Cheska's POV
HINDI ko alam kung anong nangyayari, pero napapansin ko kahapon pa.. Parang may mali.
"Manang Delia, pakideretso na ng mga gamit ko sa kotse, please. " si Jigger na abala sa pagdampot ng kan'yang americana, sa ibabaw ng round tabel na nasa harapan ko.. Saglit s'yang napasulyap sa akin, pagkatapos ay parang pasong-paso na nag-iwas agad nang tingin at naglakad papasok ng kusina.
.. O mas tamang sabihin na, parang ang wirdo ng ikinikilos nito ngayon.
Napalingon ulit ako dito nang lumabas ito sa kusina at dere-deretso lang akong nilagpasan sa may living room, habang may tangan-tangang toasted bread sa kan'yang bibig. Ni hindi n'ya nga ako sinusulyapan, para bang— sinasadya n'yang huwag akong lingunin.
Hindi naman sa assuming ako.. Pero parang iniiwasan talaga ako ni Jigger!
Naninibago kasi ako kahapon pa dahil hindi ako sanay nang hindi n'ya ako sinusungitan sa umaga o pinupuna sa kung ano-anong bagay. Gano'n kasi ito sa akin araw-araw.
Kanina nga, akala ko ay bubulyawan ako ni Jigger nang matinding sermon nang aksidente kong maitapon yung coffee creamer, habang nag-aagahan. Pero hindi! Saglit n'ya lang akong sinulyapan gaya kanina, bago agad na nag-iwas ng tingin at nagtuloy-tuloy sa pagnguya.
Kunot noo ko itong sinundan pa nang tingin hanggang sa makalabas ito sa main door ng bahay.. Nakakapag-taka talaga. Iniisip ko tuloy kung may ginawa ba akong kung ano na naging dahilan kung bakit parang iwas na iwas s'ya sa akin ngayon.
Isa pa sa ikina-tataka ko, eh kung saan ito pupunta ngayon? Ang alam ko ay sarado ang photo studio ni Jigz tuwing weekends.
Linggo na linggo ay nasa galaan s'ya.
Jigger's POV
"WHAT'S up. " iyon ang bungad sa akin ni Levi nang makapasok ako sa main door ng kan'yang bahay. Mukhang kanina pa nito inaabangan ang pagdating ko at kuntodo pa sa pag ngisi nang maabutan ko s'yang nakasalampak sa mahabang sofa ng living room.
"What is this? " hindi ko pinansin ang kan'yang pagbati at padabog na inihagis sa kan'ya ang isang folder na naglalaman ng mga print outs na listahan ng mga perpective models na isasama namin sa Tagaytay.
Pagkatapos kasi ng prenup shoot para sa kasal ni Mr. Villaluz, ay deretso naman kami kaagad sa isa pang photo shoot, para sa isang bagong cover magazine na i-r-release ng isa pa naming kliyente next, next month. At tutal nasa Tagaytay na rin lang kami no'n, at naisip namin na perfect place ang Tagaytay para sa isang nature theme photo shoots, iyon na lang ang pinili rin naming lugar na pag-gaganapan.
"Man!.. " tatawa-tawa ako nitong binalingan bago muling nagbalik ng tingin sa folder na nasa tabihan n'ya. "Babatukan ko ang sarili ko kung sasabihin kong 'folder' 'yan, tapos nagbago na pala ang tawag— "
"Ako ang babatok sa'yo kapag hindi mo sinagot nang ayos ang tanong ko. "
"Woah! " itinaas nito ang dalawang kamay. "Chill ka lang. Agang-aga eh. " anito at ipinatong ang dalawang braso sa mahabang sandalan ng sofa.
Saglit akong napabaling sa gilid at marahas na inihilamos ang isa kong kamay sa aking mukha, para pigilan ang aking sarili na huwag pilipitin ang leeg ng tukmol na 'to. Kanina pang umaga mainit ang ulo ko dahil sa gimawa n'ya.
"Why did you put her on the list? " binalingan ko ulit ito.
"Sino? " nagmamang-maangan ang loko. Alam ko naman na alam n'ya kung sino ang tinutukoy ko eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/132844391-288-k203461.jpg)
BINABASA MO ANG
May The Best Jerk Win
Aktuelle LiteraturAyokong makitang masaya si Cheska noon. Hindi ko gustong nakakaramdam ito na may isa pang nagpapahalaga sa kan'ya, bukod sa mga magulang ko. Naging selfish ako at pilit na inilayo ito sa presensya ni Levi. Nagawa ko iyon dahil sa matinding galit. Pe...