32

19 1 0
                                    

MIKAEL'S POV

After ng kasal namin kanina ni Kaden agad kaming dumiretso sa reception at agad ding umalis para habulin ang aming flight pa Hawaii. Honeymoon in Hawaii, yeah. Regalo sa amin ni Prince ang kaibigan slash manliligaw ni Kaden dati but now she's mine, definitely mine dahil kakatapos lang ng aming kasal. Masaya ako't natupad lahat ng kahilingan ko wala na akong ibang mahihiling pa kundi ang magkaroon ng magandang pangangatawan, hindi magkaproblema ang relasiyon namin ni Kaden ang magkaintindihan kami lagi, ang maging maayos lang ang kumpanya pati sina mommy't daddy at Maika at higit sa lahat ang magkaroon ng malulusog at napakagandang mga anak. Tatlong anak ang gusto ko dalawang lalaki at isang babae. Isang babae para iwas sa mga pesteng mga lalaki. Mahirap kayang magbantay ng 24 hours para lang walang may maligaw na mga asungot sa pintuan ko. Dalawang lalaki para naman may tagapagtanggol ang aking prinsessa. Napangiti ako sa mga naisip ko halos nakaplano na ang lahat ngunit hindi naman ako maka-score sa asawa ko. Dahil hayun sa kama tulog na tulog kahit ihawan mo pa ng sampung baboy hindi mo siya mapagising ganyan na siya simula ng mabuntis ko. 'Yeah.' Naitaas ko sa ere ang aking kamay pagnaiisip ko ang aking unang anak sana naman lalaki para may little Mikael na tatakbo takbo dito sa bahay at okay lang din kong mini Kaden. Sana hindi niya mamana ang ugali ng ina yon ang ipinagdadasal ko palagi masakit na sa ulo Kaden palang paano pa kaya kong madagdagan pa ng isa. Napailing nalang ako saka lumapit sa kama at agad niyakap ang aking asawa.

"Beautiful, very beautiful." wika ko habang tinitigan ang napakaganda at maamong mukha ni Kaden. Ang amo ng mukha niya pagnatutulog pero paggising animo dragon na handang magpalabas ng kanyang kulay asul na akin. "I love you, cupcake." bulong ko sa kanyang teynga bago tuluyang pumikit.

***

"Cupcake, room service o sa labas nalang tayo kakain? tanong ko sa kanya habang nagsusuot ng kulay itim na sweatpants at kulay maroon na V-neck na medyo dikit sa aking katawan at nahahalata ang aking nagsilalakihang muscles. Simula kasing nag-away kami ni Kaden dahil lang sa abs ni Henry Cavill doon nagsimula ang aking pagge-gym sobrang nagselos ako sa lalaking iyon kaya heto meron na rin ako at hindi ko na kailangan pang mainggit sa iba.

"Sa labas nalang Mikael." sagot niya sa akin habang nagsusuklay. Kita mo lang hanggang ngayon wala talagang ka-sweet sweet itong asawa ko tinatawag niya lang akong honey pagmay galit siya sa akin.

"Kay, cupcake." sang-ayon ko sa kanya sabay bigay ng kanya white flipflop. Agad naman nitong sinuot bago tumayo. Nakasuot siya ng cotton black short at white V neck shirt habang malayang nakalugay ang kanyang mahabang buhok. Kahit kailan wala talaga itong kaarte arte sa katawan at iyon ang isa sa mga dahilan kong bakit ako nabaliw sa kanya hindi katulad sa iba na animoy dunkin donut.

"Shall we?" tanong ko sa kanya na nakangiti sabay lahad ng aking kamay.

"We shall." sabay layas sa harap ko. Kita mo lang hanggang ngayon bastos pa rin.

"Hintayin mo naman ako cupcake." ani ko habang nilakihan ang mga hakbang para mahabol sa babaeng ito.

"Kalalaki mong tao napakalamya." wika niya sa akin ni hindi man lang tumingin o tumigil. "Bilisan mo gutom na ako." dugtong pa niya. At nang sinabi niyang gutom na siya saka nawala ang aking mga mga pagsusumamo dahil anak na namin ang pinag-uusapan. Binilisan ko ang aking hakbang at umakbay sa kanya mahirap na baka mapagkamalan pa siyang single.

Pumasok na kami sa loob ng isa sa mga restaurant dito sa resort maganda ang ambience may mga maliit na aquarium at may mga iba't-ibang kulay ng mga isda. Gusto ko pang-iikot ang paningin ko pero mas kailangan nang mag-ina ko ang pagkain. Agad kaming umupo sa may gilid ng restaurant kong saan makikita ang mga naglalakad at mga naliligo sa tubig.

"May I have your order Sir, ma'am?" tanong sa amin ng isang babaeng waitress habang nakangiti.

"Please bring us your the best food here." seryosong wika ni Kaden sa babe habang nakatingin sa mga mata nito. Lumipat ang tingin ng babae sa akin.

"Anything sir? Drinks?" nakangiti niyang tanong sa akin. Ngumiti din ako sa kanya bago sumagot.

"Lemonade and water, please."

"Coming sir, ma'am." wika niya sa amin bago umalis nang tuluyan sa aming harapan.

Bigla naman akong nagulat ng bigla nalang akong batuhin ni Kaden ng hawak niyang panyo. Pasalamat nalang ako't hindi iyon masakit. Tiningnan ko siya na kunot ang noo dahil sa hindi ko naman talaga alam ang aking kasalanan sa kanya habang siya ay nanliit ang mga matang nakatitig sa akin.

"Why?" nagtataka kong tanong sa kanya sabay balik ng panyo sa kanyang palad ngunit hindi niya ako sinagot bagkus binato niya ulit ito sa akin. Hindi ko talaga maintindihan ang utak ng babaeng ito minsan tahimik, minsan mabait, minsan nanlalambing at kadalasan nananakit. Anong level kaya sa kademonyahan ang utak ng asawa ko pero sobrang mahal ko. Ang mga ugaling yan ang minahal ko at pinakasalan.

"Bakit cupcake, ayaw mo ba dito? May gusto ka pa bang iba? Ano pa, sabihin mo lang sakin lahat bibilhin ko." wika ko sa kanya habang hawak hawak ang kanyang kamay ngunit magpahanggang ngayon wala parin siyang sinasabi.

"What happened, hon? May masakit ba sayo? Sobrang gutom kana ba? tanong ko ulit sa kanya.

"Gutom na nga ako. Gutom na akong masuntok kang hayop kang malandi ka. Pag ikaw nakita ko ulit nakipaglandian diyan sa waitress na yan pagsasamahin ko talaga yang mga ulo niyo at itapon sa tubig ng Hawaii." galit niyang wika sa akin na ikinatutuwa ko naman dahil hindi nga siya nag-aa-i- love you sa akin pero ramdam ko naman na mahal niya ako sa mga pagseselos niya. Selosang babae. Gangster na selosa. Ang aking gangster, Kaden.

"Nagseselos kaba cupcake? Don't worry hindi kita ipagpalit ikaw kaya ang the best." wika ko. "The best mangbogbog." dugtong ko pa.

"Aray."

She is My Opposite Dream Girl (✓) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon