "Talaga? Ang keso mo!"
Bigla naman syang sumimangot. "Dumadialogue ako dito tapos babarahin mo ko!"
I just looked at him then pinched his nose. "Ang corny mo kasi!" then we both laughed and went out the car.
When we went inside the store, wala masyadong tao. I sat down on our table while he ordered our food.
I remembered the time when we ate here, yung napagkamalan kaming magboyfriend. E magex kami non.
I smiled at the thought.
Nang mapalingon ako sa entrance, halos lumabas ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang papasok.
"Jill, what are you doing here?" I asked nang makalapit sila sakin.
"Hi, mom!" Lucas ran to me and hugged me.
"Yan po kasi si Lucas ate, gusto daw ng jolly hotdog. Mapilit e."
Kinarga ko si Lucas and I told him, "Baby, I'll just bring you food later, okay?" I looked at Jill. "Bring him home, please."
Naguguluhan man ay tumango sya at kinuha si Lucas.
"Bye, mom."
I watched them went out.
"Sino yon?" nagulat ako nang magtanong si Tristan. He was already putting the foods on our table. Hindi ko napansin.
"Ah, wala yon." I answered as I sat down.
"Parang kilala ko yung bata. Parang nakita ko na yun e."
I just smiled.
Hindi pa pwedeng magkakilala sila. Hindi pa.
After dinner, I ordered Jolly hotdog and fries for Lucas. Nagtanong pa si Tristan kung bakit daw e ang dami ko nang nakain, sabi ko na lang, iuuwi ko kay mama.
We went inside his car and he drove me home.
"Hindi mo man lang ba ko papapasukin sa loob? Kakamustahin ko mama mo." He inquired. Palabas na sana ko ng kotse.
"Ah, eh--sure." I answered. Silently praying na wala sa sala si Lucas.
"Maupo ka muna." I told him when we entered the living room. "Tatawagin ko lang si mama."
At titignan kung nasa kwarto na ba si Lucas.
Pagakyat ko, dumiretso muna ko sa kwarto nya. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang natutulog na sya.
Dumiretso ako sa kwarto ko para magbihis muna. Mabilis lang akong nagpalit ng damit bago lumabas ulit.
"Hi! Are you mom's friend?"
I held my chest when I heard Lucas speak from downstairs.
Oh, God. Please.
BINABASA MO ANG
Loving my Ex
Teen FictionHere's a story na hindi nagumpisa sa strangers to lovers. It's about an ex couple. let's see if a second chance will change their lives. Be Bitter? Or Better? Meet Paris Mae Fajardo and Tristan Marius Tolentino. Ang isa sa mga tangang magEx sa balat...