Chapter 9

199 15 17
                                        

Cheska's POV

BIGO ako sa naging pagmamatigas ko kagabi na huwag sumama sa lakad ng magaling kong step brother. Kaasar lang! Ano nga naman ba kasing laban ko sa isang Jigger Ocampo? Wala! Kaya heto.. Labag man sa aking kalooban eh wala akong naging choice kun'di ang magpakaladkad papuntang Tagaytay.

Ni hindi ko pa nga alam ang dahilan nang pagsama n'ya rito sa akin. Tinatanong ko s'ya nung una nang ayos pero ayaw n'ya akong sagutin. Lalo tuloy nag-iinit ang dugo ko.

Habang nasa biyahe tuloy kami ay mahigit dalawang oras na magkasalubong ang aking mga kilay at hindi talaga ako umiimik kahit na kinakausap ako ni Jigger. Sobrang sama talaga ng loob ko. Napakarami pa namang nakatambak na trabaho ang ibinigay sa akin ni Sir Hanz para sa buong linggo na 'to. Tiyak na mayayari ako roon kasi absent na naman ako.

Kapag nasesante talaga ako nang wala sa oras, si Jigger talaga ang sisisihin ko nang todo.

Hanggang sa makarating kami sa hotel na pagtutuluyan naman ay hindi ko talaga ito iniimikan. At mukha namang napikon na ito sa hindi ko pa rin pagkibo, natahimik na rin kasi s'ya nang makapasok kami sa loob. Basta n'ya na lang nga inabot sa akin ang susi ng aking kwarto, bago nakasimangot at padabog akong pinagsarhan ng pintuan. Magkatapat lang kasi ang kwarto namin na kinuha n'ya.

S'ya pa talaga ang mas may ganang magdabog sa aming dalawa..

Kabwiset!

Sa inis ko na rin tuloy ay mabilis akong pumasok sa sarili kong kwarto at tatlong beses na badabog ring sinarhan iyon at binuksan nang pabalik-balik. Kala n'ya s'ya lang marunong magdabog hah!

Naku! Kainis talaga!

"CHESKA! "

Muntikan ko nang nahampas sa mukha si Levi nang magulat ako sa biglaan nitong pagsulpot sa pintuan ng aking kwarto. Palabas kasi ako dahil nakaramdam na ako nang gutom at balak kong magliwa-liwaliw para mawala ang sama ng aking loob.

"L-levi. " nakarating na rin pala ito.

"Musta? " ngingiti-ngiti ito sa akin.

Napakunot ako ng noo. "Okay lang naman.. " sinadya kong haluan ng pagkainis ang aking tono. Naiinis pa rin kasi talaga ako eh.

Sumipol naman ito bago nag-ayos ng tayo. "Mukhang hindi mo gusto ang pagsama rito ah. "

".. P-parang gano'n na nga. Bakit ba kasi isinama ako rito ng magaling mong kaibigan? Anong mero'n? "

Natigilan ito bigla at namilog ang mga mata. "Woah.. Don't tell me, hindi pa sinasabi sa'yo ni Jigz kung bakit ka namin isinama rito? "

Lalong nagusumot ang aking mukha sa kan'yang tanong. "A-anong ibig mong sabihin? "

Saglit naman itong tumawa at umiling-iling. "Geez! Seriously?!.. "

"Ano nga kasi?! " nagsisimula na naman akong mainis. Pag-uuntugin ko na silang magkaibigan eh. Parehas silang ang daming arte kapag tinatanong.

"Tsk tsk tsk.. " ngumisi ito nang nakakaloko. "Na'ndito ka para maging modelo namin, Chesk.. Sigurado kang hindi binanggit sa'yo iyon ni Jigz? "

Saglit akong hindi nakaimik. ".. Ano?! "

Pinagkibitan ako nito ng mga balikat. "Yeah.. "

Jigger's POV

May The Best Jerk WinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon