Chapter 1

516 30 96
                                        

BWISET ka!

Sisinghot-singhot na sinipa ni Cheska ang nakaharang na lata sa kan'yang dinaraanan.

Wala kang kasing sama! Isa pang sipa..

Dapat sa iyo itinutubog sa kumukulong tubig na may sili!

Hindi n'ya tinitigilan ang kawawang lata hangga't hindi ito tumitilapon sa pinaka malayo. Gusto nga n'ya sanang pitpitin ito sa sobrang pagka-inis, kung hindi lang abala ang kan'yang kamay sa mahigpit na pagkaka-hawak sa maliit n'yang payong. Halos madala na s'ya nito dahil sa malakas na hampas ng hangin na sinabayan pa nang mabibigat na patak ng ulan.

Bwiset!.. Bwiset talaga!

Hindi na n'ya napigilan ang mapaiyak sa labis na sama ng loob.

Paano ba naman kasi. Halos tatlong oras s'yang naghintay sa may waiting shed, kung saan malapit ang pinag-ta-trabahuhan n'yang kompanya. Tatlong oras s'yang umasa sa pangako ng kan'yang tarantadong step brother na susunduin daw s'ya nito mula sa trabaho at sabay silang uuwi sa bahay.

Pero heto s'ya at mag-isang ngumangalngal nang iyak dahil pinaasa na naman s'ya ng kan'yang kuya na magiging mabait na ito sa kan'ya.

Kaunti na lamang at makaka-uwi na rin s'ya sa kanilang bahay. At sisiguraduhin n'yang hinding-hindi s'ya sasabay nang pagkain mamayang hapunan, ayaw n'yang kasabay kumain ang walanghiyang kapatid at ayaw n'yang makita ang nakaka-asar nitong  pagmumukha.

Na-imagine n'ya tuloy bigla ang nakaka-asar nitong ngisi na sinundan pa ng nakakarindi nitong pagtawa. Muli, ay nag-init ang kaniyang dugo at nangigigil na nilapitan ang kanina pa n'yang sinisipa-sipang lata.

Hindi n'ya rin mapigilang mainis sa sarili. Bakit ba kasi hindi na s'ya nadala-dala, na kahit kailan ay hindi magbabago ang pakikitungo sa kan'ya ni Jigger, kahit kailan ay hindi ito magkakaroon ng malasakit sa katulad n'ya na— ampon lamang ng mga magulang nito. Hindi s'ya tanggap ng binata bilang kapatid. Malinaw iyon sa kan'ya, galit ito sa kan'ya at hindi na mababago 'yon kahit na lumuha pa s'ya ng dugo sa harapan nito.

Baka nga pagtawanan pa s'ya ni Jigger kapag ginawa n'ya iyon.

"T*rantado ka talaga! Etong bagay sa'yo! " Aniya at buong lakas na tinadyakan ang ngayo'y yupi-yupi ng lata. Kung nakakapag-salita lamang nga ito, ay kanina pa sana s'yang pinag-mumura nito nang matindi.

Kung si Jigger lang sana ang lata, eh hindi lang sipa ang ibibigay n'ya rito.. Iyon nga lang ay kung kaya n'ya ngang bigwasan ito. Eh maski nga yata dulo ng daliri ng hambog n'yang step brother ay hindi n'ya kayang kurutin.

Tumilapon ang lata hanggang sa kabilang kalsada. Mabuti na lamang at walang dumaraang sasakyan sa mga oras na iyon. Pasalamat na rin s'ya at nasa loob na s'ya ng pribadong kalsada ng subdivision, kung saan sila nakatira.

Hinding-hindi ka na makaka-ulit sa akin, Jigger Ocampo!.. Hinding-hindi na talaga! At itaga mo 'yan sa magaspang mong pagmumukha na may tuldok-tuldok! Ani Cheska sa kan'yang isipan na ang tinutukoy ay ang tatlong taling ng step brother n'ya sa mukha.

"OOPS!.. Did I missed something?! "

Matinding irap ang iginanti ni Cheska nang bumungad sa kan'ya ang kunwari'y nag-aalalang ekpresyon ni Jigger. Kasalukuyang bumababa ito ng hagdanan nang dumating s'ya.

May The Best Jerk WinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon