Cheska's POV
"I still don't know what to react. " Si Jess, animo'y isa itong imbestigador kung makatitig sa akin nang deretso ngayon.
Kababalik lang namin mula sa farm ni Mr. Delmundo at naandito na sa may terrace ng aking kwarto para magpahinga.
Kanina lang ay humiwalay na sa amin sila Jigger at Levi bago umuwi, kaya hindi ko maintindihan kung bakit hanggang pagdating dito sa kan'yang rest house at nakasimangot pa rin ito.
"Bakit? "Tinitigan ko rin ito. Kung makapaningkit kasi ito ng mga mata ay akala mo'y may malaki akong atraso sa kan'ya.
'Wag nito sabihing idadamay n'ya ako sa sama ng loob, dahil lang sa ginawang pagtulak sa kan'ya ni Jigger nung sabay silang sumasakay ng banana boat.
".. paanong sa isang iglap lamang ay naging ayos na kayo ng iyong step brother? "
Ayon, kaya pala. Hindi pa rin pala ito maka-move on doon sa nangyari kahapon.
"Mahigit dalawang dekada ka n'ya noong inaway-away at pinahamak ng makailang beses. Tapos ngayon, isang 'sorry' n'ya lang ay napatawad mo na s'ya kaagad?.. anong klaseng kababalaghan iyon? "
"Jess--- "
"What!.. nagtataka lang talaga ako. " Nakabusangot ang mukha nitong pagputol sa aking sasabihin.
Hindi ako agad nakaimik. Tama naman siya. Napakaraming atraso ang nagawa sa akin noon ni Jigger para patawarin kaagad siya nang ganoon kabilis.
Pero hindi ko rin naman talaga matitiis kung magmamatigas pa ako kung alam ko namang kaya ko agad itong patawarin. Ayoko nang magpaka-plastik sa aking sarili.
"Paano, Chesk? " Pag-uulit ng aking kaibigan.
"Hin-di ko alam. " Tipid ko na lang na sagot at ibinaling ang tingin sa magandang tanawin ng dagat.
Paano nga ba?
Hindi ko na alam kung paano. Kagaya nga nung mga nakaraan, sobrang bilis ulit ng mga naging pangyayari at hindi ko na namalayan kung paano ko napatawad ang aking step brother..
O baka.. hindi naman talaga ako nagalit dito---
Tama. Mahal ko si Jigger kaya hindi naman talaga yata ako nagalit dito nang tuluyan.
Ayan na, talaga inaamin ko na ngayon sa sarili ko at ayoko na talagang magmaang-maangan pa. Mahal ko na s'ya simula pa lang nung una. At kahit kailan ay hindi talaga natabuanan ng matinding galit ang aking puso. Kahit na paulit-ulit n'ya ako noong sinasaktan.
Naging indenial lang ako at nagkukunwaring galit din sa kan'ya upang maisalba ang durog kong pride. Sumama kasi talaga ang loob ko noon sa akalang hindi n'ya ako matatanggap bilang parte ng kan'yang buhay. Masakit kasi iyon sa part ko bilang isang babaeng nawalan ng--- pag-asang mapansin ng taong mahal n'ya.
"And now nasa lovey-dovey stage na kayo?.. " may bahid ng pang-iintriga sa boses na tanong ulit ni Jess. Hindi pa rin ito tapos, at panay na ngayon ang pagtaas ng isang kilay.
"Anong sinasabi mo? " Kinunutan ko s'ya ng noo.
"Well,.. nakita ko lang naman kanina na muntikan ka na naman n'yang tukain habang nandoon kayo sa may view deck. "
![](https://img.wattpad.com/cover/132844391-288-k203461.jpg)
BINABASA MO ANG
May The Best Jerk Win
General FictionAyokong makitang masaya si Cheska noon. Hindi ko gustong nakakaramdam ito na may isa pang nagpapahalaga sa kan'ya, bukod sa mga magulang ko. Naging selfish ako at pilit na inilayo ito sa presensya ni Levi. Nagawa ko iyon dahil sa matinding galit. Pe...