Jigger's POV
"CAN'T you stop that squeaky laugh? " binato ko nang masamang tingin ang kaibigan kong si Levi, na kanina pang namimilipit nang pagtawa sa aking harapan.
Kanina pa akong natutuliling sa kaingayan nito..
Katanghaliang tapat ay bigla-bigla ako nitong binubulabog sa aking studio, dito sa loob ng aking office. At iyon ay para lang tawanan.
"I'm sorry.. " anito habang pinupunasan ang namuong luha sa gilid ng magkabilang mata. "I just can't help it. " pagkatapos ay umayos ito ng upo at seryoso na rin akong binalingan. "..Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala sa katangahan mo, dude. " nagbabadya na naman ang pagtawa nito.
Seriously?
Natigilan ako sa kan'yang sinabi at pabagsak na inilapag ang mga hawak kong folder sa aking table. "What! " naniningkit na ngayon ang aking mga mata sa pagka-asar.
"I said, you're stupid. " walang namang pag-aalinlangan nitong sagot at parang proud na proud pang sumandal sa kan'yang kinauupuan. "C'mon.. Tanga ka kasi hanggang ngayon ay wala ka paring ideya sa mga ipinaglalaban mo!.. Lalo na pagdating sa kadramahan mo tungkol sa kapatid mo. "
".. Hindi ko s'ya kapatid. "
"Yeah, tanga mo talaga! "
"Tsk! " Napatiim bagang na lang ako sa sobrang pagka-inis.
Hindi na naman ito umimik pa at ngingisi-gising umiling. Parang may gusto pa itong sabihin pero minabuti na lamang ang sarilinin at tawanan nang mag-isa.
Nakakapag-sisi talaga na naikwento ko pa rito ang ginawa ko kagabi.
Yeah, he knows everything; yung sama ng loob ko sa aking mga magulang, yung matindi kong galit sa aking step sister. Maging yung iba ko pang katangahan at pinagdadanan. Kaya siguro naging matalik ko itong kaibigan, dahil s'ya lang ang kaisa-isang nakaka-tiis sa lahat ng drama ko at pagdaing sa kung ano-ano, may sense man ito o wala.. Ang kaso nga lang ay madalas ako nitong alaskahin kaya palagi ring umiinit ang ulo ko sa kan'ya.
"By the way.. Kamusta na nga pala yung bago nating project sa Tagaytay? Na-close ba ang deal? "
Inangat ko ito ng tingin bago unti-unting ngumisi. "Yup. That's why I'm too busy right now. " sumandal ako sa aking kinauupuan. "Inaasikaso ko na ang schedule ko para sa pagpunta natin do'n sa saturday. " may prenuptial kasing gaganapin doon. Ikakasal ang isa sa memebers ng isang private club na sinalihan ko last year, at ako ang napili nila na mag-manage.
"Woah! Congrats, pare. Lupet mo talaga. Idinaan mo na naman sa Kindat noh. " tatawa-tawa ito.
Sinamaan ko ito ng tingin. "Lalaki ang bago nating client, si Mr. Villaluz.. Remember, s'ya yung ipinakilala ko sa'yo rati nung twenty fifth Anniversary ng Club. "
"Oh.. Yung bilyunaryong matanda na may fiance na menor de edad? " napasapo ito sa bibig gamit ang kamao para pigilan na naman ang pagtawa.
"Tsk.. " ako naman ngayon ang napailing-iling. "Nasa legal age na yung babae. "
"Yeah, balita ko ay kaka-debut lang no'n last week ah.. Ibang klase noh. " itinaas-taas nito ang kilay at ngumisi nang nakakaloko, bago hinimas-himas ang baba. "I wonder kung kaya pa ba nung matanda kapag nag-honeymoon sila. Parang isang pitik na lamang ay hihimlay na 'yon eh. "
What the—
Saglit ko itong tinitigan nang hindi makapaniwala. "Chismoso. "
Cheska's POV
"Whew! "
Pagkarating ko sa bahay ay agad akong dumeretso sa kusina. Gutom na gutom na ako. Hindi na kasi ako nakapa-lunch kanina dahil sa dami nang tinrabaho ko.
Grabe, nakakapagod ang naging buong maghapon ko ngayon. Pa'no ba naman kasi.. Tinambakan ako ng maraming paper works kanina ni Sir Hanz, absent daw kasi ako kahapon kaya naipon lahat ng gawain ko. Kaasar talaga ang chinoy na 'yon. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng trabaho, ay hindi ako magtitiis sa kan'ya.
Asar kong inilapag ang aking shoulder bag sa dining table. Kung makakahanap lang sana ulit ako nang bagong trabaho. O kung hindi naman.. Gusto ko sanang magkaroon na lamang ng sariling negosyo para hindi na hassle sa oras, pangarap kong sanang magkaroon ng isang coffee shop. Mahilig kasi ako sa mga sweets at hilig ko rin ang pag-b-bake. Kaso hanggang ngayon ay nag-iipon pa ako para makapag patayo no'n.
Hinigit ko ang isang upuan sa may dining table at iniusog palapit sa may cabinet, malapit sa lababo. Hindi ko kasi abot yung nasa taas na cabinet na pinagi-stuck-an ng mga cup noodles, iyon na lang ang kakainin ko.
Kung may sarili siguro akong negosyo ay magiging hawak ko na ang sarili kong oras, hindi na ako malilipasan ng gutom dahil sa masungit at demanding kong boss. Kung tutuusin ay kaya ko na sanang magpatayo no'n kahit kelan ko gustuhin kung hihingi ako ng tulong mismo kila mommy at daddy.
Ang kaso..
Ayoko namang umasa sa inaalok sa aking pondo dati ng aking mga step parents. Bukod kasi sa nahihiya ako, eh mas gusto ko rin na manggagaling sa mismong pinaghirapan ko ang pagpapatayo ng sariling kong coffee shop. Para naman kahit papa'no ay may masasabi akong sariling akin.
Isa pa, ayoko ring may masabi na naman ang magaling kong step brother. Naisip ko kasi na kung tatanggapin ko ang ibinibigay na tulong dati nila mommy, eh lalo lamang titindi ang galit n'ya sa akin, kasi ayaw na ayaw n'ya noon na lagi akong dumadaing sa kan'yang mga magulang. Maski noong bata pa lamang kami, maski pag-iyak ko dahil sa sugat na natamo ko sa pagkaka-dapa, akala mo'y napaka laki na ng kasalanan ko sa kan'ya sa tuwing dinadaluhan na ako nila nommy at daddy para aluin. Grabe lang pala talaga ang tindi ng galit n'ya sa'kin.
"No! I want you to cancel all my schedule for the next coming week. Alam mong may aasikasuhin ako sa Tagaytay, diba?! "
Speaking of the devil.
Gabing-gabi ay sumeserena na naman ang malakas nitong boses sa buong bahay. Kausap n'ya na naman siguro yung assistant n'ya na si Lizel.
Naririnig ko ang mabibigat nitong yabag papasok dito sa kusina. Himala ah, nauna s'ya ngayong makauwi rito sa bahay kaysa sa akin.
"Just do what I've said, Liz! 'Wag mo akong abalahin ngayon at— "
Napatigil ako sa paghahalungkat sa cabinet, naramdaman kong tumigil ito sa may bandang likuran ko, parang natigilan din s'ya bigla nang makita ako.
Gusto ko sana s'yang lingunin kasi ramdam ko na naman ang matatalas n'yang tingin sa akin mula sa likuran. Kaso mas natatakot akong salubungin ang mga mata n'yang nananaksak. Kaya ipinagpatuloy ko na lang ulit ang aking paghahalungkat. Bahala s'ya diyang tumitig. Nagugutom ako at wala akong panahon sa kasungitan n'ya.
"Tsk.. Short legged. " aniya at dere-deretsong naglakad sa may ref, malapit sa aking kinapu-pwestuhan. Kita ko sa gilid ng aking mga mata na kumuha s'ya ro'n ng isang can ng beer.
Dali-dali naman akong bumaba sa upuan matapos kong damputin yung isang cup noodles, bago ko s'ya binato nang masamang tingin. "Tangkad mo eh, noh.. Palibhasa mamaw ka. " aniko sa mababang boses. Pero alam kong narinig n'ya yon. Kita ko kasi na nangunot ang kan'yang noo.
Bahagya akong napaatras nang tuluyan s'yang bumaling sa akin at akmang lalapit. "What did you say? " napalunok ako ng mariin.
Patay.
To be continued..

BINABASA MO ANG
May The Best Jerk Win
General FictionAyokong makitang masaya si Cheska noon. Hindi ko gustong nakakaramdam ito na may isa pang nagpapahalaga sa kan'ya, bukod sa mga magulang ko. Naging selfish ako at pilit na inilayo ito sa presensya ni Levi. Nagawa ko iyon dahil sa matinding galit. Pe...