KADEN'S POV
"Hayst. Ano ba ang e-reregalo sa daddy ni Mikael? napipikon niyang tanong sa sarili habang nakakamot sa batok. Nasa mall siya ngayon at nagpakalat kalat para maghanap ng mairegalo sa karaawan ng ama ni Mikael na si Mike. O, wag na kayong magtaka kung bakit Mikael ang pangalan ng anak niya dahil nanggaling sa pangalan ng ama niyang gwapo at bata pa. Umupo siya sa isang bakanteng upuan sa loob ng mall at nag-iisip kung ano ang ireregalo niya. Hindi nga niya alam kung ano e..kumpleto naman sila sa gamit sobra-sobra pa nga e pinamimigay na nga lang nila yong iba sa mga katulong nila kung damit marami din sigurado siya don sa yaman ba naman ng mga ito. Kung pabango hindi rin niya kaya ang pabango nito na kung si Mikael pa ay sa Italy pa nito binibili. Kung relo naman..hindi niya kayang bumili ng Rolex. "Arrgh. inis niyang ipinadyak ang paa. Ng makita niya ang lalaking dumaan sa tapat niya na may hawak-hawak na CD. CD? O, oh. Halos umilaw ang mga mata niya sa kanyang naisip. Hindi mawala-wala ang ngiting lumapit siya CD station at pumili ng sobrang ganda sa cover pa lang mapanganga kana. Pumunta siya sa counter para bayaran na ito. Ng inilapag niya ito sa counter napatingin sa kanya ang cashier na nakakunot ang noo ngunit tinignan niya lang ito na nagsasabing "anong paki mo look" at seninyasan niyang i-punch ito para mabayaran na niya. Mabilis niyang kinuha dito nang mabalot na sa plastic at dumiretso siya sa may nakadisplay na pang balot mabilis niyang kinuha ang plain red na gift wrap at birthday card. Mabilis siyang lumakad palabas ng mall at bumaba pa parking lot. Kailangan niyang makauwi na kaagad para mabalot na ang kanyang regalo 5:00 na ng hapon at 8:00 pm magsisimula ang birthday party. Mabuti nalang at may time pa siyang makatulog.
_______
8:00 pm, tamang tama lang ang pagdating niya sa mansiyon dahil kskasimula pa lang ipinark niya ang kanyang motorsiklo sa tabi ng truck ni Mikael at mabilis na bumaba doon at dumiretso na sa loob. Halos lalabas na ang kanyang mga eyeballs ng makita ang magarbo at napakaraming bisita. Ang daming pagkain at bihis na bihis pa ang mga ito. NapaWOW pa siya ng makita ang ina ni Mikael na sobrang ganda sa suot nitong black dress na halos walang takip ang likod nito. Halos gusto niyang maawa dito dahil sa baka magkapneumonia ito dahil sa suot nito. Luminga-linga siya para hanapin ang ama ni Mikael at hindi naman siya nabigo dahil nakita niya itong nakatayo habang nakipag-usap sa mga kalalakihan na halatang mga mayayaman din katulad nito. Lumapit siya dito para batiin ito at ng makita siya nito agad naman siyang kinausap.
"Hi Tito. nakangiti niyang bati dito at humalik pa sa pisngi nito. "Happy Birthday. sabay abot ng kanyang regalo. Nakita niya ang pagngiti nito habang inaabot mula sa kanya ang regalo niya.
"Salamat baby. anitong ginulo pa ang buhok niya. "Puntahan mo na ang boyfriend mo. sabang wink sa kanya. Naramdaman niya ang pag-init ng kanyang mukha dahil sa winika nito.
"Boyfriend? Who?
"Mikael."
"He's not my boyfriend.
"He said he is.
"Nah! When?
"According to him..I'll ask him when.
Napatawa siya dahil sa sinabi nito sa kanya. "Hahaha. Sige Tito I'll ask him personally. paalam niya dito habang tumatawa.
"Wait baby..ano itong iniregalo mo sakin? tanong nito sa kanya habang inaalog ito. Agad naman siyang Napangiti sa tanong nito.
"Something hot. pagbibigay clue niya dito at ngayon siya naman ang nag wink dito at lumisan na. Ngunit bago pa man niya nahanap si Mikael ay may humatak na sa kanya na nagpagulat sa kanya.
"What? pikon niyang tanong sa humatak sa kanya walang iba kundi si Elia Willan na ngayon ay tinitignan siya mula ulo hanggang paa. Halatang hindi nito gusto ang suot niya. "Anong mali sa black leggings at medium black T-shirt na suot niya ngayon. Pasalamat nga ito nagleggings siya...for the first time.
"Eww...you're soo ew. nandidiring wika nito sa kanya habang sinusuri pa rin siya. "Let's go. sabay hila sa kanya.
"Elia saan mo ako dadalhin? tanong niya habang hatak hatak siya nito ni wala nga itong pakialam sa kanya kahit nagkandabunggo na siya sa ibang mga bisita doon ni excuse me walang lumalabas sa babaeng humihila sa kanya.
"Saan mo ba ako dadalhin? galit niyang tanong habang nagsosorry sa kanyang nababangga. "Sorry po. Sorry. aniyang may pekeng ngiti sa labi.
"Time for your make over honey. sagot nito sa kanya.
"What? Why?
"Dahil nagmumukha kang pulubi diyan sa suot mo.
"Wag mong sabihing...nangingilabot siya sa kanyang na isip.
"Yes honey..magsusuot ka ng DRESS.
"HELL NO!
"Hell yes!
Kaden!! galit na galit na sigaw sa kanya ni Elia Willan ng sinadya niyang taponan ng tubig ang pinasuot nito sa kanya. Nagkunwari siyang nauuhaw habang pilit nitong pinapasuot sa kanya ang isang black dress spaghetti strap. Ayaw niyang mag dress at ayaw niyang isuot ang mga ito. Nakangiti siyang tumingin sa namumula sa galit na mukha ni Elia Willan.
"Oops. I'm sorry. sabay tabon ng bunganga na animoy nagulat pa sa kanyang ginawa.
"Don't start me Kaden. pagbabanta nitong wika habang muling kumuha ng isang puting dress na siguro pagsinuot niya ito nasa kalahati ng kanyang hita. Napangiwi siya ng idinikit nito sa kanya at tama nga ang hula niya maiksi nga sa kanya.
"May pole ba sa labas Elia? tanong niya sa babae habang busy sa pag-eestima sa kanya.
Kunot ang noong tumingin ito sa kanya at nagsalita. "Wala bakit?
"Magmumukha kasi akong pole dancer sa club pag yan ang isusuot ko. reklamo niya.
Humalakhak ito sa sinabi at muling tumingin sa kanya. "Nakapanty at bra lang ang mga iyon.
Napikon naman siya sa sinabi nito sa kanya. "Wow! Ibig sabihin pala magpapasalamat pa ako sayo dahil pagtumuwad ako labas ang kaluluwa ko. sarkastiko niyang turan dito.
"Yeah. Maybe.
"Pag-iyan isinuot ko..sigurado masisira ko lang yan.
"Ows. Bakit?
"Meron ako.
"Marami pa yan sa mall at pwede akong magpagawa ng ganyan.
"Pwes..ayokong isuot yan dahil meron ako at wala akong pambayad niyan.
"Libre to kaya wag kang mag-alala. Dahil sa hindi niya talaga makumbinsi ang mommy ni Mikael na ayaw niyang magsuot ng dress minabuti na niyang ilabas ang kanyang pepper spray na makasiksik sa kanyang gilid at pasimpleng inispray-han ito sa likod ng tumalikod na si Elia at mabilis na ibinalik ito sa gilid niya. Kunwari iniangat niya ang dress para tignan ito tapos kunwari gulat siyang sumigaw ng makita ang mga pulang maliliit na patak. "OMG! Elia maraming dumi. sabay pakita dito at pinalaki ang kanyang mata sa gulat. Bigla namang nagbago ang mukha nito ng makita ang mga duming ginawa niya.
"How? nagtatakang tanong nito.
"Aba, Ewan ko..baka sa inorderan mo yan.
"Shit! mura nito habang muling binuksan ang closet at kinuha ang ang light yellow dress. Pakiramdam niya namutla siya ng makita ang hitsura ng damit na isusuot niya. Mas mabuti pang pumayag nalang siya sa white dress na iyon kesa sa ngayon. "Shit. malutong niyang mural habang nakatingin sa damit. Isang light yellow dress na labas ang likod na may mahabang V neck line.
"Wag yan.
"Isusuot mo o I'll kick your ass. banta nito sa kanya. Nasira mo na ang apat na damit ko kaya isuot mo yan.
"Just kill me.
__________
OOPSS. LAME UPDATE NA NAMAN. SORRY.
BINABASA MO ANG
She is My Opposite Dream Girl (✓)
RomantikWhat if one day you find your opposite dream are you willing to risk?? Si Mikael Willan ay isang gwapo at sikat sa kanilang school na sila lang naman ang tagapagmana. Mikael si the certified na mabait, masunurin at mapagmahal na anak ayaw niya kasin...