MIKAEL'S POV
Mabilis akong nagalalakad papasok ng school dahil malelate na ako sa isa ko pang subject dumaan pa kasi ako sa library para ihatid ang isang librong nakita kong naiwan sa bench. Andami na kasing makakalimutin ngayon dahil din siguro sa dumadami na rin ang nagsisilabasan na brand ng kape. Mabilis ang mga hakbang kong pumasok sa loob ng kuwartoat dali-dali akong umupo sa upuan na nakatalaga sa akin laking pasalamat ko dahil late na nga ako ng five minutes pero wala parin ang teacher namin baka siguro may dinaanan pa si ma'am. Umayos ako sa pagkakaupo ko ng maaninag ko si ma'am na paparating at ang subject namin ngayon ay Humanities. Pumasok na si ma'am sa loob ng room at agad bumati ang mga kaklase ko Kay ma'am Cepida.
"Good morning class. I have so many things to do right now that's why magbibigay na muna ako sa inyo ng assignments. Malapit na Kasi ang exam kaya naghahanda na ako. So dapat magpasa kayo ng drawing niyo dahil hindi ko kayo kaklasehan ngayon. Kahit ano, abstract, realism, expressionism....basta kayo na ang bahala sa kong ano ang gusto niyo ang mahalaga makapagpasa kayo. Hindi ibig sabihin na kahit ako ay papasahan niyo ako ng pangbatang drawing at higit sa lahat ayokong pasahan niyo ako na animo'y bata ang nagdrawing. Gandahan niyo naman kahit papano." wika ni ma'am sa amin saka nagpaalam.
"Yes, ma'am." magkasabay na pahabol na bigkas ng mga classmates ko kay ma'am. At pagkaalis na pagkaalis ng guro namin ay nagsisigawan na at nagtatalon sa tuwa ang mga classmates ko dahil wala na naman kaming klase. The best day everday ang walang klase. Tatayo na sana ako ng bigla nalang akong tinawag ng isa kong kaklase.
"Mike ano ang ido-drawing mo?"tanong nito sa akin habang diretsong nakatingin sa akin.
"Hindi ko pa alam e. Bahala na pag-isipan ko nalang yan bukas tutal Friday naman ngayon." nag-aalangan kong sagot dito.
"Ah, ganon ba. Ako nga din e. "wika nitong kumakamot sa mismong ulo nito.
"Sige aalis na ako." paalam ko kay Jenzer at tumango lang ito.
Nagmamadali akong naglalakad papunta sa Student Council Office ng may nabangga akong tao.
"Aray." galit na sigaw nito sa akin habang tsenicheck ang sarili nito kong may sugat ba ito at ng wala itong mahanap tumingin ito sa direksiyon ko na galit. Yon nga ang pinagtataka ko kung bakit ba nito ini-examine ang sarili nito e aminado naman akong hindi ito masusugatan sa kapal ba naman ng pantanlon nita na maluwag pa sa kanya sigurado hindi ito matatablan at hindi naman siya nadapa a..napaupo lang siya sa sahig ay grabe. wika niya sa sarili.
"Ba't ba ang tanga mo?" nakairap nitong wika sa akin habang ang mga mata'y nanlilisik.
"Sorry miss nagmamadali kasi ako e." mahinahon kong wika sa babae at ng akmang tutulungan ko siya sa pagtayo ay tinabig niya ng malakas ang aking kamay palayo sabay wika.
"Don't you dare to touch me or you'll die." seryoso at matalim ang tingin nitong wika sa akin. Napatigil ako dahil sa sinabi niya sa akin at napapatitig dito.
"May ganon ba? May tao bang pumapatay pagnahahawakan? kunot ang noong tanong ko sa isip habang sinusundan ng tingin ang babae papalayo.
_________
It's Monday morning kaya nakakastress dahil pasukan na naman at hustle pa sa traffic. Nasa harap na namin ngayon ang aming guro sa Filipino, actually siya ang first subject namin pagMonday nang bigla itong nag-announce na may bago silang kaklase lahat sila ay nagulat dahil sino ba naman ang magaling na estudyante na magtransfer sa isa pang paaralan kung sa susunod na linggo ay midterm exam na. Paano pa ito makakahabol mabuti sana kong matalino. Ang galing diba!
"Seriously ma'am? hindi makapaniwalang tanong ng tsismosa niyang kaklase. Talaga namang tsismosa ito a. Pinagkakalat kasi nito ang buhay ng isa pa naming kaklase na animoy kilala niya ito ng lubusan e hindi naman. Hindi siya pinansin ng kanilang guro bagkus tinawag na nito ang transferee.
"Binibining Dela Cruz maaari bang pumunta ka dito sa harapan at nang maipakilala mo ang iyong sarili sa iyong mga bagong kaklase." nakangiting turan nito sa babae na ngayon ay tinititigan ng lahat. Napatutok ang kanyang mga mata sa babaeng bigla nalang tumayo at naglakad paharap. Siya yong babaeng nabangga ko nong biyernes ng hapon hindi ako pwedeng nagkamali dahil hindi ko makakalimutan ang pagmumukha nito.
"Hi. My name is Kaden." matipid na pakilala nito sa sarili. Akmang aalis na ito sa kinakatayuan ng biglang nagsalita ang aming guro.
"Binibining Dela Cruz maaari mo bang ipakilala ang iyong sa sarili sa lenggwahe natin at sana pwede mong haba-habaan ang iyong pagpakilala para naman makilala ka nila." mahinahon wika ulit ni ma'am sa bago naming classmate.
"I'm sorry ma'am but I'm busy to do that. My last name is enough at least they know my last name." mabilis na sagot nito.
Napailing nalang ang aming guro dahil sa sagot ng transferee Kay maam. . Pati siya hindi makapaniwala sa sinagot nito sa kanilang guro pati ang mga kaklase niya ay Napa"Ow" dahil sa sagot nito. Iba.
"Pagpasensiyahan niyo na si Binibining Kaden Dela Cruz class nahihiya lang siya sa inyo kaya ganon." wika ni ma'am sa amin sabay ngiti kay Kaden. Nakita kong pinandilatan ng Kaden ang guro naming si Binibining Bautista kaya tumahimik nalang din ito at hindi na nag-react pa.
"Makakaupo kana Kaden. wika ulit ng guro namin sa babae. At yon nalang siguro ang sinabi ng guro namin dahil naglakad na ito pabalik sa upuan na nasa pinakalikod. Napailing nalang siya.."mukhang masakit sa ulo ang isang to a. sa isip ko. At si ma'am naman ay nagsimula ng magbuklat ng kanyang libro. After two hours natapos din ang klase. At last lunch time na. Nagsitayuan na sila sa kani kanilang upuan at ang iba ay nag-uunahan na sa pinto ng may narinig akong lagabog sa may pintuan. Nang tinignan ko ito ay nakita ko ang classmate kong lalaki na hawak-hawak ang duguang ilong nito habang galit na galit na nakatingin sa transferee.
"Sabi ko na nga ba't sakit sa ulo ang babaeng to." mahinang wika ko at lumapit na sa mga ito at ng makita kong susuntukin sana ng lalaki kong kaklase ang transferee ay nakaramdam ako ng takot ngunit nakailag ito at tumama sa pinto ang kamao nito. Napahiyaw ito sa sakit at humagolgol ng iyak. Baka nga nabali ang kamay nito sa lakas ng pagkasuntok nito sa pinto.
"Don't you dare to touch me or you'll die." matalim nitong wika at lumabas na.
'Dito naman tayo sa linya niyang yanano ba kong matouch siya ang arte. She's the difinition of a thug. A Gangster."
_________
Hehe. Sorry sa mga error guys. Sorry. Sana maenjoy niyo ang pagbabasa nitong kwento kong to. Sana maisipan niyo ding i-follow ako. SALAMAT and God bless po :)
![](https://img.wattpad.com/cover/134356114-288-k652285.jpg)
BINABASA MO ANG
She is My Opposite Dream Girl (✓)
RomanceWhat if one day you find your opposite dream are you willing to risk?? Si Mikael Willan ay isang gwapo at sikat sa kanilang school na sila lang naman ang tagapagmana. Mikael si the certified na mabait, masunurin at mapagmahal na anak ayaw niya kasin...