Cheska's POV
IMPIT akong napatili nang magulat ako sa marahas na pagtulak sa akin ni Jigger. Napasandal tuloy ako sa may lababo. Medyo nasaktan pa ako kasi tumama yung balakang ko sa matigas na gilid nito.
Ang sakit! Pesteng kurimaw 'to!
Napapikit ako nang ilapit n'ya ang kan'yang mukha sa akin, bago itinuon ang magkabila n'yang braso sa aking gilid. "Are you trying to start-up a fight with me? " mahina n'yang sambit sa gilid ng aking mukha.
Bigla tuloy akong kinilabutan sa pagtama ng kan'yang mainit na hininga sa aking balat. Sh*t! Eto na nga ba sinasabi ko. Dapat hindi na ako umimik eh.
"I-ikaw ang nagsimula d'yan.. " sige, Chesk! Imik pa!
"And so? " Aniya. Hindi ako makatingin sa kan'ya nang deretso. Pero kita ko sa itaas na bahagi ng aking mata ang pagngisi ni Jigger.
Nalunok ko ang aking laway. ".. H-hindi ako nata-takot sa'yo. " Oh, great.. halatang-halata sa boses ko ang pagka-nerbyos.
"Really?.. And when did you learned to talk back with me? " napaiktad ako bigla nang bigla n'ya akong kinwelyuhan. Lintek! Wala talaga s'yang sini-sino, maski babae ay pinapatulan n'ya! "The last time I remember, ako ang dahilan nung huli kang umiyak, am I right? "
Sinubukan kong tanggalin ang kan'yang kamay, kaso ang higpit ng hawak n'ya. Kulang na lang ay masakal ako. "B-bitaw! " nagsisimula na akong maiyak.
Bwiset talaga! Pagdating talaga kay Jigger ay ang daling umakyat ng luha ko palabas sa aking mata. Ewan ko ba kung bakit, pero lagi akong ninenerbyos sa tuwing nagkakalapit kami o kausap ko s'ya. Lalo na kapag ganito s'ya umakto. Nakakainis!
Napaka iyakin ko talaga..
"Do you want me to remind you how I make you cry before? "
"B-bitaw! " nangingilid na ang aking mga luha.
Bwiset! Bwiset talaga! S'ya naman kasi ang nagsimula eh! Nananahimik ako rito kanina tapos bigla na lang akong nalagay sa ganitong sitwasyon.
Wala na naman akong magawa sa tuwing inaatake n'ya ako sa ganitong paraan, hindi ako makapalag o maka takbo manlang. Wala akong lakas ng loob na sabayan s'ya.
Siguro ay dahil alam ko na sa sarili ko na wala naman talaga akong kalaban-laban kay Jigger. Bukod kasi sa mas malakas s'ya sa akin, physically.. mas marami rin s'yang maibabatong masasakit na salita sa akin, yung mga salitang nagpapalaho ng lakas ng loob ko para ipagtanggol ang aking sarili mula sa kan'ya.
Patunay na ro'n ang mga dating ginagawa n'ya sa akin.
"Tsk.. " napamulat ako nang alisin n'ya ang pagka-kahawak n'ya sa aking kuwelyo. "You're such a cry baby.. Wala ka nang ginawa ku'ndi ang umiyak lang. Nakakasawa na. " pagkatapos ay tuluyan na s'yang lumayo sa akin.
Saglit muna akong hinagod nang tingin ni Jigger, mula ulo hanggang sa aking mga paa, parang nang-iinsulto na naman ang kan'yang tingin. Hindi pa rin ako maka kilos sa aking kinatatayuan at napatulala na lang sa kan'ya. Hanggang sa tinalikuran na n'ya ako, dinampot n'ya muli yung beer na nakapatong sa dining table at dere-deretsong naglakad paalis.
Doon ko lang napansin na kanina ko pa pala pinipigilan ang aking paghinga. Napabuga ako ng hangin at nanlalambot ang mga tuhod na napaupo sa sahig. Akala ko talaga kanina ay babatuhin n'ya na naman ako nang masasakit na salita, iinsultuhin at pararatangan ng kung ano-anong bagay na hindi naman totoo.
Marahan kong inayos ang aking kwelyo na nagulo sa kan'yang pagkaka-hawak.
Mabuti na lang at hindi nito itinuloy.
Nilingon ko ang cup noodles na nabitawan ko kanina nang itulak ako ni Jigger sa may lababo. Hindi pa ako nakain eh. Malilipasan na naman ako ng gutom kung paiiyakin n'ya ako ngayon. Wala pa naman akong gana kumain kapag masama ang loob ko.
Ayos. Hindi ko alam kung matatawa ako o maasar pa rin sa naisip kong dahilan.
Nanggigigil ko itong dinampot at agad na tumayo. Kaasar! Parang utang na loob ko pa ngayon na hindi n'ya ako pinaiyak! Bwiset talaga ang mamaw na 'yon!
May araw ka rin sa akin, Jigger Ocampo! Sambit ko sa aking isipan habang padabog na inihahanda ang pakuluan ng tubig.
Oo, makaka-ganti rin ako— kapag hindi na ako pinangungunahan ng nerbyos. Hintay lang s'ya!
Jigger's POV
NAPASAPO ako sa aking noo habang pinapanood ang kabaliwang nangyayari ngayon sa loob ng kwarto ni Cheska. Parang gusto ko nang itigil bigla ang aking ginagawa at matulog na lamang.
Pero..
"Ayan! Tanggapin mo 'yan!.. Eto pa! Oh, ayan! " daig pa nito ang nasapian ng masamang epirito at pinanggigigilang suntukin yung hawak n'yang unan, binubugbog n'ya ito nang magaling na para bang may atraso iyon sa kan'ya.
The heck is wrong with her?.. Seriously, she's a freaking crazy women. Hindi ko malaman kung ako ba ang mahihiya sa kan'yang ginagawang kalokohan.
Eto yata ang parusa ko sa panonood sa kan'ya nang palihim, ako ngayon ng sumasambot ng kahihiyan para sa babaeng ito.
"Bwiset kang mamaw ka! Palibhasa alam mong wala akong laban sa'yo! Oh, ayan! Tanggapin mo ang upper cut ko! " anito at parang boksingerang sinuntok yung kaawa-awang unan, tumilapon tuloy iyon sa may paanan ng kama.
P*tangina! Pinigilan ko ang pagtawa at itinakip ang likod ng aking kamao sa aking bibig. Gigil na gigil s'ya ngayon sa akin, kung kelan hindi kami magkaharap. Samantalang para naman s'yang tuta na paiyak na kanina sa kusina. Kung hindi lang talaga ako abala kanina ay papatulan ko talaga s'ya.
Tsk.
Pinindot ko ang 'zoom' button nang pagapang s'yang lumapit sa paanan ng kan'yang kama at dinampot muli ang pinagsusuntok na unan. Mas kita kasi s'ya sa anggulong iyon, doon kasi naka kabit yung hidden camera, sa may paanan.
Napatapik-tapik ako ng aking mga daliri sa unan na pinag-papatungan ng aking loptop. Ngayon naman ay nakatitig s'ya roon na para bang awang-awa s'ya sa ginawang pagbugbog dito kanina.
Maya-maya ay hinaplos-haplos n'ya ito na parang batang pinatatahan. "Ikaw naman kasi eh.. Napaka bad boy mo kasi. Ayan, nasuntok ka tuloy ni mommy! " at nagulat ako nang yumuko s'ya dito para— halikan at yakapin nang mahigpit.
Teka, hanggang ngayon ba ay ini-imagine n'ya pa rin na ako yung unan? Oh, c'mon! She even kissed it!.. And.. And—
Saglit akong nanigas sa aking kinauupuan, at napatitig na lamang sa ngayon ay nagaganap sa monitor ng aking loptop. Damn it! She's—.. She's crazy as f*ck!
Napakagat ako sa aking daliri at saglit na nag-iwas ng tingin. P*ta! Ba't parang apektado ako do'n sa ginawa n'ya sa unan?
Why am I smiling?! Damn it!
To be continued..
![](https://img.wattpad.com/cover/132844391-288-k203461.jpg)
BINABASA MO ANG
May The Best Jerk Win
Genel KurguAyokong makitang masaya si Cheska noon. Hindi ko gustong nakakaramdam ito na may isa pang nagpapahalaga sa kan'ya, bukod sa mga magulang ko. Naging selfish ako at pilit na inilayo ito sa presensya ni Levi. Nagawa ko iyon dahil sa matinding galit. Pe...