8

22 1 0
                                    

   KADEN'S POV (8)

"Bilisan mo nga diyan Mikael maliligo pa ako! Malakas niyang sigaw mula sa labas ng banyo. Nauna kasing pumasok si Mikael para maligo pero nakakalahating oras na hindi pa ito lumalabas.

"Ano kaya ang ginagawa nito sa loob? Grabe, para siyang babae Kong maligo. pabulong-bulong niyang wika habang pumapadyak pabalik sa kama.

"Bilisan mo diyan Mikael! sigaw niya ulit habang pinagbabato ng unan ang pinto. Ngunit wala paring Mikael na lumabas. Galit na nagpagulong-gulong siya sa ibabaw ng kama.

"Paghindi kapa lumabas diyan sisirain ko ang pinto. nagbabanta niyang sigaw dito habang ibinato ang nag-iisang unan na natira sa kama. Bago pa man ito nahulog sa sahig ay lumanding muna ito sa pagmumukha ni Mikael. Napangiti siya ng bigla nalang nagdilim ang anyo nito.

"Ahm. Chicks. aniyang inamoy-amoy ang lalaking kakalabas lang ng banyo. "Wetewew. pang-aasar niya dito.

"Kaden, maawa ka..huwag muna ngayon. nagmamakaawang wika nito. Ngunit binaliwala niya lang ito and she tease him.

"Gusto ko talaga ang lalaking mabango. sabay kinadat at naglip bite pa. Kitang-kita niya ang pamumula ng pisngi nito sa ginawa niya na lalong ikinasaya niya. Mabilis niyang inilapit ang mukha niya sa mukha nito.

"Pakiss naman o. Ambango kasi ni baby. at humagalpak ng tawa habang papasok ng banyo.

Minamadali niya ang paliligo para mabilis siyang makaalis sa bahay na iyon at ng makapunta na siya Kay Prince.

Shampoo,

Sabon,

Sabon,

Banlaw,

Sabon,

Banlaw,

At sa wakas nakatapos na rin siya. Mabilis niyang itinakip sa katawan ang malaking tuwalya at lumabas na doon. Nadatnan niyang inaanyos ni Mikael ang kama nito ang nandon na din nakaayos ang mga unang itinapon niya.

"Umalis ka na diyan at lumabas magbibihis ako. wika niya.

"Pero hindi pa ako tapos. tutol nito.

"Lalabas ka o maghuhubad ako?

"Maya-maya na.

"Ngayon na sabi!

"Wait lang. One minute. pakiusap nito. Lumapit siya dito at tinangkang tanggalin ang pagkatali ng tuwalya ng tumili ito ng malakas.

"Huwag! sigaw nitong nasa ibang direksiyon ang mga mata habang ang mga kamay ay nakapigil sa kamay niya. Tumawa siya ng malakas na pumuno sa loob ng kuwarto nito

"Hahaha. Bakla! aniyang pilit kinukuha ang mga kamay nito na nakahawak sa tuwalya.

"Tssk. At hinubad ang tuwalya. O see! May suot ako. Anong akala mo sakin striper? natatwang wika niya na lalong nagpapula ng mukha nito.

"An dumi kasi ng utak mo Mikael Willan. Aniyang pinapagpagan ang sandong suot.

"Pakiss nga bakla.

"Sapak gusto mo?

____________

Nagulat ako ng dumating ako sa WU nakita kong nakatayo doon si Prince. Nakasandal pa ito sa red Ferrari niya habang nakapamulsa. Grabe..ang gwapo talaga niya, ang kaso hindi siya ang type ko. Ayoko ko sa kanya kahit gwapo, mayaman, maimpluwensiya at susunod na king ng Dauntless mafia. Mabilis siyang lumapit dito na nakangiti at yumakap.

"Ang sabi ko doon na tayo magkita sa Underground bakit ka pa pumunta dito? nakangiti niyang wika dito habang nakayakap pa rin. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya.

"Syempre, para makita ko naman ang bago mong school at ng macheck ko kung makikick-out ka na naman. wika nito at tumawa.

"Gago ka talaga. nakangiti tinampal ito ng mahina sa balikat. "Sobra ka ha. aniyang siniko ito ng mahina. Grabe, kilala na talaga siya nito at wala na talaga siyang maitatago dito. At sino ba ang makapagtago sa isang prinsipe. Umiling-iling nalang siya.

"Hop in. maya-maya wika nito sa kanya.

"Saan?

"Underground.

"May klase ako.

"Naexcuse na kita. Nagtaka siya sa sinabi nito. Naexcuse na daw siya? Ano naman kaya ang ginawa nito at ng napapayag niya ang Dean.. baka tinutukan na naman niya ng baril ang tao. Napailing malang siyang pumasok sa loob ng kotse nito habang inaalala ang ginawa nito one year ago. Tinakot at tinutukan nito ng baril ang dean niya para lang mapayagan siyang eexcuse at binantaan pa niya ito na kung ibagsak siya papatayin nito lahat ng lahi ng kawawa niyang Dean. Hahaha. Gago talaga diba.

Aalis na sana sila ng bigla nalang may humarang sa dadaanan nila. Nanlaki ang mga matang napako ang tingin sa lalaking nakaharang. Napamura siya ng malutong. Alam niya kasing sasagasaan siya ni Prince dahil wala itong pakialam sa buhay ng iba. Shit! Napamura siya ng biglang pinaroar ni Prince ang kotse. Mabilis niyang hinawakan ang kamay nito at agad-gad lumabas sa kotse.

"Putcha. Umalis ka diyan Mikael. galit niyang sigaw sa lalaki habang nakatayo parin doon nakabukas ang mga braso. Hindi pa rin ito umalis kaya napilitang siyang lapitan ito at hinatak papunta sa tabi.

"Gago ka talaga Willan. Lumayas ka nga.

"May klase pa tayo. anito sa kanya.

"Pwes. Pumasok ka.

"Gusto ko kasama ka.

" Excuse na ako sa klase.

"Ako ang may-ari ng school na ito kaya ako ang magdedesisyon kung aabsent ka o hindi. seryoso ngunit makapangyarihang turan nito sa kanya.

"Sorry dude. Sakin siya ngayon. wika ni Prince na hindi niya namalayang lumabas pala ito sa sasakyan at nakalapit sa kanila.

"No! May pasok ngayon at may klase siya. nagtitimping wika ni Mikael Kay Prince.

"No one can say NO to me. nakangiting wika ni Prince Kay Mikael at tinutukan ito ng baril sa ulo. Nakita niya ang pagkagulat ni Mikael sa ginawa ni Prince sa kanya. Nakita din niyang namutla itong nakatingin sa baril na nakatutok sa kanya.

"Ibaba mo yan Prince. malamig niyang utos Kay Prince na sumunod din kaagad sa sinabi niya.

"Kaden pagsumama ka sa kanya huwag na huwag ka ng tumabi matulog sa akin. si Willan. Napanganga siya sa sinabi nito sa kanya. Ang gago kasi..bakit niya sinabi na magkatabi sila matulog. "Ang amputa sarap batukan. Tumikhim muna siya bago nagsalita habang nakatingin Kay Prince na gulat ang mukha.

Magkatabi kayo matulog? napalakas nitong tanong sakanya. "Lintik na! Tinignan niya ng nakakamatay si Willan.

"Let me explain later. Pumasok kana sa kotse susunod ako. wika niya dito habang nakatingin Kay Mikael. Nang tumalikod na si Prince agad niyang binatukan si Willan.

"Gago ka talagang Bakla ka.

"Pag-umalis ka sasabihin ko sa lahat na magkatabi tayong matulog. banta nito sa kanya.

"Gawin mo at ng mavasectomy na kita.

PLEASE KEEP VOTING PLEASE.

She is My Opposite Dream Girl (✓) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon