Chapter 20

99 10 18
                                    

Cheska's POV

KINAUMAGAHAN..

"What?! He kissed you?!.. a- "

Dali-dali kong tinakpan ang bibig ni Jess. "Hinaan mo lang boses mo. " Mariin kong sabi at mahina itong hinampas sa braso.


Ikinwento ko kasi rito ang lahat ng nangyari kahapon; simula nung sundan ko si Jigger, hanggang sa pagsundo sa akin ni Levi.. as in lahat-lahat.

At ngayon ay sumisingga na naman ang pagiging OA nito. Kahit kailan talaga ay hindi marunong kumalma.

Tinanggal nito ang aking kamay. "At sa tingin mo mahihinaan ko boses ko sa inamin mo ngayon?! " Nananarak ang mata nito.

"Jess naman. "

".. A-I'm sorry sis, pero patawarin ako ng Diyos. Papatayin ko na talaga ang Jigger na 'yan!.. how dare him! " Anito at umakmang tatayo.

Pero bago pa man ito makalayo, agad ko nang hinagip ang hood ng suot n'yang jacket at buong lakas s'yang hinigit pabalik. Napahiga tuloy ito sa kama.

"Aray hah! Parang ang sakit non! " Matinis nitong sabi at hinimas ang kan'yang ulo.

Tsk.

"H-hey! What are you doing?! " Histerikal nitong sabi nang bigla ko itong sakyan sa kanyang tiyan at daganan.

"Para hindi ka makaalis. " Tinuunan ko rin ang magkabila nitong balikat.

"Excuse me! " Napa aray naman ako nang hampasin nito ang aking hita. "Umalis ka riyan kung ayaw mong lumabas sa kwartong ito ng dalawa!- "

Sinampal ko ito sa pisngi. Sinadya kong lakasan para matigil s'ya sa kanyang pagsigaw.

"Ahahaww! Ang sama mo! "

"'Wag ka kasing magulo. "

"Hindi ako magulo. Ikaw 'tong magulo d'yan.. " parang naiiyak ngayon ito at sapo-sapo ang nasaktang pisngi.

Natigilan naman ako bigla at napayuko.. bago maya-maya ay nanlulumo na muling napatuon sa magkabila n'yang balikat.

".. h-hindi ko alam ang gagawin ko ngayon, Jess. " Malungkot ko itong binalingan ng tingin. Sa totoo lang ay kanina pa akong namomroblema.

Pagkagising ko kaninang umaga ay agad kong naalala yung mga nangyari kahapon. Hindi ako makapaniwalang naganap talaga ang lahat ng iyon. Ang bilis ng mga pangyayari. At parang gusto kong magpakain sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan. Ngayon ko nare-realized na- parang hindi ko kayang harapin ang dalawa ngayon.

Lalo na si Jigger.

"Tss.. so, anong balak mo? " Tinaasan ako ng kilay ni Jess.

"Hindi ko nga alam.. n-natatakot akong lumabas dito. "

Naramdaman kong bigla itong kumapit sa aking magkabilang bisig. ".. Gusto mo bang i-uwi na kita? "

"What do you mean? "

"You want to go home?.. "

May The Best Jerk WinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon