Chapter 25

99 8 16
                                    

Cheska's POV

ANG bilis ng mga naging pangyayari kahapon. Kamakaylan lang ay galit na galit ako sa aking step brother at gustong-gusto ko itong iwasan, kaya nagpatulong ako kay Jess na lumayo at magtago.

Pero ngayon..

"Chesk?.. "

Napalingon ako sa may pintuan ng kusina. Nakita ko ro'n si Jigger na nakasilip.

Maya-maya ay naglakad ito palapit at tumigil sa aking tapat.

Kagabi ay dito na ito natulog. Mabuti na lang pala at hindi pa makakabalik dito si Jess. Tumawag pa ito kagabi, matapos kong ihatid si Jigger sa guest room. Inaasikaso n'ya pa raw yung mga naiwan na trabaho sa office. Siguro ay ito ngayon ang sumasalo sa biglaan kong pagre-resign.

Nagi-guilty tuloy ako. Lalo na ngayon na hindi naman pala umubra yung ginawa kong paglayo. Siguradong maghi-histerikal ang aking kaibigan kapag nalaman n'yang naandito na mismo si Jigger sa kan'yang rest house, kasama ko.

Agad akong nagbaling sa piniprito kong bacon. "G-gutom ka na? "

Hindi ito umimik. Ramdam kong nakatayo lang s'ya sa aking likuran. Nakatitig yata ito sa aking niluluto--- o sa akin. I don't know. I'm feeling so conscious right now?

His presence is making me uncomfortable, really.

Naipit ko ang aking mga labi. Paniguradong hulas na hulas na ito ngayon mula sa pagkalasing. Nasa wisyo na ulit ang kan'yang isipan, natitiyak kong limot na nito yung mga nasabi n'ya--- at yung sinabi ko kagabi.

"Umupo ka na d'yan. Patapos na ako. " That's right, Chesk. Balik na ulit sa dati. Kailangan ko na ulit umakto nang normal.

Hindi ulit ito umimik. Nagsisimula na tuloy akong makaramdam nang pagka-ilang. Bakit ba nakatayo lang s'ya sa aking likuran at hindi kumikibo?

".. Jigger. " Hindi ko pa rin ito magawang lingunin. "Umupo ka na ro'n--- "

"Are you still mad at me? "

Natigilan ako sa paglilipat ng bacon sa serving plate. ".. hin-di. "

Muli itong natahimik. Naiinis na tuloy ako. Ano bang ginagawa n'ya? Balak ba n'yang tumayo sa aking likuran buong maghapon?

".. good. " Saka lang ito naglakad papunta sa may dining table at naupo ro'n.

Okay?.. And what's that supposed to mean?

Hanggang sa pagkain ng breakfast ay hindi na ulit kami nag-imikan pa. Puro kalansing lang ng kutsara't tinidor ang naririnig na ingay sa pagitan namin, sobrang awkward.

Ano ba naman ito, malala pa yata 'to kaysa roon sa bago pa man nangyari yung kagabi. Mas naiilang ako sa biglaang pagbabago ni Jigger. Hindi na s'ya umiimik o nagsusungit, para s'yang maamong tupa ngayon.

Hindi ba dapat ay balik na s'ya sa dati? Hindi na s'ya lasing, bakit kailangan pa rin n'yang umakto ng ganito?


What's with him right now? Pakiramdam ko ay mas naging komplikado ang mga bagay-bagay sa pagitan namin ngayon. Lalo lang nadadagdagan ang mga tanong sa aking isipan ngayon.

Napatigil ako sa binabasa kong magazine at inangat ng tingin ang aking step brother. Nakaupo ito sa katabing sofa na aking kinapupwestuhan at nanonood ng TV.

May The Best Jerk WinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon