MIKAEL'S POV
Pagkatapos naming mag-away kanina ni Kaden ay ditch ako ng klase, this is the first time I ditch. Sumakay na ako ng kotse ko at pinaharurot ito palayo. Nong papaliko na siya sa isang intersection nang bigla nalang may humarang sa kotse na kulay itim na van nakaramdam siya ng takot nang nagsibabaan ang apat na lalaki mula sa nakaharang na van. Mabilis niyang inilock ang pinto ng kotse niya at hindi niya ito bubuksan kahit ano pa ang mangyari. Ngunit laking gulat nalang niya ng bigla itong hampasin ng tubo ng isang lalaki tumalsik pa ang ibang bubog sa kanya.
"Bumaba ka diyan! pasigaw na utos nito sa kanya ngunit hindi pa rin gumalaw sa kinauupuan niya natatakot na talaga. Sobra.
"Lumabas ka diyan o babasagin ko pati bungo mo. muling sigaw nito sa kanya. Akmang hahampasin ulit nito ng tubo ang kotse niya ng bigla niyang binuksan ang pinto dahilan para mapatumba ang isa nitong kasamahan. Pagkalabas na pagkalabas niya agad naman siyang sinuntok ng lalaking natamaan ng pinto ng kotse niya talaga namang sinadya niya. "Ugh. napahawak siya sa kanyang mukhang sinuntok ng walang hiyang lalaki. Nasa ganon siyang ayos ng bigla siyang hilahin ng lalaki palapit sa van nito ngunit pilit siyang nagpupumiglas sa mga ito ngunit bigla siyang sinuntok sa tiyan dahilan para manghina ang kanyang katawan. Hila-hila siya ng mga ito ng bigla nalang may humintong motorsiklo agad namang bumaba ito sa motorsiklo niya at hinarap ang mga kalalakihan. Hindi niya makita ang mukha nito dahil sa hindi nito tinanggal ang itim nitong helmet. Itim na motorsiklo plus itim na helmet plus itim na outfit...howaa! Gangster. wika niya sa isip.
"Umalis kana kung gusto mo pang mabuhay. malakas na wika ng lalaking may hawak na tubo.
"Chupi. anang isa pa. Ngunit hindi ito natinag sa kinatatayuan nito bagkus lumapit pa ito sa kanila.
"Umalis kana. Maawa ka sa sarili mo. natatakot Kong wika sa kanya ngunit tinignan niya lang ako mabilis at muling humarap sa apat na lalaki.
"Sa gusto kong mag-ensayo ngayon e. wika nitong nag-iinat pa ng buto. "Wee..babae siya? mahinang usal niya. "babae siya anong laban niya sa mga malalaking taong ito.
"Miss please umalis kana. nagmamakaawa niyang wika ngunit hindi ito nakinig sa kanya bagkus umataki ito sa mga kalalakihan. Mabilis siyang makipaglaban mukhang sabay na sanay. Nakita niyang magkasabay na bumagsak ang dalawang lalaki sa harapan niya ngayon kaharap na nito ang lalaking may dalang tubo. Bigla nitong hinampas ang babae ng tubo ngunit nakailag ito at nang makabawi ito ay mabilis nitong nahawakan ang tubo at sa isang iglap lang nasa likod na siya ng lalaki at hawak-hawak ang kamay nito sa likod. Nakita niyang iniangat ng babae ang Siko nito at tumama sa ulo ng lalaki na nagpatumba dito. Ngayon isa nalang ang kaharap nito ngunit biglang bumukas ang pinto sa driver seat at lumabas ang isang lalaki na may hawak na baril. Napatulala siya ng tinutok nito ang hawak na baril sa tagapaligtas niya. Natatakot siya hindi lang para sa kanya kundi doon sa babae. Mabilis siyang tumayo at sinuntok ang lalaking nasa malapit lang niya ng biglang itinutok ng lalaki ang baril sa kanya. Napahinto diya at napatingin sa hawak na baril nito ngunit bigla nalang itong tumalsik sa malayo ng sinipa ito ng tagapagligtas niya. Mabilis na galaw ang ginawa niya at pinagsusuntok ito habang ang tagapaligtas niya ay nakipaglaban sa isa pang lalaking may hawak na kutsilyo. Ngunit bago pa makabalik ang paningin niya sa lalaking kaharap ay isang suntok ang tumama sa kanya. Dahil sa galit kinuha niya ang tubo at hinampas ito ng malakas para mapatumba ito. Samantalang ang babae ay busy sa pagpoposas sa mga lalaki. Nagtaka siya kung saan nito nakuha ang posas. Tumingin ito sa kanya at tinanggal nito ang helmet. Nanlaki ang mga matang nakatingin sa nagligtas sa kanya.
"Kaden? bulalas niya. Nagsmirk lang ito sa kanya.
"Muntanga. Tumawag kana ng Pulis. galit nitong wika sa kanya.
"Narinig ko yon ha. sigaw niya dito. Hindi ako tanga. aniyang naglakad pabalik sa kotse niya para kunin ang cellphone at ng makatawag na ng pulis.
Mamaya bigla siya nitong hinatak at pinakahawakan sa kanya ang mga posas ni pinosas nito sa mga lalaki. Nagtatakang nagtatanong siyang tumingin Kay Kaden at nagsmirk lang ito sa kanya.
"Sabihin mo sa mga pulis ikaw ang nagpatumba sa kanila wag mo akong idamay sa gulo ng buhay mo. Ayokong maging witness at makita ng mga pulis. Tinignan pa siya ng may pagbabanta. "Kung gusto mo pang mabuhay matuto kang manahimik. "If you tell them I will burn out your school. wika nitong tinalikuran na siya at lumapit sa kanyang nakaparadang motorsiklo at mabilis nitong ini-start.
"Thank you, Kaden.
BINABASA MO ANG
She is My Opposite Dream Girl (✓)
RomanceWhat if one day you find your opposite dream are you willing to risk?? Si Mikael Willan ay isang gwapo at sikat sa kanilang school na sila lang naman ang tagapagmana. Mikael si the certified na mabait, masunurin at mapagmahal na anak ayaw niya kasin...