31

15 1 0
                                    


         After Two months

Nakaupo ako ngayon sa upuan habang nakatali ang aking mga kamay sa likuran habang nakaharap sa malaking salamin at napapalibutan ng tatlong bakla na abala sa pagme-make up sa akin ang dalawa habang yong isa naman ay nag-aayos ng aking mahaba and natural black straight hair. Ang walang hiyang bakla pinapaliguan ako ng hair spray habang may inaayos naman ng isa ang buhok kong tinirentas niya at ginawang parang halo sa ibabaw ng ulo ko.

"Isa pang spray at tatama na sayo ang paa ko." galit kong wika ng nagspray ang walang hiyang bakla na nasa harapan ko ni hindi man lang niya ako winarning-an na magspray siya kaya heto ako ngayon parang isdang umiiyak sa hangin.

'Ang mga putang ina nila.'

"Sorry po madame." hinging paumanhin ng baklang  nagspray sa akin pati sa mata.

"Tawagin mo ulit akong Madame at itarak ko sa iyong adams apple ang hair spray mo mabuti sana kong mamahalin yan hindi naman." pairap kong wika sa kanya.

"Huwag ka Madame in-order ko pa ito sa kaibigan sa America." may pagmamayabang na sagot nito.

"True madame wala kaming fake na gamit. sang-ayon naman ng isa pang bakla.

"Kami yata ang pinakasikat na beautician sa buong Pilipinas madame." anang isa pa.

"Pakialam ko kong kayo ang pinakasikat basta huwag niyo lang akong bulagin sa araw ng kasal ko! galit na sigaw ko sa kanila na. Oo, araw ngayon ng kasal namin ni Mikael at sa araw ding ito nalaman ko na buntis ako. True. I am 4 weeks pregnant ng umalis kasi si Mikael at bumalik nong may party sa school sa gabi ding iyon nagsimula na kaming gumawa ng kuko ng bata. Kaya ngayon heart pa lang ang nabuo dahil mamayang gabi isunod namin ang ulo at paa. Hehe.

"Tapos na ba?" naiinis kong tanong habang ang baklang nagmemake up sa akin ay lagay ng last stroke sa aking mata..na ano daw yon? Mascarra? Eye liner? Whatever. Basta color black na liquid siya. Pinapikit pa ako ng dalawang oras. Tsk. Note the sarcasm.

"Isang kulot nalang dito sa likod madame." anang isa pa.

"What? Kinulot mo ang buhok ko! sigaw ko sa kanya sabay lingon dito. At sa paglingon ko sa kanya tumama ang nanunulis kong bibig sa basang sponge.

"What the hell! sigaw ko sa baklang may hawak ng sponge.

"Sorry madame hindi ko alam na lilingon ka."

"At hindi ko rin alam na kukulot siya! Mga walang hiya kayo baka gusto niyong hindi babayaran."

"Wala namang ganyanan madame." magkasabay na wika nilang tatlo.

"Sana naisip niyo yan bago niyo ako ayusan. Alam niyo namang first time kong magpamake-up at ngayon nangangati na ang mukha ko." Kanina ko pa gustong kamutin ang nangangati kong mukha dahil sa kapal ng make up na ina-apply nila sa akin pasalamat lang sila't nakatali ang mga kamay ko kong hindi kanina pa sila ulit ng ulit.
"Sorry madame sumusunod lang ako sa utos sa amin."

"Pwes, bilisan niyo diyan at baka mapatay ko kayo."

"Opo, madame."

"How many time do I have to tell you, don't call me madame. I am only 20 years old! malakas kong sigaw at tumayo sa upuan ng mabilis wala akong pakialam kahit hindi pa tapos ang aking make up.

"Elia! Malakas kong tawag sa mommy ni Mikael.

Elia! tawag kong ulit sa kanya dahil hindi siya dumating sa una kong tawag. Tatawagin ko ulit sana siya ng bigla nalang siya pumasok sa loob.

"What happened? nag-alalang tanong nito sa akin.

"Paalisin mo na sila. wika ko sa kanya sabay turo sa tatlong taong nagmurder ng buhok at mukha ko.

She is My Opposite Dream Girl (✓) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon