Cheska's POV
"OH my goodness gracious! Cheska?! "
Napamulat ako nang maramdaman ko ang biglang paglubog ng kabilang parte ng kamang kinahihigaan ko. Marahan akong lumingon sa gilid at napasimangot nang bumungad sa akin ang nakangiwing pagmumukha ng aking bestfriend na si Jesthony. Animo'y diring-diri ito sa aking itsura, habang pinupulot-pulot ang nakasabog kong buhok sa aking mukha.
Walang ganang nagbawi na lang ako ng tingin dito. Masama ang pakiramdam ko ngayon at ramdam kong wala akong lakas para sungitan ito pabalik.
"Ang ingay mo. " malat ang boses kong sabi at marahang tumagilid para harapin ito.
"Eww! No!.. 'Wag mo ngang ipakita sa akin ang cleavage mo, darling! " Matinis nitong sabi at muli akong iginulong pahiga ng deretso sa aking kama.
Ugh. Bwiset na bakla..
Masama na nga ang pakiramdam mo, gaganituhin ka pa ng iyong kaibigan, at s'ya pa ang may ganang mag-inarte? Akala mo naman ay hinahalay ko na s'ya sa pagpapakita lang ng cleavage.
"My gee! What happened to you ba?! You looked so pale.. Sinong humigop ng dugo mo?!.. 'Yang demonyito mo bang step brother?!.. " nandidilat ang mga mata nito habang sunod-sunod ang tanong.
Sinamaan ko ito ng tingin. "Ang OA mo."
Eh kung hindi ko lang alam, baka isa rin itong may pagnanasa sa hambog kong step brother, tulad nung iba kong mga ka-officemates na animo'y turumpo ang mga pwitan kapag bumibisita rito sa bahay at nakikita si Jigger. Kunwari lang itong naggagalit-galitan dito.
Ano bang nagustuhan nila sa kampon ng kadiliman na 'yon?
"Eh ano na nga!.. Ano ba kasing nangyari at nilagnat ka nang gan'yan ka-bongga? Tinatanong tuloy ako nung boss nating ipinaglihi kay Mr. Clean. " ang tinutukoy nito ay ang chinoy naming head manager na kahawig nung kalbo, na nasa logo ng isang sikat na sabong panlaba dati. Si Sir Hanz, Paniguradong kasing haba na nanan ng red carpet ang listahan ng mga tanong nito pagbalik ko.
"N-naulanan kasi ako kagabi. " nanghihina kong sabi at maingat na bumangon at sumandal sa headboard ng kama.
Yeah, maski may payong ako nun ay basang-basa pa rin ako. Sampal-sampalin ba naman ako nang malakas na hangin na may halong tubig ulan.
Nanaas bigla ang kilay nito at halata sa ekspresyon ang pagdududa. "Oh, eh akala ko ba susunduin ka ni Jigs?! "
Hindi ako agad nakasagot. Napababa na lang ako ng tingin sa aking mga kamay na nakapatong sa aking hita, bago malungot na bumaling sa kan'ya. "He didn't come. "
Napabuntong hininga si Jess, bago ako muling hinarap. "You know what, naiisip ko bigla.. Parang gusto ka nang patayin n'yang step brother mo eh. "
Kinunutan ko naman s'ya ng noo. "Ano ba 'yang sinasabi mo? H-hindi naman ganoon ka-galit sa akin si Jigger— " pumeke ako ng tawa.
"Ay tologo?! Kaya pala nung last month, muntikan ka nang ibalibag ng nagwawalang kabayo, kasi hindi n'ya raw sinasadyang masundot ng hawak n'yang patpat yung pwitan non! " pinanlakihan ako nito ng mga mata. "Oh, ano.. Baka gusto mo pang idagdag yung last year na gamuntik ka nang malunod dahil din sa kan'ya!.. Tapos yung pagkalaglag mo sa hagdan nung elementary pa tayo at highschool naman s'ya, pero hindi ka naman daw n'ya sinasadyang maitulak!.. Eh yung aksidente raw na nalaglag ka sa kuna nung sanggol ka pa, eh sa taas nong harang, alangan namang ginapang mo 'yon paakyat! Eh s'ya lang naman kasama mo nun! "
Muli akong napayuko. "Tama na.. " pinapaalala na naman nito yung mga nakaraang pilit kong nang kinakalimutan.
"Napaka rami nang aksidente ang nangyayari sa'yo dahil sa kagagawan ng kuya mo! O kung hindi naman, madalas ay involved s'ya! "

BINABASA MO ANG
May The Best Jerk Win
Fiction généraleAyokong makitang masaya si Cheska noon. Hindi ko gustong nakakaramdam ito na may isa pang nagpapahalaga sa kan'ya, bukod sa mga magulang ko. Naging selfish ako at pilit na inilayo ito sa presensya ni Levi. Nagawa ko iyon dahil sa matinding galit. Pe...