7

29 2 0
                                    


MIKAEL'S POV (7)

Nasa kalahating gising ako ng naramdaman kong may yumakap sa akin. Naramdaman kon ang paa niyang lumingkis sa mga paa ko. Wala naman akong kasama dito...nanaginip ba ako? Gusto niyang gumalaw pero hindi niya maigalaw ang sarili at nagtataka siya kung bakit. Binabangungot ba ako? Aniyang pilit iminulat ang mga mata. Halos hindi niya ito maimulat dahil sa sobrang pagod ang katawan niya. Ramdam niya ang bigat na parang nakapatong sa kanya. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata ngunit bigla nalang siyang may narinig na mahinang ungol at may mukhang sumiksik sa kanyang leeg. Ramdam pa niya ang hangin na nagmumula dito..napahumindig siya ng iminulat niya ang kanyang mga mata. Kitang-kita niya si Kaden na nakayakap sa kanya at nakalingkis ang isang paa sa kanya. Mabilis siyang tumayo at kitang-kita niya ang pagkahulog ng kalahating katawan ni Kaden sa sahig at narinig niya ang malutong na mga mura nito.

"Shit! Shit. mura nito habang hawak-hawak ang beywang nabalian yata ito ng beywang dahil sa ginawa niya.

"Gago ka talaga! Hindi ka ba marunong manggising ng tao? galit na galit nitong wika sa kanya at ang talim ng mga titig nito.

"Kasalanan ko ba yon? Ikaw tong nanggugulat sa pagkakaalam ko sa sofa ka natutulog. Bakit ka tumabi sa akin?! Nagulat talaga siya ng makitang katabi na niya ito at ginawang unan. Grabe! Kapalan ng mukha. Kababaeng tao tumatabi sa lalaki. Hindi ba niya alam kung ano ang magiging reaksiyon sa makakakita sa kanila. Ay grabe..wala na talaga itong pakialam sa iba.

"E ano naman kung tumabi ako sayo? Ha? E sa malamig doon at wala kumot at unan. Hindi mo ako binigyan. nakapameywang nitong wika sa kanya. Napakamot siya sa kanyang ulo. Hehe.

"Oo nga no. Hehe. Sorry. aniyang napakamot sa ulo.

"At huwag kang assuming diyan. Hindi kita nirape. si Kaden. Napatanga siya sa sinabi ni Kaden sa kanya. Namula siya. Namula siya. Ay putek talagang babaeng to.

__________

Pagkatapos namin sa magbangayan kanina sa kuwarto ko ngayon nagbabangayan naman kami sa kusina.

"Akin yan Kaden. pikon niyang wika habang pilit inaagaw dito ang sandwich na ginawa niya. Apat na pirasong sandwich ang ginawa tig dadalawa sa kanila at habang gumagawa siya kumakain na ito ngunit di niya lubos maisip na maubos kaagad nito ang tatlo. Ngayon isa nalang ang natira at yon ang pilit niyang inaagaw mula sa kamay nito.

"Akin to, gumawa kana lang ulit. ani nitong pilit inilalayo sa kanya ang sandwich.

"Akin yan. aniyang pilit inaabot dito at humantong sila sa sahig sa kakaagaw dito. Na-out of balance sa kakalayo nito ng sandwich sa kanya at ngayon lumanding siya sa ibabaw nito. Bigla naman niyang naramdaman ang malakas na pagtibok ng kanyang puso.

"Dug, dug, dug, dug! Ang sabi ng puso niya. Halos maririnig na niya parang naghahabulan na kabayo sa loob ng dibdib niya. Napahawak siya sa kanyang puso at tumingin sa mukha ni Kaden na ngayon ay Nagsisimula ng kainin ang sandwich na nasa kamay nito. Nawala sa isip niya ang sandwich dahil sa malakasna pagtibok ng kanyang puso. Napatingin siya sa kanyang kamay na nasa kanyang dibdib at muling tumingin Kay Kaden..nagtataka siya kung bakit nangyayari ang ganito sa kanya. Wala sa isip niyang ipinatong niya ang kanyang kamay sa dibdib ni Kaden. Nagtaka siya kung bakit hindi sila pareho ni Kaden ng pagtibok...ba--hindi na niya natapos ang kanyang iba pang iniisip ng bigla nalang may tumamang kamao sa mukha niya.

"Arayyy! Malakas niyang sigaw habang hawak-hawak ang kaliwang mata na tinamaan ng kamao ni Kaden. Itinulak siya niyo na nagpasakit sa kanyang likod.

"Kaden naman e. reklamo niyang mangiyak-ngiyak na. Tumayo ito at nilamon ang huling kagat ng sandwich na nasa kamay nito bago nagsalita.

"Gago kaba! Sino bang babae ang matutuwa sa ginawa mo...hindi mo ba alam na ang boobs ko ay malapit sa dibdib ko! bulyaw nito sa kanya.

He hisses. "Gago ka talaga Mikael...nagiging bobo ka na naman. he murmured. Tumayo siya at tumingin Kay Kaden na humihingi ng paumanhin. Ngunit bigla nalang bumalik sa isip niya ang sandwich.

"Bakit mo inubos? Sa akin yon dapat! galit niyang niyuyugyog ito. "Ibalik mo yon.  Sakin na yon e. aniya.

"Itigil mo yan Mikael kung ayaw mong mabalian. may pagbabantang wika nito sa kanya ngunit binaliwala niya lang ito hindi papayagan na lagi nalang siyang natatalo dito.

"Mikael! sigaw nito sa kanya na animoy last warning na...at sa muli, baliwala ito sa kanya.

"Mikael! Gusto bang marape?

Pasensiya na po sa mga error. Pakipasensiyahan niyo nalang po. SALAMAT. :)

She is My Opposite Dream Girl (✓) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon