Chapter 15

135 12 36
                                    

Cheska's POV

NAKAGAT ko ang aking ibabang labi. Kinakabahan ako bigla. Kanina pa akong nakatayo rito sa labas ng kwarto ni Jigger.

Ano ba naman 'yan, Cheska. Huwag mo sabihing natatakot ka na naman sa kurimaw mong step brother?

Letse! Hindi ako natatakot— medyo kinakabahan lang. Baka kasi hanggang ngayon ay mainit pa rin ang dugo nito sa akin. Ayoko na namang masigawan. Wala pa naman akong bitbit ngayong cellphone, wala s'yang mahahablot sa'kin kapag nagkataon na mapainit ko na naman ang kan'yang ulo.

Napababa ako ng tingin sa hawak kong tray ng pagkain. Ang sabi sa akin ni Jess kanina ay hindi pa raw kumakain si Jigger simula kaninang umaga. Tapos kanina ay hindi ito sumabay sa amin na mag-dinner. Medyo nag-aalala ako dahil ang alam ko ay may sakit ito.

Yeah! Yeah! Maski na binasag n'ya ang cellphone ko at pinaiyak n'ya ako sa takot ay nag-aalala pa rin naman ako. Kapatid ko s'ya—

Step brother ko si Jigger kaya feeling ko ay responsibilidad ko pa rin na alamin kung ayos ang kan'yang kalagayan.

Tama, iyon lang naman ang dahilan kaya ako na'ndito.. w-wala ng iba pa.

Akmang kakatok na ako nang magulat ako sa biglang pagbukas ng pintuan. Bahagya tuloy akong napaatras at malakas na napasinghap. Buti na lang at mahigpit ang kapit ko sa bitbit kong tray.

"What are you doing here? " Ayan na naman ang masungit nitong boses.

Napatingin ako sa labi nitong may sugat. Mukhang hindi pala nagsisinungaling si Jess, napuruhan din ito ng isa kanina.

"Stop staring! "

Napaiktad ako sa bigla nitong pagbulyaw. "H-hindi ka raw kumain simula kaninang umaga sabi ni Jess. " Aniko at inilapit sa kan'yang harapan ang hawak kong tray ng pagkain.

Bumaba naman ang tingin nito roon, bago nakataas ang kilay na bumaling sa akin.

Napalunok ako nang mariin. Sh*t! Bakit ba sobra akong kinakabahan?!

"Yaya ba kita? "

Saglit akong hindi nakasagot. ".. h-hindi. "

"Did I asked you to bring me that? "

"Hi-ndi. "

"Tsk. Stupid. " Aniya at umakmang sasarhan na ulit ang pintuan.

"Wait!— "

Tumigil naman ito. Nakakunot na ang noo nang muling luwagan ang pagkakabukas ng pintuan. "What. "

"Hindi ka ba n-nagugutom? "

"What do you think? " Naghalukipkip ito ng braso. "At kelan ka pa nagkaroon ng concern sa akin? "

Potek! Ang sungit!

"Kung gutom ako, kakain ako nang kusa. Hindi mo ako kailangang hatiran ng pagkain. Ipakain mo na lang 'yan sa sira ulo mong kaibigan. "

"... M-maski kaunti lang, Jigs. "

"No. " Muli itong umakto na isasara ang pintuan.

May The Best Jerk WinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon