EPILOGUE
Eleven Years Later.
"Kaden! Kaden!" Malakas kong tawag sa aking asawa habang umaakyat ng hagdan. "Kaden where are you?" tawag ko ulit sa kanya. Galing akong opisina at napauwi ng maaga ng tinawagan ako ng school principal ng Willan High School na pagmamay-ari namin kaya napauwi ako ng maaga.
"Bakit ba?" may iritang tanong nito sa akin ng makasalubong ko siya sa may pintuan ng aming silid.
"Alam mo ba kong ano ang ginawa ng magaling mong anak?" halos pasigaw kong wika sa kanya.
"Syempre naman hindi. Ano ba ang ginawa ni Miguel?" tanong niya sa akin na walang pakialam.
"Hindi si Miguel. Si Kari." sagot ko naman sa kanya. At ng binanggit ko ang pangalan ng paborito niyang anak agad nagkaroon ng reaksiyon ang kanyang magandang mukha. Paborito niya naman si Miguel dahil mabait ito pero mas close sila ni Kari dahil pareho sila ng ugali. Like mother like daughter.
"Anong nangyari kay Kari?" Nag-alala niyang tanong sa akin.
"Si Kari sinuntok ang guard ng hulihin siya dahil sa dala niyang M16 sa loob ng school."
"Yon lang naman pala e." wika niya sabay pasok sa loob at komportableng umupo sa ibabaw ng kama.
"Ano? Yon lang ang sasabihin mo? Hindi mo ba alam na bawal magdala ng baril in public place at high power pa ang dala niya."
"Nagpaalam siya sa akin." sagot niya sa akin at humiga sa kama na parang walang nangyari at parang hindi ako nagsasalita tungkol sa kanyang anak.
"What? Are serious Kaden? Pinayagan mo si Kari na magdala ng ganong klaseng baril sa loob ng school natin?" halos mababaliw kong wika sa kanya. Napakasuportado niya talagang ina. Pramis. Kaya nga pati baril okay lang sa kanya para sa anak niya. Kaya nga tuwing birthday ni Kari baril ang regalo nito. Siya lang ang ganon. Kakaibang ina sa kakaibang anak at kami lang ang may kakaibang pamilya.
"Kaden naman bakit mo pinayagan ang anak natin na magdala ng M16 sa paaralan? Walang matinong ina ang papayagan ang anak na magbitbit ng baril para pumasok."
"Ah, ganon. Dahil pinayagan ko ang anak natin na magdala ng baril sa school hindi na ako matino." Umupo siya sa ibabaw ng kama at galit na tumingin sa akin. "Sinasabi mo bang baliw ako Mikael?" sigaw niyang tanong sa akin. Bumaba siya sa kama at lumapit sa akin habang galit na galit ang mukha. Sa tagal ng pagsasama namin ni Kaden natutunan ko ring hindi matakot sa kanyang hitsura dati pagmakita ko ang mukha niyang katulad sa ngayon halos maiihi na ako sa takot. Ngayon sorry dahil takot parin ako pero kaunti nalang.
"Sinasabi mo bang baliw ako Mikael?" tanong niya sa akin at kinuwelyohan ako.
"Bakit sinabi ko bang baliw ka Kaden?" tanong ko sa kanya na lihim na nagdadasal na sana hindi niya ako mabalian.
"Pero yong sinabi mo parang ganon na rin e."
"Sorry."
"Pasalamat ka at nasa mood ako ngayon kong hindi ipapatapon kita sa Iraq." wika niya sa akin saka ako binitiwan.
"Salamat cupcake."
"Samahan mo ako't pupuntahan natin si Kari sa school." yaya ni Kaden sa akin. Akala ko hahayaan niya si Kaden hindi naman pala. Mabilis siyang nagbihis sa harap ko ng puting T-shirt na may nakaprint na "Rock n' Roll' at pinarisan ng maong na short shorts.
"Let's go." yaya niya sa akin pagkatapos niyang masuot ang kanyang puting high cut.
'My wife is a hot bad ass.'
BINABASA MO ANG
She is My Opposite Dream Girl (✓)
RomanceWhat if one day you find your opposite dream are you willing to risk?? Si Mikael Willan ay isang gwapo at sikat sa kanilang school na sila lang naman ang tagapagmana. Mikael si the certified na mabait, masunurin at mapagmahal na anak ayaw niya kasin...